Habang nagti-type si Andrea sa harap ng kanyang computer ay panaka-naka din niyang sinusulyapan ang pinto ng opisina ng kanyang boss na si Nico. Pagkadating nila kanina ay agad na silang kumain ng dinner na tinake-away nila at ang sabi pa nito ay baka aabutin pa sila ng hanggang alas-onse ng gabi dahil sa marami daw silang report na tatapusin dahil sa gaganaping monthly report ng company next week. Alas-nuebe na ng gabi, at kanina ay may magandang babaeng dumating. Dumiretso nga ito agad sa private office ni Nico kaya nagtataka siya dahil halos tatlumpung minuto ay hindi pa rin lumalabas ang babae. Naisip niya tuloy na ibang babae na naman ang kasama nito at sadyang napaka-malibog talaga ng boss niya dahil kung pang-ilan na ang babaeng yun sa listahan nito. 'Ang tindi talaga ng lalaki

