Lumipas ang isang buwan ng pagta-trabaho ni Andrea sa NAB Corp. at mas lalo pa niyang nakikilala ang pagkatao ng boss niyang si Nico. Lalong sumama ang tingin niya sa binata dahil sa talamak nitong pambabae na kahit sa oras ng trabaho ay hindi talaga nito mapigil ang pagiging mahilig nito sa s*x. Katulad ng araw na iyon nasa labas sila para sa meeting nito sa isang client at katatapos lamang nilang kausapin ang kliyente and she's starting to fix all her things. "Hintayin mo na lang ako sa loob ng sasakyan, I still need to do something." Baling sa kanya ni Nico na kasalukuyang naghahanda na para lumabas sa restaurant kung saan nila kinausap ang client ng kumpanya. "Saan po kayo pupunta sir?" kunot-noong tanong niya dahil naka-set na sa schedule nila that day na kailangan pa nilang dumaan

