Chapter 39 Minia's POV : Matapos naming makapagbayad ay lumabas na kami ng boutique para lang bumungad sa akin ang nagtatawanang si Harvest at Lauren na hanggang ngayon ay parang tarsier pa ring nakakapit sa kaniya. Ang magaling na lalaki naman na iyon ay wala ni katiting na pagtutol sa mukha, mukhang tuwang-tuwa pa nga siya eh. Muli na naman akong nakaramdam ng matinding kurot sa puso ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Arvy sa palad ko na marahan niya pang pinisil. "Bakit mo pa pinapanood kung nasasaktan ka na? Ano bang problema mo Minia? Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sayo." Dinig ko ang problemadong talak niya at pinunasan ang takas na luha na pumatak sa pisngi ko. "Arvy, umuwi na lang kaya tayo?" Matamlay kong suhestiyon at tinalikuran ang gawi nila Harvest. Sa halip

