Story By Shamm Palomo
author-avatar

Shamm Palomo

ABOUTquote
Uhaw ang puso\'t isip kong sumulat ng nobelang kawiwilihan ko at kawiwilihan mo. Sumusulat ako upang bumasa. Sumusulat ako upang maaliw ang sarili pansamantala. Sumusulat ako para maaliw kita, ikaw na isang malungkot na kaluluwa. Sumusulat ako para matupad ang pangarap ko, kahit sa pagsulat man lang. Sumusulat ako para tuparin ang gusto mo, kahit saglit lang pagkatapos ng bawat kwentong mababasa mo. Sumulat ako para yung hindi kaya, maging posible. Sumulat ako para mapangiti ka, ikaw na uhaw sa ligaya at lunod sa dusa. Dahil ang ako, ay ikaw din pala. Akong nagsusulat nito ay ikaw din pala. ☺ Enjoy reading! -Shamm Palomo p.s. I want to pursue my teenage dream, to be a novelist.
bc
Rebecca and her Self Discoveries (Tagalog)
Updated at Nov 4, 2021, 13:44
Rebecca. Rebecca ang kaniyang pangalan. Tulad ng kaniyang pangalan, siya ay isang babaeng maganda at malakas. Ngunit, kagandahang hindi pisikal, oo: hindi kagandahan si Rebecca ngunit natatangi naman ang kabutihang taglay niya. Ngunit dahil moderno na ang mundo, hindi masyadong napapansin si Rebecca, teenager pa lamang siya ay tila mailap sa kanya ang pag ibig na kanyang pinapangarap. Iyon ay dahil na nga sa panlabas niyang anyo. Hindi siya kaputian, hindi rin katangkaran. Hindi rin kakikitaan ng ano mang hitsura na nakakaakit na tulad ng mga kaedad niya. Tipikal lamang ang kanyang mukha na hindi kapansin pansin. Oo. Hindi siya attractive. Pero matalino siya, mahusay umawit at magsulat. Hindi siya magaling magsalita, ngunit mahusay siya sa pagsulat mapaawitin man o ano man na uri ng sulatin. Mga katangian ng isang introvert. Introvert si Rebecca. Mas nais niyang mapag isa, ayaw niya ng maingay. Sa pagiging introvert niya mas marami siyang natututunan. Ngunit, sa kanyang pagiging matalino at mabait na mga mabubuting katangian. Ay marami siyang sikreto. Sikretong nadiskubre niya sa kaniyang sarili. Sikretong lubusan niyang naunawan tuwing siya'y nag iisa, nagiisip, nalulungkot at dahil siya'y isa lamang biktima. Sino nga ba si Rebecca? May tatanggap ba sa kaniya? Sino si Karlos, Miguel, Reynan at Paulo sa buhay ni Rebecca.
like