Nickolas' Time
KASALUKUYAN niyang sinusubuan ng mashed potato si Frost ng makarinig siya ng mabilis na yabag ng mga paa, parang tumatakbo. Mas nauna niya kasing natapos pakainin si Flame, at mabilis pa sa alas kuwatrong kinuha ito ni Clarence at nilaro sa labas, marahil ay sa takot na rin nitong ipakarga niya rito si Frost. Nailing siya ng maalala kung paano itong namumutla sa tuwing tinititigan ito ni Frost.
Muli niyang narinig ang mga yabag. Mukhang papalapit sa kinaroroonan niya ang mga iyon.
"Mommy! Mommy! " Napahinto siya sa ginagawang pagsubo kay Frost ng marinig ang sigaw ni Rui. Sinundan iyon ng isa pang sigaw.
"Rui, stop running! " Dumagundong ang kaniyang dibdib ng mapagsino ang may-ari ng boses na iyon.
"I wanna see mommy! Hurry up daddy, stop being an oldy!"
"I am not old! "
"Yeah, yeah, yeah. Fine. " Napangiti siya sa naririnig na bangayan ng mag-ama.
She look expectantly at the door. Knowing na ilang sandali lang ay iluluwa non ang anak niya, at hindi nga siya nabigo dahil agad niyang nakita ang nakangiting mukha ni Rui. "Mommy!"
Mabilis itong tumakbo palapit sa kaniya, but he immediately stopped ng mahagip ng mata nito si Frost na kasalukuyang nagpapasag ng makita si Nickolas. "P..p..p.. Papa! "Pumalakpak pa ito na mukhang tuwang-tuwa. When she looked at Nickolas, he has that same fond expression. "P-papa! " Itinaas nito ang dalawang kamay sa direksiyon ni Nickolas na tila gustong magpakarga. Hindi naman ito binigo ng ama.
"Hello there princess. " Hinalikan pa ni Nickolas si Frost sa pisngi na sa hindi malamang dahilan ay ikinangiwi ng huli.
"Ick! " Natawa siya sa reaksiyon ng anak.
"Uh? Mommy, who is she? "Nabaling ang kaniyang atensyon kay Rui na mukhang kanina pa naguguluhan sa nangyayari. Ngumiti siya dito. Pagkatapos ay kinuha niya si Frost mula kay Nickolas upang ipakilala sa anak.
"Uwaaaaa! " Pumalahaw Frost the moment she took her. Mukhang ayaw nitong inalalayo sa ama. Her hands were even extended towards Nickolas, at pilit itong inaabot. "Mmm... Pa! "
"Ssshh princess, papa's just here. " Nickolas cooed. Mabilis namang tumigil si Frost at tsaka sumigok sigok na lang. Ang cute cute lang nito, lalo pa't nagsisimula ng mamula ang ilong nito.
Umupo siya upang maging magka-level sila ni Rui at tsaka iniharap dito Frost na ngayon ay walang emosyong nakatingin kay Rui. Si Rui naman ay nakatitig lang din kay Frost na mukhang takang taka.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla nitong hinipan ang mukha ni Frost na ikinagulat ng huli. She squeeled. Akala niya ay magta-tantrums ito, but she was amused when she giggled after. Nagliwanag na din ang mukha ni Rui at sinimulang kilitiin si Frost. They look so happy.
Nagsalubong ang tingin nila ni Nickolas. He nodded at her, signaling her to tell Rui the truth. Nginitian niya ito.
"Rui?" Kuha niya sa atensiyon ng anak.
"Yes mom? " Nakangiti nitong sagot na sinabayan ng sundot sa tiyan ni Frost. Tumawa ang huli, na mukhang ikinatuwa rin naman ni Rui.
"She's your sister. " Napahinto ito.
"Uh, yeah? " tila naguguluhan nitong tanong.
"She's your baby sister." Ulit niya pero wala parin itong reaksiyon. "C'mon, say something. "
He cutely shrugged his shoulders.
"Well, her nose kinda really look funny. " Tukoy nito sa namumulang ilong ni Frost. "But she's cute. I like her. "
Napangiti siya sa narinig. At least, kahit ngayon, alam na niyang magiging masaya ito.
"Hello princess, I'm your kuya. Yeah, that sounds good eh? " pinaglaruan nito ang kamay ni Frost.
"Hi kuya! "
Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng boses, and there, they saw Clarence as he uses Flame's little hand to wave at them.
Muling nangunot ang noo ni Rui. Nagpalipat-lipat din ang tingin nito sa kanila at kay Clarence. Nasapo niya ang noo. Minsan talaga hindi marunong tumayming itong si Clarence. Ni hindi man lang siya pinabwelo. Lihim niya itong pinanlakihan ng mata.
"My? Is he also my... Aah.. Am I also his kuya? " Inosenteng tanong ng anak. "woah, there's a lot of them huh? "
"Ha? Ah... " Nag-aapuhap siya ng sasabihin, but Clarence beat her in doing it.
"Yes. " Muli niyang pinandilatan ng mata si Clarence. Napaka kasi. Siya dapat ang magsabi non. Pero mukhang hindi ito tinalaban dahil muling bumuka ang bibig nito para magsalita. "and... " dumapo ang tingin nito kay Frost na malamig na naman ang tingin. "and... " He faked a cough. "s**t, I'm outta here. " nagkukumahog nitong ibinigay si Flame kay Nickolas bago ito kumaripas.
"Tingnan mo yung taong yun. "
"Yaan mo na. " sansala ni Nickolas. Ibinaba nito si Flame upang makalaro ni Rui at tsaka marahang ginulo ang buhok ni Frost. " A glare from Frosty, keeps the third party away. Good job, princess."
Sinamaan niya ito ng tingin. "Stop doing that! "
"Doing what? " Tatawa-tawa nitong tanong.
"That. Iniimpluwensyahan mo yung bata sa kalokohan mo. "
"Hey, i'm not doing anything."
"You are! "
"Am not."
"Are too! "
"No. "
"Yes!"
"I did not. "
"Yes, you----
"Isa pa hahalikan na kita, and im not bluffing mahal ko. Another word from you and im really gonna kiss you! "
Iningusan niya ito. Mananakot na lang, may endearment pa.
"Kiss..shu..shu! " pumapalakpak na gaya ni Flame sa sinabi ng ama.
"Nakita mo na? "
"Ako na naman? "
"Eh, sino bang---
"Ah... Mom? Dad?" Natigil nila sa ginagawang verbal competition ng marinig ang tila namomroblemang boses ni Rui. " I guess, I might need a little help here. " Binalingan niya si Rui. Nakita niya ito malapit sa may sink. Natutop niya ang kaniyang bibig ng bumaba ang kaniyang tingin at nakita niya si Flame sa may paanan ni Rui habang may tangan tangang lalagyan ng catsup. Hindi niya lang hawak iyon, he might have squirted it because it was now all over his face and shirt.
"Sorry. " Nakangiwing hingi ng paumanhin ni Rui. "I really tried to stop him..but..." Bumuntong hininga ito. He actually looks cute doing that. Para itong matanda na ang laki laki ng problema. "oh well, I guess he loves red. "
Mabilis siyang lumapit kay Flame at kinuha ang lalagyan ng catsup mula dito. Hindi niya alam kung paano nito iyon nakuha, pero ng makita niya ang lalagyan ng mayo sa di kalayuan, parang kilala niya na kung sino ang salarin. Ugh, Clarence! Sasalaksakin talaga kita ng french fries mo kapag nakita kita!
Kinarga niya ang anak at tsaka lumapit kay Nickolas. "You have to run him a bath. "
Nanlaki ang mga mata nito. It's as if the mere thought of bathing Flame is a suicide. "Ha? Bakit ako? "
"At bakit hindi?"
"I can't." tila nahihirapan nitong sagot. "I can't do it. "
"You can. "
"You don't understand. "
Naiinis na siya dito. Pagpapaligo lang naman ang pinag-uusapan nila. Hindi niya naman ito pinapasali sa Olympic para mag-react ng ganon. "Just do it. "
"But, he might fall! "
Napatda siya ng tuluyang maintindihan ang ikinababahala nito. Nginitian niya ito. "It won't happen. Trust me. "
"How sure are you? I mean, hindi pa ko nakakapaligo ng bata. "
"You won't let it. " Sigurado niyang sagot. "You are his father in the first place. "
With that said, ibinigay niya dito si Flame na agad naman nitong tinanggap. "Yeah, I am your father. " Nakangiti nitong sambit kay Flame. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang pandinig ang pride sa tono nito.
"Mommy, you're dirty too. " tinuro ni Rui ang damit niya na puno na rin ng red stains dahil sa ginawa niyang pagkarga kay Flames. Pati ang leeg niya ay may catsup din.
Nakita niyang ngumisi si Nickolas. Mukhang may naiisip na naman itong kalokohan.
"Maybe I could run you a bath too. " Nickolas whispered near his ear. His hot breath tickled not only her breath but also her imagination, as it drift into a very seductive image of her and Nickolas under the shower, wet and panting. Naipilig niya ang ulo ng ma-realized ang kahalayang naiisip. Mukhang napansin naman iyon ni Nickolas dahil mas lalong lumapad ang ngisi nito. "Don't worry, I won't peep. " banat pa nito.
Parang umakyat yata lahat ng dugo niya sa katawan papunta sa mukha niya. Her face are burning at alam niyang nagba-blush siya. She cupped her face with the futile attempt of covering her embarassment.
Inirapan niya ito. "Ewan ko sayo. "
That lame line of hers earned her a deep and rich chuckle from him. That chuckle she surely had miss.
"Na-miss ko ang linya mong yan. " He said smiling. "Sinasabi mo kasi yan kapag kinikilig ka. "
"FLAME! baby, stop wiggling!" No, don't! I said---uggh! " Mula sa baba ay dinig na dinig niya ang sigaw ni Nickolas na kasalukuyang pinaliliguan si Flame.
Mukhang nahihirapan ito ngayon kay Flame. Kahit siya naman kasi ay aminadong mas mahirap talagang paliguan si Flame. Mahilig kasi itong pumiksi. Hindi katulad ni Frost na nakaupo lang habang kinukutingting ang mata ng mga floating toys nito.
Ilang reklamo pa ang narinig niya kay Nickolas, pero hindi niya na lamang iyon pinansin. Inugoy-ugoy niya si Frost na nasa kaniyang mga bisig para sana patulugin, pero mukhang wala itong planong matulog lalo na't sa tuwing sisigaw si Nickolas ay sumasabay ito.
Pinanlakihan niya ng mga mata si Clarence ng mapansing pinaniningkitan nito ng mata ang walang kamalay malay na si Frost.
"Tsanak. " He even mouthed bago umirap sa kanila at kunwaring nakikipag-usap kay Rui na naglalaro ng rubics cube.
"Ta mo tong taong to, hindi naman inaano. " bulong niya.
"Mom, I thinks daddy's in trouble. Kanina pa siya nag i-squeel like a girl. " Ani ni Rui ng muli nilang marinig ang boses ni Nickolas na panay ang reklamo sa itaas.
"Aisht! No baby! Tama na, sisipunin ka na! I'm gonna get you out of there na! No more water, stop n---s**t! SHIIIIIIIIIIIIIIII!!!!! "
Nagulat siya ng marinig ang malakas na sigaw ni Nickolas. Mabilis siyang napatayo. Hindi niya alam kung matatawa o mag-aalala dahil sa panic na narinig sa boses nito. Nang balingan niya naman si Clarence, ay parang mapupunit ang mukha nito sa laki ng ngisi. Pinanlakihan niya ito ng mata, pero ang loko tinawanan pa siya.
Mabilis siyang lumapit dito at walang pasabing ipinahawak si Frost. Tumabingi ang kaninang malapad na ngisi nito.
"NO! "
Hindi na niya ito pinansin dahil agad siyang pumihit paakyat sa hagdan upang alamin ang kalagayan ng kaniyang mag-ama.
"Shiiiiiiiii! " tawag ulit sa kaniya ni Nickolas.
Mas binilisan niya ang pag-akyat, pero nakakalimang hakbang pa lamang siya ng si Clarence naman ang sumigaw.
"Baeeeeeee! " Nilingon niya si Clarence at nakita niya ang namumutlang mukha nito habang hindi malaman kung ano ang dapat gawin sa hawak na si Frost. Nagmamakaawa ang mukha ang nitong nakatingin sa kaniya.
Sumasakit ang ulo niya. Kung hindi ba naman kasi mga baliw ang mga lalaki sa bahay na yun. Ang lalaki ng mga katawan, pero bata lang hawak, akala mo pinahaharap sa death squad ng white house.
Naiiling siyang nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating niya aang kinaroroonan ng dalawa. Pagbukas niya ng pinto, bumungad sa kaniya si Flame na puro bula, at si Nickolas na basang-basa.
"A-anong--"
Natigil si Nickolas sa pakikipag-agawan ng shower head kay Flame na nasa loob parin ng bathtub, habang si ito namin ay nakaluhod sa gilid noon.
"A little help? " tila nahihiyang tanong nito. "He keeps on making bubbles, tapos ayaw niyang umalis. Baka sipunin na to eh. " dagdag nito at tsaka hinila ulit ang shower head.
Marahas siyang napabuntong hininga bago lumapit dito. Umupo siya sa tabi ni Nickolas bago inabot ang duck rubber toy sa gilid ng tub at inabot iyon kay Flame. Mabilis naman nitong binitawan ang shower head para abutin ang laruan.
Bigla siyang nakaramdam ng lamig sa kaniyang katawan na sinundan naman ng sipol ni Nickolas. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang malapad ang ngisi ito habang nakatingin sa kaniyang dibdib. When she looked at it, nakita niyang nabasa ang kaniyang damit at dahil manipis lang naman ang pinampalit niyang T-shirt, kitang-kita ang kaniyang kulay beige na bra at ang halos kalahati ng kaniyang dibdib.
"Bastos! " Hinampas niya dito ang ibang rubber toy ng makitang nakatitig pa din ito sa kaniyang dibdib.
"Ouch! Hey, that hurts! " sigaw nito habang sinasalag ang bawat niyang hampas.
"Bastos ka talaga! "
"Ngayon mo pa talaga ako tatawaging bastos, kung kelan naka-tatlo na tayo? " tumawa ito.
Napatda siya.
"Ewan ko sayo! " Alam niyang pulang-pula ang mukha niya ngayon, na mas lalo lang atang ikinatuwa ni Nickolas. Kasiyahan talaga nito ang hiyain siya.
Kinarga niya si Flame at binalot ito sa towel na nasa gilid at tsaka mabilis na umalis. Bahala na ito sa buhay niya! Mabilaukan sana ito katatawa!
"Uy, san ka pupunta?! " humabol ito sa kaniya.
"Sa Luneta mamamaril! " sigaw niya pabalik.
"Pwede bang ako na ang magpaputok? " tumaas baba ang kilay nito. Nang maintindihan ang ibig sabihin ng 'magpaputok' nito ay walang lingon likod siyang tumalilis ng takbo. Narinig niya na lamang ang malakas nitong tawa na mas lalo niyang ikinairita.
Katatapos lang nilang magdinner. Parehong nasa terasa ang dalawa, at kaharap ang kaniya-kaniya nilang laptop para asikasuhin ang mga natipong trabaho. They're civil. Panaka-nakang nag-uusap ang mga ito.
Lumapit siya sa dalawa para ihatid ang tinimplang inumin. Parehong tutok ang dalawa sa laptop ng mga ito kaya aalis na lang sana siya, ng biglang magsalita si Nickolas.
"Are you busy tomorrow? " Nasa kaniya na ang atensyon nito ngayon.
Sandali siyang nag-isip. Pagkaraan ay tumango siya bilang pag-oo ng maalala na may pupuntahan siyang charity ball kinabukasan.
"Oh. " Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na para bang na-disappoint sa naging sagot niya. Siya man ay nalungkot din. Hindi niya kasi maiwasang isipin na baka may balak itong ayain siyang lumabas, at para makumpirma ang hinala ay tinanong niya ito.
"Bakit mo naitanong? " napahigpit ang hawak niya sa tray na pinaglagyan niya kanina ng kape.
"Nothing. I... " May kinuha ito sa ilalim ng stack of papers na nasa harap nito. "...just wanna ask you if you could come with me to this party?"
Napasinghap siya ng makita ang kulay itim na invitation card. That same one na natanggap din niya mula sa kaibigan niyang si Patricia.
Umusbong ang excitement sa dibdib niya. Kahit naman kasi madalas siya nitong iniinis, still, the mere image of them going out seem to be so promising.
Kaya ng mapansin niya ang tangkang pag-apila ni Clarence ay mabikis siyang kumilos.
Kunwang natabig niya ng tray ang inumin nito kaya nabasa ito. Mabilis nitong naiangat ang laptop, pero sa damit naman nito ang nabasa. Napahiyaw ito. Good thing though, dahil hindi naman kape ang tinimpla niya dito kundi juice.
Mabilis siyang lumapit kay Clarence at tsaka dumukwang para magkalapit ang mukha nilang dalawa.
Nagkunwari siyang tinutulungan ito sa pagpupunas ng nabasa nitong damit bago niya inilapit ang bibig sa tenga nito para bumulong. "Konti na lang talaga tatahiin ko na yang bibig mo! Give this one to me please. Yaan mo na muna ako. " She told him as lowly as she could. Sa gilid ng mga mata niya ay napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Nickolas, kaya nagpatuloy siya sa kunwang pagpapagpag sa damit ni Clarence.
"No. " Ganting bulong nito na inilapit din ang mukha sa kaniya. "Eh pano kung mapahamak ka dahil sa kaniya? Pano kung---
Sinadya niyang lakasan ang pagtapik sa may bandang dibdib nito, dahilan para mapaubo ito.
"Give him a chance, remember? Ikaw ang nagsabi sakin non. Kaya pwede, shut up ka na lang?"
Napansin niyang mas lalong dumilim ang mukha ni Nickolas. Hindi naman sa nag-a-assume siya, pero parang gusto niyang isipin na ang dahilan non ay ang magkalapit na mukha nilang dalawa ni Clarence.
Nilakihan niya ng mga si Clarence, sending him a message to just agree, pero iningusan lang siya nito. She rolled her eye.
Natigil lang sila sa ginagawa dahil sa malakas na pag-ubo ni Nickolas na kunwang nasamid sa kapeng iniinom, kahit na halatang sadya naman.
Umayos siya ng tayo.
"So, what's the answer? You're coming with me right? " May pagsusumamo ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. Mabilis naman iyong nawala ng tapunan nito ng masamang tingin si Clarence.
"Ha? O-okay. "
Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Nickolas. "Okay? Like yes? Like you're gonna come with me? " hindi maitago ang saya sa boses nito.
"Yeah. Actually, may invitation din naman ako for that event tomorrow, so why not just come with you, right? "
Ayaw niya din naman kasing pagmukhain ang sarili na atat na atat na makasama ito, kaya kunwari ay for convenience na lang ang rason niya.
Pabebe na kung pabebe.
"Oo nga naman. But still, that's great! " tuwang-tuwa ang mukha ni Nickolas. Mas lalo niya tuloy ngayon nakikita ang resemblance nito kay Rui. Mas madalas kasi, kung hindi bugnot ay napakamalisyoso naman naman ng mga ngiti nito sa kanya.
"But Bae! " ungot ni Clarence.
Mabilis niyang tinalikuran si Nickolas at tsaka hinarap si Clarence dahil mukhang aapela na naman ito.
Pinalakihan niya ito ng mga mata. "Tigilan mo ko. Babangasan kita. " pananakot niya dito na mukhang tumalab naman.
Napalunok ito at tsaka di na muli pang nagsalita.
--------
Gee❤️