PAGHAHARAP NG ASAWA AT KABET

1718 Words
HUGO POV. SUMAKIT ang aking likuran sa tagal ng pagkakayuko sa ibabaw ng mesa. Ilang oras din ang ginugol namin bago natapos ang project ni Ms. Alexia. Minsan ko pa iyong sinipat para siguraduhin wala nang kulang bago ako umayos ng upo. Sinulyapan ko siya, saka ko lang napansin na nakatulog na pala siya, nakasubsob sa kabilang dulo ng lamesa. Hindi muna ako kumilos, pinagmasdan ko lamang siya. Nagtatalo ang aking isipan kung hahayaan siya sa pwesto niya o gigisingin ko para lumipat sa higaan. Sa bandang huli nagpasya akong tumayo, pagkatapos ay lumapit sa kama, inayos ang mga unan, at saka siya pinuntahan. Yumuko ako at maingat siyang binuhat. Dinala ko siya sa higaan at dahan-dahang ibinaba. Matapos ko siyang takpan ng kumot, iniwan ko siya roon. Bago lumabas ng pinto, pinindot ko ang switch ng ilaw. Hinila ko ang pinto para isara, ngunit pagharap ko sa pasilyo, nagulat ako sa aking nakita. Nakatayo doon ang ama ni Ms. Alexia, at marahas ang tingin niyang nakatutok sa akin. Hindi ako nakaramdam ng takot o kaba. Naglakad lamang ako papunta sa hagdanan nang bigla niyang hablutin ang braso ko. Ganun pa man hindi ako kumilos, kahit hilahin ang aking kamay ay hindi ko rin ginawa. Naghintay ako ng anumang sasabihin niya. “Nananadya ka ba, ha?” galit na galit niyang singhal. “Hindi. Bakit ko naman ’yon gagawin? Hindi ako kagaya mo, na kahit may asawa na, nakakapang-akit ka pa ng iba. At ano ba ang ikinagagalit mo na naririto ako? Sa pagkakaalam ko, wala namang asawa ang anak mo. At hiwalay na rin ako sa babaeng asawa mo na ngayon.” Matigas kong sabi, bago ko malakas na tinabig ang kamay niya, dahilan para mabitawan niya ako. Hindi pa rin ako humakbang, tiningnan ko muna siya mukha, tila binibilang kung gaano karami ng wrinkles niya. “Umalis ka sa pamamahay ko bago pa may mangyaring hindi tama sa pagitan nating dalawa!” “Go ahead, akala mo ba natatakot ako sa pagbabanta mo?” “‘Wag mo akong subukan, alalahanin mo narito ka sa pamamahay ko! Kahit patayin kita dito, pwede ko ‘yon gawin!” muling banta niya sa akin. “Bakit hindi mo gawin? Sabi mo nga pamamahay mo ito.” pang-iinis ko pa sa kanya, gusto kong makita kung gaano siya katapang sa gawa… hindi lang sa salita. “Kung wala lang sakit ang asawa ko, kanina kapa bumulagta dyan sa sahig!” wika pa niya. “Kung gusto mo talaga ng laban at matapang ka, magbigay ka ng lugar, yung tayong dalawa lang. At sisiguraduhin ko, isa sa atin ang mamamatay!” mahina kong sabi pero sigurado akong malinaw niyang narinig. Nagpatuloy ako sa paglalakad, ngunit huminto ako saglit at lumingon ng bahagya. “Pakisabi kay Alexia, hihintayin ko siya mamaya. Good night, Papa.” Painsulto kong paalam bago tuluyang bumaba. Paglabas ko ng maliit na gate, nadaanan ko ang ilang tambay na nakatingin sa akin. Kaya binati ko sila, sabay kaway. “Sandali,” wika ng isa sa tatlong lalaki, “ikaw ba ang boyfriend ni Ms. Mariah?” Napakunot ang noo ko. “Si Alexia ba ang tinutukoy n’yo?” “Oo, siya nga.” “Hindi pa naman,” sagot ko, bahagyang napangiti. “Manliligaw pa lang niya.” “Manliligaw? Bakit doon ka yata natulog?” tanong ng isa, habang nakataas ang kilay. “Hindi pa ako natutulog. Nandoon ako dahil tinulungan ko siya sa project niya,” sagot ko bago tuluyang magpaalam. “May pang-kape ka ba diyan?” singit ng isa, sabay kamot sa ulo. Napabuntong-hininga na lang ako, dinukot ang wallet ko, kumuha ng isang perang papel, at iniabot sa kanila. “Heto. Samahan n’yo na rin ng pandesal,” sabi ko bago ako tumalikod. “Salamat, Bossing!” sigaw nilang tatlo. Hindi na ako lumingon, pero tinaas ko ang kamay ko at nag-thumbs up bilang tugon. Pagdating ko sa bahay, balak ko sanang dumiretso sa parking para kunin ang pick-up at umuwi sa Mansion Del Fierro. Ngunit sobrang bigat na ng mga mata ko, kaya nagpasya akong pumasok na lang sa kabahayan. Saktong paggising ni Cindy, pababa siya sa hagdan, nakasuot pa rin ng pantulog. Agad kong binilisan ang lakad papunta sa kwartong inokupa ko. “Saan ka natulog at ngayon ka lang umuwi?” tanong niya. Ayaw ko sana siyang sagutin, ngunit biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kanina sa bahay ng kalaguyo niya. “Bakit? Hindi ba sinabi sa ’yo ng kabit mo na nandoon ako sa kwarto ng anak niya?” malamig kong sagot, kasabay ng pagtaas ng kilay. “Sa dami ng babae, bakit siya pa ang pinatulan mo?” sigaw niya, puno ng panunumbat. “Bakit ikaw? Tinanong ba kita kung bakit sa dami ng lalaking pwede mong ipalit sa’kin… ay sa matandang bus driver ka pumatol?” mariin kong tugon bago ako pumasok sa kwarto at isinara ang pinto. Nilock ko iyon… pati ang double lock na nilagay ko noong isang araw ay sinigurado kong lock din. Ayaw ko nang basta-basta siyang nakakapasok sa kwartong tinutulugan ko. Ibinagsak ko ang pagod kong katawan sa kama at agad akong binalot ng antok. Agaw-kamalayan na ako nang marinig kong kumalansing ang seradura, pilit itong binubuksan. Pero hindi ko na inintindi. Hindi rin naman siya makakapasok. May double lock ako. At wala na akong lakas para pag-ukulan pa ng pansin. PAGGISING ko, pasado ala-una na ng hapon. Gano’n ba katagal akong nakatulog? Nag-unat muna ako bago abutin ang cellphone sa bedside table. Ilang tawag at mensahe ang pumasok. Binuksan ko iyon at napaupo ako nang makita kung kanino galing… kay Ms. Alexia. “Sh*t!” malakas kong mura bago ako tumayo at mabilis na pumasok sa banyo. Tatlong minutong ligo lang ang kinaya ko, at agad akong lumabas. Nagsuot ako ng jeans at T-shirt, dinampot ang susi ng sasakyan, at nagmamadaling umalis. Paglabas ng main door, diretso ako sa parking. Sumakay ako at pinaandar agad ang pick-up. Hindi ko na hinintay uminit ang makina; umarangkada ako palabas ng mataas na automatic gate. Bakit ko ba nakalimutang ibaba ang bag niya mula sa sasakyan kagabi? Halos paliparin ko ang sasakyan kaya humabol pa sa akin ang patrol car, pero hindi na ako nag-minor. Pagdating sa university, agad kong natanawan si Ms. Alexia… nasa labas siya ng gate at panay ang lingon sa paligid. Paghinto ko sa tapat niya, dali-dali siyang lumapit. Mabilis din akong bumaba. “Dahil sa’yo, baka hindi ako maka-graduate!” singhal niya. Hindi na ako sumagot; lalo lang siyang mag- iinit sa galit. Iniabot ko na lang ang bag niya. Hinablot niya ito at mabilis na tumakbo papasok ng campus. Akmang sasakay na ako ulit sa pick-up nang biglang bumusina nang malakas ang patrol car sa likuran ko. Napakamot ako sa ulo bago napilitan lumapit. “Sir… pasensya na po. Emergency lang kaya hindi ako huminto kanina—” “Emergency? Dito sa campus? Kung emergency ’yan, dapat nasa ospital ka!” putol ng pulis sa iba ko pa sanang sasabihin, halos pasigaw din. Malakas na malakas ang boses niya, parang mapuputol ang hininga sa laki ng tiyan at tindi ng galit. Napatahimik na lang ako, baka atakihin pa siya sa puso pag sinagot ko. “Pards, huminahon ka muna,” saway ng kasama niyang pulis. “Paano ako hihinahon? ’Yung tarantadong ’to… napakayabang magmaneho!” muli siyang humarap sa akin. “Lisensya!” muling sigaw niya habang nakasahod ang kamay. “Ahm… baka naman puwede nating pag-usapan, mga boss—” “Hindi! Hindi uso sa’kin ang areglo. Ang dami mong violation! Gusto mo bang isa-isahin ko pa? Sigurado ako, aabot ’yan ng bente mil lahat!” “Okay, fifty thousand… basta walang ticket.” Mabilis kong tugon. Pero tinalikuran niya lang ako at kinausap ang kasama. “Pards, ikaw na kumausap. Biglang sumakit ulo ko. Iinom muna ako ng gamot.” At mabilis na umalis ang pulis na may malaking tiyan. “Sir, pasensya na sa kasama ko,” sabi ng isa, humihinga nang malalim. “Gano’n talaga ’yon… mabilis uminit ang ulo.” “Ayos lang, SPO1—” “Sergeant!” mabilis niyang putol. “Sergeant ang position ko.” Sabay abot niya ng lisensya ko. “Pakisend na lang diyan sa numero ang amount. Alam mo na, may mga camera dito… ayaw kong mag-viral.” wika pa niya. Binuksan ko agad ang mobile banking ko at ipinadala ang halagang sinabi ko sa numerong ibinigay niya. Pagkatapos ay umalis na ako. Habang papalayo ako sa campus, bumalik sa isip ko si Ms. Alexia. Sa halip na diretsong umuwi sa mansion, nag-U-turn ako at nagpark sa tapat ng coffee shop, katabi lang ng main gate ng campus. Doon ako umupo sa pwesto, kung saan kitang-kita ko ang paglabas niya. Habang umiinom ako ng kape, pumasok sa isip ko kung bakit nandito pa rin ako. Ano ba ang ginagawa ko sa lugar na ito? Bakit parang sobra akong naaapektuhan sa galit ni Ms. Alexia? Nang maubos ko ang laman ng cup, tumayo na ako. Mas mabuti pa sigurong pumunta na lang sa sarili kong coffee shop. Palabas na sana ako nang mapansin kong nagsisilabasan na ang mga estudyante. Napahinto ako. Bumalik ulit ako sa upuan… at naghintay. Ngunit may kalahating oras na ang lumipas, wala pa rin siya. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at nag-type ng mensahe kay Ms. Alexia. Sinabi kong nandito ako sa coffee shop at hinihintay siya. Pero pag-tap ko ng send, failed. Napakunot ang noo ko. Sinubukan ko ulit… ganun pa rin. Kaya dineyal ko na ang numero niya. Uminit ang ulo ko nang marinig ang automated voice: naka-block ang number ko. Napilitang akong tumayo. Wala namang saysay maghintay at magmukhang ewan doon. Isa pa, sigurado akong hindi siya sasakay sa sasakyan ko sa estado niyang galit. Lalo pa ngayon… patunay nga na nasa block list na ako. Pagsakay ko ng aking pick up ay pinasibad iyon palayo sa campus. Sisilipin ko na lang ang pagli-layout ng pinapagawang building ng kapatid ko para sa RstoBar. Mas mabuting doon ako magbabad, malilibang pa ang isipan ko. Pagdating ko sa site, naroon din nag dalawang kapatid ko, sina Argus Emanuel at Rufus Nathan. "Aba, mabilis lang mag-layout, talagang minamadali mo na, Brother?" nakangiti kong ani, bago inakbayan silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD