Chapter 33 Minia's POV : Dahil nakapagpahinga naman na ako kahapon ay maaga akong nag-aayos ngayon para pumunta sa Café ko at bumisita, kahit pa sabihing araw-araw akong binabalitaan ng mga managers na kinuha ko ay iba pa rin talaga kasi iyong chinicheck ko paminsan-minsan. Sa katunayan ay by the end of this month ay plano kong bisitahin ang branch namin sa may Cebu at Davao. Nakakatuwa nga na kahit less than a year pa lang ang café ko ay talagang nag-bloom at pumatok, kadalasan ay dinadayo pa talaga kami noon dito sa main branch ko sa Makati, kaya nga naisipan ko na magpatayo na rin ng dalawa pa and thankfully talagang tinangkilik kami ng mga tao. Kung papalarin sana ay gusto kong makapagpatayo rin sa hometown ni dad which is sa New York. My dad is a half American and half Filipino, w

