Chapter 11

1690 Words
"Good morning po mam." Bati ni Andrea sa HR officer na si Miss Ruby Aragon na siyang nag-interview sa kanya last week. "Hi good morning Miss Tuazon, ang aga mo ha." Nakangiting ganting bati nito ng madatnan siya sa labas ng opisina nito. "First day ko po kasi mam and I want to make a good impression to my boss as well." Saad pa niyang gumanti din ng ngiti dito. "That's good Miss Tuazon, dahil early bird din talaga si Mr. Bolton--- actually nandito na 'yun ngayon kaya halika na at puntahan natin sa opisina niya para din ma-briefing ka na ng secretary niya sa magiging work routine mo." Tugon ni Miss Aragon  na iginiya na siya papunta sa office ng magiging boss niya. Nasa parehong palapag lamang  ng HR office ang opisina ng magiging boss niya at naglakad lamang sila ng kaunti at nadaanan ang mga cubicle ng mga empleyado sa kumpanyang iyon, doon sa dulong bahagi ang pinto na hinintuan nila. Nang nasa bungad sila ng pinto ng opisina ng magiging boss niya ay pansamantala munang dumaan sa isang cubicle si Miss Aragon at nakipag-usap sa naroong babae na sa hinuha niya ay ang sekretarya ng magiging boss niya. "Good morning Miss Myra, eto na yung magiging Personal Assistant ni Mr. Bolton--- Siya si Miss Andrea Tuazon." Pakilala sa kanya ni Miss Ruby sa secretary ni Mr. Bolton. "Hi good morning Andrea, welcome sa NAB Corp.---- nandito si boss halika at ipapakilala kita sa kanya at nang mai-briefing ko na din maya maya ang magiging trabaho mo." Saad nito na maaliwalas ang mukha, it seems na mabait din naman ito. Kumatok si Myra sa pintong nakapinid at nang marinig nilang nagsabi ng come in ang nasa loob ay binuksan na nito iyon at tsaka sila pumasok na sa loob ng silid. The room was so wide and very manly ang atmosphere, napakaaliwalas ng opisina at very elegant pa itong tignan. Naroon sa gitna ang working table na may computer na nakapatong,may swivel chair na nakapaharap at naka-upo doon ang isang lalaking nakatalikod habang may kinakausap sa cellphone nito. Itinaas nito ang kamay sa ere senyales na kelangan nilang maghintay na matapos ang pakikipag-usap nito sa cellphone and after a few more moments ay natapos din ito. Andrea felt nervous nang dahan dahang iikot ng lalaki ang swivel chair nito paharap sa kanila. Para lang mabigla siya sa masisilayan. Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang ganap niyang maaninag ang mukha ng magiging boss niya, at akalain mo nga naman ang pagkakataon kung magbiro, na kung sino pa yung hindi mo inaasahan ay siya pa ang makikita mo ulit at sa dinami-dami ng lugar dito pa sa kumpanyang pinasukan nya. And the worst is he will be her new boss!. Ang lalaking manyak na tinakbuhan niya 3 years ago at 'yung lalaking ginawa siyang panangga sa isa nitong babaeng biktima at ang magiging boss niya ay iisa! Halos takasan ng kulay ang mukha niya habang nakatingin lang sa gawi nito at hindi makapaniwala. "Good morning sir, andito na po yung bago niyong P.A si Ms. Andrea Tuazon." Narinig niyang turan ni Ms. Myra sa lalaki na siyang nakapagpabalik sa huwisyo  niya. Andrea tried to calm herself at hindi nagpahalata sa kasama niyang dalawang babae. "Oh finally, I've met her-- Hi Ms. Tuazon welcome to our office." Parang walang anumang tugon ng lalaki habang nakangiti pa ng maluwang na nakatingin sa kanya. 'Grabe, siya pa talaga ang magiging boss ko, of all people!' Himutok niya sa isip habang hindi pa rin makapaniwala. Binalingan naman siya ni Ms. Ruby at sinenyasan na sumagot siya sa lalaki. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago nagpagkit ng pilit na ngiti sa labi para sa binata. "G-good morning sir, It's nice to meet you po, a-and I will try to be a good employee." She said habang hindi mapakali sa kinatatayuan at pilit iniiwas ang tingin sa lalaki na kanina pa din nakatitig sa kanya ng matiim. 'Tuwang tuwa ka ngayon damuho ka!' Himutok ng isip niya habang kanina pa niya gustong lumabas sa silid na iyon. She's starting to felt uncomfortable dahil sa isiping ito pala ang magiging boss niya of all people. "I will expect you to be as efficient as you could--- You can now start working Miss Tuazon." Tugon nito tsaka bumaling sa secretary nito. "Myra turuan mo siya sa mga trabahong dapat niyang gawin--- I need her before lunch may appointment ako sa labas, give her all my schedules today okay?." Tugon pa ng lalaki kay Myra then they headed outside para doon siya i-briefing ni Myra sa mga gagawin niya. Nagpaalam na din si Ms. Ruby after nilang lumabas sa private office ni Mr. Bolton. Iginiya siya ni Myra sa isang cubicle malapit sa desk nito at sa hinuha niya ay yun ang magiging desk niya. "Halika Andrea, dito ang magiging working table mo, You have your own computer and intercom para anytime na kailangan ka ni sir Nico ay madali ka niyang matatawag kaya dapat alisto ka-- Eto yung mga file that you need to read and lahat ng schedules ni Sir Nico andito din lahat. And regarding sa magiging routine mo ay of course lagi kang nasa tabi ng boss natin so expect na kasama ka everytime na may meeting siya outside, you also have to always bring a notepad para maisulat mo lahat ng mga trasaction details sa mga meetings 'nya---- Am I clear Andrea?" Mahabang paliwanag ni Myra sa kanya patungkol sa magiging trabaho niya sa NAB Corp. Bigla siyang kinabahan dahil sa naisip pa lamang na makakasama sa mahabang sandali ang lalaking mayabang na manyak na yun ay hindi na siya mapakali, mukhang napasubo ata siya na tinanggap ang trabahong 'yun, but she can't back out now. Huminga siya ng malalim at pinilit ngumiti sa harap ni Myra. Kailangan maging matatag siya at dapat mahaba din ang pasensya niya dahil mukhang hindi sila magkakasundo ng kanyang boss sa ugali pa lamang nito. "Yes Miss Myra--- kakabisaduhin ko lahat, salamat." Sagot niya sa babae bago siniyasat ang file na iniabot nito sa kanya. "Good, Kung may iba ka pang tanong don't hesitate to asked me okay?, siya nga pala mamaya may lunch meeting si Sir sa labas at kasama ka, so be ready." Saad ni Myra bago bumalik na din sa sariling desk nito. Andrea started to review lahat ng kailangan niyang pag-aralan pati na rin ang mga schedules ng boss niya at kung ano ang magiging routine work niya sa kumpanyang 'yun.  Aligaga siya sa pagbabasa ng mga kailangan niyang pag-aralan ng biglang may nagsalita sa intercom. "Miss Tuazon, come inside my office." Saad ng baritonong tinig na alam niyang si Mr. Bolton ang nag-mamay ari.  "Y-Yes sir coming po." Sagot niya at agad nang tumayo at nagtungo sa private office ng binata. Bago pumasok ay kumatok muna siya at hinintay itong sumagot bago niya pihitin ang seradura ng pinto para pumasok. "S-sir, may kailangan po ba kayo?" Tanong niyang bahagyang nanginig pa ang tinig dahil ngayon siya nag-uumpisang makaramdam ng ibayong kaba na kaharap ito na sila lamang dalawa, the fact na kanina lang ay tinarayan pa niya ito at inapakan pa ang paa. Hindi siya nagpahalatang kinakabahan and acted professional in front of him. "Yap, I want a coffee can you make me one?" Utos nito sa pormal na tinig. "Coffee po?" Parang tangang ulit niya sa utos ng binata, ititimpla niya ito ng kape 'yun lang naman pero para siyang na-blanko. "Yes Ms. Tuazon ipagtimpla mo ako ng kape---that's an easy job right? I want black coffee with no sugar, okay." Saad pa nito habang nakangiti ng nakakaloko at mahahalatang pinaglalaruan siya dahil malamang sa ginawa niya dito kanina. Pinigil niya ang sariling huwag itong patulan at iginiit sa isip na boss niya ito. Tumikhim siya sabay yukod sa harap ng lalaki. "Okay sir, masusunod po." Saad niya sabay talikod at labas ng office nito na nakangiwi pa dahil sa matinding iritasyon na nararamdaman 'nya sa mayabang na boss niya. 'Relax Andrea, kaya mo yan.' Pagkalma niya sa sarili bago nagtungo sa desk ni Miss Myra para magpaturo kung saan siya pwedeng magtimpla ng kape. "Hi Myra, itatanong ko lang sana kung saan ako magtitimpla ng kape ni boss?" Nakangiting tanong niya kay Myra na nag-angat ng mukha ng magsalita siya. "Ah, nagpagawa ba siya?--- Halika ituturo ko sayo." Saad nito sabay tayo at sumunod naman siya dito sa may dulong bahagi ng palapag na yun malapit sa may fire exit at ang hinuha niya ay yun ang pantry ng opisina nila. "Dito Andrea may coffee maker dito at madali lang namang gamitin---black coffee ba ang sinabi ni Sir?" Tanong ni Myra na tinanguan niya. Itinuro sa kanya ni Myra kung paano gamitin ang coffee maker na agad din naman niyang natutunan. Pagkatapos niyang makapagtimpla ng kape ay dinala na agad niya iyon sa opisina ni Nico. "Sir eto na po yung black coffee nyo." Tugon niya pag pasok sa loob. "Thank you." Sagot nito na nag-angat ng mukha mula sa pagkaka yuko dahil busy ito sa mga pinipirmahang mga papeles. "May iuutos pa po ba kayo sir?" Tanong niya pa dahil baka may kailangan pa ito. Tumingin ang binata sa gawi niya at sumimsim ng kape. "Wala na, you can go back, Hmmn--this coffee is good." Pahabol pa nito ng nakatalikod na siya para bumalik sa kanyang desk. Lihim naman siyang napangiti sa tinuran nito habang naglalakad pabalik sa kanyang working table para balikan ang ginagawa niya kanina. Pagsapit ng lunch break ay agad na siyang naghanda dahil sa isasama daw siya ni Mr. Bolton sa meeting nito sa labas.  "Andrea, aalis na kayo ni sir--ready ka na ba?"Maya maya ay bungad ni Myra na nagpa-angat sa mukha niya.  "Oo ready na ako." Sagot niya sabay ngiti sa babae na tinanguan naman nito. Nagtungo na siya sa labas ng office ni Mr. Bolton para hintayin ito para sabay na siyang lumabas dito, dala niya ang lahat ng ibinilin ni Myra para sa pag tatake note ng details sa magiging meeting ng boss niya sa client nito. *to be continued*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD