bc

WITH MY VIRGIN MISTRESS

book_age16+
570
FOLLOW
6.0K
READ
billionaire
HE
mafia
gangster
heir/heiress
blue collar
bxg
bold
war
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

📌Warning: SPG / R-18 / Mature Content.🔞

📌Forbidden Love🔞

***

TUKSO: Salitang pilit na iniiwasan ng kahit sino lalo at may asawa na. Pero paano kung dumating ang pagkakataon na hindi napigilan. Lulusong ka ba sa kasalanan kahit alam mong posibleng ikawasak ng tahanan?

==

(WILD NIGHTS SERIES) WITH MY VIRGIN MISTRESS

chap-preview
Free preview
KAKAIBANG UNGOL
ALEXIA POV. GINISING ako ng isang kakaibang ingay. Kahit ramdam ko pa ang bigat ng mga mata ko, napilitan akong bumangon mula sa higaan. Ang ingay ay nagmumula sa kwartong tinutulugan ngayon ni Papa. Mula nang maratay si Mama, doon na siya lumipat. Ang sabi niya, hindi raw siya nakakatulog nang maayos kapag naririnig ang mahihinang ungol ni Mama tuwing sumasakit ang katawan nito. Naiintindihan ko naman… kailangan niya ng sapat na pahinga. Maaga pa siyang bumiyahe papuntang Maynila; bus driver siya sa isang provincial company. Alas-kuwatro pa lang ay umaalis na siya, at alas-sais ng hapon kung umuwi. Pero ngayong gabi… bakit may ingay sa kwarto niya? Tumingala ako sa dingding nakita ko ang oras, halos alas-onse na nang gabi. Hindi iyon oras ng pag-alis, at lalong hindi oras ng pag-uwi. Sino ang naroroon? 
 O mas tamang itanong… sino ang kasama ni Papa? Dahan-dahan akong lumapit sa pinto. Aakma sana akong kumatok nang mapansin kong bahagyang nakaawang ito. Sumilip ako sa siwang, ngunit halos wala akong makita… madilim ang loob. Kaya marahan kong itinulak ang pinto upang mas bumukas. Kasabay ng pag-awang nito ang malamig na hangin… at ang pakiramdam na may isang bagay na hindi ko dapat masaksihan. Ngunit nagpatuloy ako at doon ko narinig nang mas malinaw ang kakaibang ingay… parang mga impit na iyak, mga ungol ng isang babae’t lalaki... mga daing na hindi ko mawari kung dapat ko bang pakinggan o takpan ang aking mga tainga. Nasa gilid lang ng pinto ang switch ng ilaw, kaya agad ko itong kinapa at pinindot. 
 Sa isang iglap, nagliwanag ang buong silid… at nagkatinginan kami ni Papa. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang babaeng halos walang saplot, nakapatong pa sa ibabaw niya. “Tangina!” mura ni Papa, sabay tulak nang malakas sa babae. Nahulog ito sa sahig, habang ako nama’y nanatiling nakatulala, tila namanhid ang lahat ng pandama ko. Hindi pa rin ako makagalaw dahil sa pagkabigla. Ngunit nang makita ko ang harapan ni Papa, naroon pa ang patunay ng pakikipagtalik niya sa ibang babae. Saka pa lang ako nakakilos at agad na tumalikod. “Kumare, umuwi ka na muna,” wika ni Papa sa babae. Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang nakita. Bata pa ito at maganda… sa tantiya ko, halos kaedad ko lamang. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, ngunit nanatili ako sa aking kinatatayuan. Doon ko naramdaman ang biglaang pagbangon ng galit. Niloloko nila si Mama… siguro dahil bedridden na at halos wala nang magawa. Nang dumaan sa aking gilid ang babae, naamoy ko pa sa katawan niya ang pabangong gamit ni Papa. “I’m sorry, Alexia…” “Bakit po niloloko mo si Mama? Dahil ba hindi na niya kayang ibigay ang mga bagay na makapagpapaligaya sa ’yo?” may halong panunumbat kong tanong sa aking ama. “Hindi ’yon ganoon, sweetie. Nagkataon lang… natukso ako. Hindi na ’yon mauulit. Kaya pakiusap, huwag mong sasabihin sa mama mo ang mga nakita mo. Baka lalo pang lumala ang kalagayan niya kapag may nalaman siya.” “Sino ang babaeng ’yon? At bakit dito mo pa dinala sa bahay? Pwede naman sa hotel o sa bahay niya. Pero bakit dito pa kayo gumawa ng kalaswaan? Hindi n’yo man lang iginalang si Mama, samantalang katabi lang ng kwartong ito ang silid niya.” “A-Anak, pakiusap…” “Iniisip mo ba na hindi na magtatagal si Mama kaya ngayon pa lang ipinagpalit mo na siya sa iba?” putol ko sa nais pa sana niyang sabihin. Ramdam ko ang pag-angat ng luha dahil sa galit. “I’m sorry…” “Sorry? Madali lang sabihin ’yon. Pero ang sakit na dulot ng kataksilan mo? Sa akala mo ba hindi naririnig ni Mama ang ingay ng panloloko mo sa kaniya?” “A-Anak…” “Tama na! At huwag mo akong tawaging anak—namumuhi ako sa ’yo!” Humakbang na ako paalis, ngunit bigla niya akong niyakap. Hindi ko inaasahan iyon kaya nanigas ang aking katawan. At doon ko lang napagtanto… nakahubad pa rin ang aking ama. Isang iglap lang, pandidiri ang umalpas mula sa aking sikmura. Mukhang natauhan din siya at agad akong binitawan. Mabilis akong lumakad palabas, halos tumatakbo habang tinutungo ang pintuan ng aking silid. Pagkapasok ko, napasandal ako sa likod ng pinto. Kakaiba ang t***k ng puso ko, at kakaiba rin ang init na tila nanatili sa aking balat mula sa pagkakadikit namin. At ang kilabot ay naroon pa rin. Hindi ko maintindihan ang sarili kong reaksiyon… pandidiri, ang nararamdaman ko at dahil doon lalo lang akong nataranta. Dahil sa nangyari, nawala ang antok ko. Nanatili akong gising hanggang umaga. Namumutla ako at nangangalumata, ngunit kahit ayaw ko pang lumabas ng kwarto, wala akong magawa. May pasok pa ako, at may quiz pa sa umaga. Kailangan kong kumilos. Third year college ako sa kursong Tourism, dahil pangarap kong maging international flight attendant. Nag-iisa akong anak kaya kahit medyo magastos ang kurso, pinag-aaral pa rin nila ako. Matapos maligo, lumabas ako ng banyo na naka­tapis ng tuwalya, tumutulo pa ang aking buhok. “Anak, kumain ka muna bago pumasok. Halika… paborito mo ang mga niluto ko,” mahinahon na wika ni Papa. Noon, kapag ganito ang tono ng boses niya, agad akong napapangiti, yayakap sa kaniya, maglalambing, at mauupo upang kainin ang mga inihahain niya. Ngunit ngayon, kulang na lang ay sigawan ko siya, ayaw ko siyang makita, at ayaw kong marinig ang boses niya. Kaya bago pa niya mapansin ang namumuo kong luha, lumakad na ako palayo. “Alexia, pakiusap. Mag-usap tayo, pakinggan mo sana ang paliwanag ko.” Huminto ako at lumingon sa kaniya. Bakit naririto pa siya sa ganitong oras? “Halika, maupo ka na, baka lumamig pa ang mga pagkain,” dugtong niya. “Anong ginagawa mo rito? Wala ka bang pasok? At—” Napahinto ako. Naramdaman kong tumataas ang tono ng pananalita ko. Sa halip na ipagpatuloy pa ang sasabihin, nagmamadali na akong humakbang palayo. “Alexia, sandali—” narinig ko pa ang papalapit na boses ni Papa. Kaya pagkapasok ko sa aking kwarto, agad kong isinara ang pinto nang madiin. “Akala niya madadala ako sa mga pagkain na niluto niya, huh,” mariin kong bulong kahit alam kong hindi niya ako naririnig. “Galit ako… galit ako sa ginawa niyang pagdadala ng babae dito sa bahay,” muling wika ko sa sarili habang sinusubukang pigilan ang panginginig ng aking mga kamay. Matapos kong makapagbihis ng uniform, dinampot ko ang backpack at isinukbit sa likuran. Yumuko ako upang isuot ang aking mga sapatos bago tuluyang lumabas ng kwarto. “Anak, heto ang allowance mo. Dinagdagan ko na ’yan, dahil dalawang araw akong wala.” Napilitan akong lumingon. Mabilis kong hinablot ang pera mula sa kaniyang kamay bago muling naglakad palayo. Tuluyan nang naglaho ang paggalang ko sa aking ama. Paglabas ko ng gate, sakto namang may dumating na tricycle kaya agad ko itong pinara. Ngunit bago pa ako makasakay, may humintong four-wheel vehicle sa tapat ng tricycle. Bumaba mula roon ang isang babae—at agad ko siyang nakilala. Walang iba kundi ang babaeng kalaguyo ni Papa. Akmang lalapitan ko sana siya nang may isa pang bumaba sa sasakyan—isang lalaki. Matangkad, gwapo, at halata sa hubog ng katawan na madalas mag-gym. Lumapit ito sa babae, yumuko, at banayad na hinalikan siya sa labi. “Always take care. I’ll call you when I’m not busy.” “Even if you don’t, I’m just here at home anyway.” “Don’t be upset. You know this is how my job is.” “I don’t know with you. Bye!” Sabay tulak nito sa lalaki at naglakad ng papasok sa loob ng gate nang malaking bahay. Sa halip na sumakay ako sa tricycle ay tinalikuran ito at tumakbo ako sa kabilang gilid ng 4-wheel. Hinila ko ang pintuan pabukas at agad na sumakay sa unahang upuan. Nakita ko ang pagkagulat ng lalaki at akmang magsasalita ito ng unahan ko agad. “Drive! Kung nais mong malaman ang ginagawa ng asawa mo kapag wala ka.” galit kong ani. “Who are you? And can you please get off now? I still have a long drive ahead of me!” Matigas na utos nito. “Hindi ako bababa hanggang hindi ko nasasabi ang gusto kong iparating sayo! Kaya mag magmaneho ka lang at isasalaysay ko…” “I’m not interested in anything you have to say, so get off now…” “Balewala sayo kung nanlalaki ang asawa mo?” “What did you say?” “Sabi ko may lalaki ang asawa mo!” pasigaw kong sagot sa lalaking hindi ko alam kung nagpapanggap na hindi naiintindihan ang sinasabi ko. “Don’t make up stories, because I can file a case against you. So you’d better get off now—I’m leaving. Get down!” Matigas na utos ng lalaki sa akin. “Ang papa ko ang lalaki ng asawa mo! Kagabi lang nahuli ko sila sa loob ng kwarto parehong hubad at… ahm… n-nag aano sila.” Hindi ko magawang sabihin ang ginagawa ng asawa nito at ng aking ama. Bigla akong nakaramdam ng hiya kaya agad kong hinawakan ang pintuan ng sasakyan at akmang bubuksan iyon. Ngunit biglang nag-lock kaya napalingon ako sa lalaki. At halos manlaki ang aking mga mata ng akdawin niya ang gilid ko. Lalo pa at langhap ko ang kakaibang amoy nito, lalaking lalaki ang amoy niya. Saka ko lang naunawaan kung bakit niya iyon ginawa lalagyan lang pala ako ng seat belt. Pero teka bakit niya ako sinuotan ng sinturon saan kami pupunta ng lalaking ito? “Sandali saan mo ako dadalhin?” Malakas na ang kaba ng aking dibdib lalo at napansin kong tiim bagang ito at salubong na rin ang makapal nitong kilay. “Mister, tinatanong kita saan mo ako dadalhin?” “You’re the one who got in my car, did you forget? You even told me to drive, and now you’re asking questions?” Singhal niya sa akin. Natamimi naman ako dahil totoo ang sinabi ng lalaki pero nasabi ko na ang nais ko sabihin sa kaniya. Isa pa may pasok ako sa school at saka ko lang din nakita ang oras sa monitor ng sasakyan na nasa harapan ko. “Stop!” Malakas kong sigaw at agad naman silang huminto na naging sanhi ng muntik kong pagkauntog sa dash board. Inalis ko agad ang seat belt at naghanda sa pagbaba ngunit nanatiling naka lock ang pintuan. “Mister, paki-unlock at late na ako sa classes ko…” “I’ll take you to your school now, so fasten your seatbelt!” At biglang humarurot ang sasakyan. Kaya ang tangi kong nagawa ay ikabit ang seat belt. Sa bilis ng takbo namin isang pagkakamali lang disgrasya ang kahahatungan naming dalawa. “Pwede bang bagalan mo naman at baka kung saan tayo pulutin?” Sabi ko sa mahinahon na boses. Mahirap magtaray baka lalong bilisan niya ang pagmamaneho. “You said you’re going to be late?” “Oo, pero huwag naman ganito kabilis gusto ko pang mabuhay ng matagal. May sakit ang aking mama at aalagaan ko pa siya. Saka tutuparin ko pa ang pangarap kong maging international flight attendant. Hindi pa rin ako nagkaka boyfriend at virgin pa ako…” natampal ko ang aking bibig sa katabilan. “Is that so?” “Bakit parang hindi ka yata naniniwala sa sinasabi ko? Sabagay mukhang wala ka naman pinaniniwalaan patunay na kahit nanlalaki na ang asawa ay hindi pa rin naniniwala, huh!” “What’s your name?” “Mariah Alexia Montero.” “How long has the relationship between my wife and your father been going on?” “Kagabi ko lang nalaman, nagising ako sa ingay kaya pinuntahan ko ang silid na okupado ni Papa. Nakita ko sila sa ibabaw ng kama p-parehong hubad.” Nilingon ko ang lalaki dahil hindi na ito sumagot. At huminto na rin ang sasakyan sa harapan ng campus. Naka unlock na ang pintuan ng sasakyan kaya binuksan ko agad iyon. “Take this.” sabay abot niya ng business card at napipilitan akong kunin iyon. “Call me once you see my wife’s infidelity again. And please record a video as proof…” “Bakit ko naman yon gagawin?” “Evidence is important, especially since your father is also cheating on your sick mother.” “Fine!” Aniko bago tuluyang bumaba. Ngunit agad din napahinto at lumingon ako sa kanya. "Pwede ba hwag kang english nang english, pareho naman tayong Filipino, huh!" Bago ako nagpatuloy sa pagbaba. Subalit agad na humarurot palayo ang sasakyan, kaya nasundan ko na lang ng tingin ang palayong sasakyan ng lalaki. Ipinasok niya muna ang business card sa bulsa bago tuluyang pumasok sa loob ng campus.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.6K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.4K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook