Rebecca

272 Words
Nagumpisa na siya sa kaniyang mga gawain. Sinimulan niya ang kanyang umaga sa pagmumuni muni habang hawak ang kanyang panulat at papel. Umiinom ng kanyang tinimplang kape. Sinulat niya ang kanyang mga plano para sa araw na iyon. Mas madali kasi para sa kanya na gawin at matapos ang mga gawain kung kanya itong isusulat at paulit ulit na babasahin. Sampung minuto ang inilalaan niya para sa kanyang mga pagpaplano at paginom ng kape tuwing umaga. Isang oras naman ang paghahanda at pagaayos ng lahat lahat para sa kanyang pangangailangan pansarili, at treinta minutos ang para sa oras sa biyahe dahil nagkokomyut lamang siya. Sa kanyang pagpaplano, naisip niyang muli na buhayin ang noong pinakananais niya, ang pag-aralan ang pagtugtog ng mga instrumento. Bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa musika. Mahusay din siyang kumanta at lumikha ng kanta, mabilis din siyang matuto sa mga instrumento yun lamang ay nalilimutan din agad dahil walang sariling instrumentong pantugtog, dahil hindi naman iyon isang uri ng pangangailangan para sa kanyang mga magulang noon. Naisip niya na ilagay ito sa kanyang plano *mag-aral mag ukulele (ukulele muna, bago ang gitara.) nakahighlight pa iyan, tila iyan ang pangunahin at pinakananais niyang gawin sa araw na iyon. Balak na niyang bumili ng ukulele, at pag-aralan ito. Sa ngayon ay gusto niyang matutuhan ang lahat ng instrumentong pangmusika, dahil iyon ang talagang gusto niyang gawin. Oo, maganda na ang trabaho niya, stavle na kumbaga. Ngunit, nais niya muling magkaroon ng buhay. Buhay na muling mararamdaman niya ang dating sigla na lumisan na dahil sa napakaraming masasakit na pangyayaring kanyang pinagdaanan mula pagkabata at magpahanggang siya'y nagdalaga...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD