Namataan ni Andrea na papalabas na ng office room nito si Nico kaya agad na siyang naghanda para sumama sa binata. "Let's go Ms. Tuazon." Yakag nito na bahagya lang siyang sinulyapan. "Yes Sir." She answered at agad nang sumunod sa kanyang boss, halos matapilok pa siya dahil sa bilis nitong maglakad. 'Grabe naman 'tong lalaking 'to ang bilis maglakad.' Sambit niya sa sarili patungkol sa binata. Nang makapasok sila sa elevator ay pormal pa rin ang mukha nito at ni hindi siya nililingon habang siya ay hindi malaman kung paano kikilos sa harap nito, hanggang sa bumukas ang elevator at madali pa rin itong naglakad patungong parking lot kung nasaan naka-park ang sasakyan nito. Dali-dali siyang sumakay sa passenger seat dahil nakapasok na ito ng sasakyan. "Fasten your seatbelt." Utos nito

