bc

Rebecca and her Self Discoveries (Tagalog)

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
adventure
sweet
serious
self discover
discipline
addiction
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Rebecca.

Rebecca ang kaniyang pangalan.

Tulad ng kaniyang pangalan, siya ay isang babaeng maganda at malakas. Ngunit, kagandahang hindi pisikal, oo: hindi kagandahan si Rebecca ngunit natatangi naman ang kabutihang taglay niya.

Ngunit dahil moderno na ang mundo, hindi masyadong napapansin si Rebecca, teenager pa lamang siya ay tila mailap sa kanya ang pag ibig na kanyang pinapangarap. Iyon ay dahil na nga sa panlabas niyang anyo.

Hindi siya kaputian, hindi rin katangkaran. Hindi rin kakikitaan ng ano mang hitsura na nakakaakit na tulad ng mga kaedad niya. Tipikal lamang ang kanyang mukha na hindi kapansin pansin.

Oo. Hindi siya attractive. Pero matalino siya, mahusay umawit at magsulat. Hindi siya magaling magsalita, ngunit mahusay siya sa pagsulat mapaawitin man o ano man na uri ng sulatin. Mga katangian ng isang introvert.

Introvert si Rebecca. Mas nais niyang mapag isa, ayaw niya ng maingay. Sa pagiging introvert niya mas marami siyang natututunan.

Ngunit, sa kanyang pagiging matalino at mabait na mga mabubuting katangian. Ay marami siyang sikreto. Sikretong nadiskubre niya sa kaniyang sarili. Sikretong lubusan niyang naunawan tuwing siya'y nag iisa, nagiisip, nalulungkot at dahil siya'y isa lamang biktima.

Sino nga ba si Rebecca?

May tatanggap ba sa kaniya?

Sino si Karlos, Miguel, Reynan at Paulo sa buhay ni Rebecca.

chap-preview
Free preview
Rebecca
Nagumpisa na siya sa kaniyang mga gawain. Sinimulan niya ang kanyang umaga sa pagmumuni muni habang hawak ang kanyang panulat at papel. Umiinom ng kanyang tinimplang kape. Sinulat niya ang kanyang mga plano para sa araw na iyon. Mas madali kasi para sa kanya na gawin at matapos ang mga gawain kung kanya itong isusulat at paulit ulit na babasahin. Sampung minuto ang inilalaan niya para sa kanyang mga pagpaplano at paginom ng kape tuwing umaga. Isang oras naman ang paghahanda at pagaayos ng lahat lahat para sa kanyang pangangailangan pansarili, at treinta minutos ang para sa oras sa biyahe dahil nagkokomyut lamang siya. Sa kanyang pagpaplano, naisip niyang muli na buhayin ang noong pinakananais niya, ang pag-aralan ang pagtugtog ng mga instrumento. Bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa musika. Mahusay din siyang kumanta at lumikha ng kanta, mabilis din siyang matuto sa mga instrumento yun lamang ay nalilimutan din agad dahil walang sariling instrumentong pantugtog, dahil hindi naman iyon isang uri ng pangangailangan para sa kanyang mga magulang noon. Naisip niya na ilagay ito sa kanyang plano *mag-aral mag ukulele (ukulele muna, bago ang gitara.) nakahighlight pa iyan, tila iyan ang pangunahin at pinakananais niyang gawin sa araw na iyon. Balak na niyang bumili ng ukulele, at pag-aralan ito. Sa ngayon ay gusto niyang matutuhan ang lahat ng instrumentong pangmusika, dahil iyon ang talagang gusto niyang gawin. Oo, maganda na ang trabaho niya, stavle na kumbaga. Ngunit, nais niya muling magkaroon ng buhay. Buhay na muling mararamdaman niya ang dating sigla na lumisan na dahil sa napakaraming masasakit na pangyayaring kanyang pinagdaanan mula pagkabata at magpahanggang siya'y nagdalaga...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dominating the Dominatrix

read
52.7K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
19.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
785.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
555.5K
bc

The Lone Alpha

read
123.1K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook