CHAPTER 1

1167 Words
CHAPTER 1 “Salvatore, ready ka na ba?” “Opo sir!” excited na sabi ni Matteo sa prison guard na nagbukas ng pintuan ng selda nila. Inunat niya ang suot niyang green na t-shirt habang hawak sa isang kamay ang bag na kakaunti lang naman ang lamang gamit. Puro mga gamit niya lang sa pagpipinta ang laman ng bag dahil ang ibang gamit niya ay iniwan na sa mga kasamahan niya sa selda. “Putangina, makakatikim ka na uli ng puday Salvatore!” Kumadyot-kadyot pa sa hangin ang matalik niyang kaibigan na si Gudo habang napakalapad ng pagkakangisi. “Gago! Ang una kong gustong matikman ‘yung sariwang hangin sa labas. Hanggang ngayon nakatambay pa rin ata sa ilong ko ‘yung amoy ng kilikili mo! Sa pagbisita ko rito, dadalhan kita ng deodorant. Pangako ‘yan!” biro niya rito. Nang bagong salta pa lang siya sa kulungan si Gudo ang nagturo sa kanya kung ano ang kalakaran sa loob. Kung sino ang mga dapat niyang iwasan at huwag na huwag babanggain kung gusto niyang maging matiwasay ang kanyang buhay preso. Limang taon na itong nakakulong bago pa siya dumating, kaya alam na nito ang pasikot-sikot sa kulungan. Ngunit kahit anong iwas niya sa gulo ay sadyang nadadamay silang dalawa. Nang minsan ngang magkaroon ng riot ay napasama sila. Nasaksak siya sa tagiliran ng patalim na ginawa gamit ang pinatulis na kutsara. Nang akma siyang sasaksakin muli ng kasamahang preso, to the rescue si Gudo. Umawat ito, kaya nasaksak rin. Sabay silang na-ospital, natahi at nagpagaling, kaya halos ituring na niya itong kapatid. “Tangina mo! Mami-miss kita gago!” naluluha na nitong sabi. Biglang nagbago agad ang timpla ng mukha nito. Nawala ang ngiti at maiiyak na talaga dahil pinamumulahan na ng mga mata. “Tangina, iiyak ka talaga?! Hoy! Baka mapagkamalan ka nilang adik. Namumula na ‘yang mata mo.” Inakbayan niya ito at hindi na nito napigilan na magpunas ng luha sa mata gamit ang bimpo nitong hawak na laging pinapaikot sa daliri sa tuwing tulala kapag naiinip at walang ginagawa sa loob ng selda. “Nauna akong dumating dito pero mauuna ka pang aalis. Ang unfair talaga ni Lord. Pareho naman tayong anak ng Diyos. Mas gwapo pa nga ako sa ‘yo, bakit parang mas favorite ka niya?” Dinaan na lamang nito sa biro ang lungkot sa pag-alis niya. “Puro ka talaga biro. Hayaan mo, paglabas ko, tutulungan kitang umapela sa kaso mo.” “Sabi na nga ba, mahal mo talaga ako. Tabi naman tayo matulog, pero bakit ‘di mo ‘ko tinira sa pwet?” Tinaas-baba pa nito ang mga kilay habang may nakakalokong ngiti. “Gago!” Bahagya niyang binatukan ito habang natatawa siya. Kundi kasi kabastusan ay kalokohan ang madalas na lumabas sa bibig nito. “Tama na ‘yang iyakan at harutan n’yo. Salvatore, labas na d’yan,” sabi ng prison guard na putok ang uniporme dahil sa laki ng tiyan. Mas maganda pa ang tindig niya rito. Kapag sinuntok niya ito’y baka matumba agad at magpagulong-gulong. Mas banat pa ang katawan niya at kita ang muscle sa medyo may kasikipan niyang t-shirt. Sakto lang naman ito sa kanya, sapat lang para makita ang magandang hulma ng kanyang katawan. Kahit nasa loob ng kulungan ay hindi niya pa rin pinabayaan ang sarili at araw-araw siya kung mag-exercise. “Opo sir! Heto na po!” Tinapik niya sa balikat si Gudo bago niya bitawan at saka siya lumabas ng selda. Habang naglalakad siya’y nagpapaalam ang mga ibang kasamahang preso sa kanya. Masasaya ang mga ito para sa paglaya niya. Para bang nabubuhayan ng loob ang mga ito na sa susunod ay sila naman ang lalaya at mabibigyan ng parole tulad niya. Ang totoo niyan ay dapat labing-dalawang taon siyang makukulong ngunit dahil sa nabigyan siya ng parole dahil sa naging magandang asal niya sa lob ay naging pitong taon na lamang. Nakayuko siyang naglalakad nang marinig niyang may tumawag sa pangalan niya. “Matteo!”   “Kuya!” Napatakbo siya palapit sa nakatatandang kapatid na si Lucio at mahigpit na yumakap agad rito. Kita sa mukha ang pagkakahawig nila ngunit sobrang layo ngayon ng itsura ng pananamit nila. Kung simpleng t-shirt, maong na pantalon at sandals lang ang suot ni Matteo, naka-grey na suit naman ang kuya niya at napakakintab ng leather nitong sapatos na kulay brown. Mukha itong pupunta sa isang mahalagang client meeting at hindi susundo sa kulungan. Mayaman ang pamilya nila ngunit kahit gano’n ay hindi humingi ng special treatment si Matteo. Sinabihan din niya ang kanyang pamilya na huwag gagamitin ang pera nila at kapangyarihan para sa kalayaan niya. Nagkasala siya at nais niya itong pagbayaran sa tamang paraan. “Finally!” Parang maiiyak sa saya ang kanyang kapatid habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Hinimas at tinapik-tapik pa nito ang likuran niya. Kahit madalas silang mag-away nito noon at palagi siyang pinagsasabihan sa tuwing may ginagawa siyang kalokohan, close pa rin silang magkapatid. Lalo pa’t dalawang taon lang naman ang tanda nito sa kanya. Dalawa lang silang magkapatid kaya palagi siya nitong pinagtatanggol noong bata pa siya at lalampa-lampa. Minsan nga’y kahit kasalanan niya, ito ang umaako para hindi siya mapalo ng istrikto nilang ama. Nang magawa niya ang hindi inaasahang krimen noon, gusto rin nitong akuin ang kasalanan para sa kanya, ngunit hindi siya pumayag. Siya ang may sala kaya siya dapat ang magdusa. Mabigat ang naging kasalanan niya kaya hindi niya masisikmura na akuin ito ng kapatid. Hindi niya kayang masira ang pangalan nito nang dahil sa kanya. Sa kanilang dalawa siya naman talaga ang kilala na pasaway na Salvatore. Siya ang mabisyo, palainom, babaero, mahilig sa party at tamad mag-aral. Madalas pa siyang mahuling gumagawa ng graffiti sa pader ng school nila noong nag-aaral pa siya. Sa bawat kalokohan niya, katumbas no’n ang donasyon ng pamilya niya sa school. Sa dami ng pera nila, parang wala itong kaubusan kahit ilang beses pa siyang gumawa ng kalokohan. Ngunit natigil ang pagtatapon ng pera ng kanyang ama para sa kanya nang magawa niya ang isang mabigat na kasalanan. Nang gabi na ‘yon naisip niya kung paano niya sinayang ang buhay niya. Kung hindi sana siya uminom at nag-droga ng gabing ‘yon nang dahil sa sulsol ng mga kaibigan, hindi niya sana magagawa ang bagay na ‘yon. “I missed you. I missed mom, dad, everyone.” Tinapik siya nito sa balikat habang nagpupunas ng mata gamit ang hawak nitong panyo na unat na unat ang pagkakaplantsa at pantay na pantay ang pagkakatupi. “Na-miss ka rin naming lahat. The black sheep of the family will finally go back home,” pabirong sabi nito sa kanya habang nakangiti. “Hindi na ‘ko itim ngayon kuya. Nagbago na ‘to. Iba ang nagawa ng kulungan sa ‘kin. Ang dami kong na-realize.” “Sa kotse mo na ikwento sa ‘kin lahat ‘yan. First, let’s get out of this place.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD