CHAPTER 2

1098 Words
CHAPTER 2 “Pitong taon ka nang nakulong, pero wala ka pa ring pinagbago. Matigas pa rin ang ulo mo Matteo,” matigas na sabi ng kanyang ama na si Don Emilio Salvatore, pagkatapos nitong ihampas ang palad sa lamesa. Kumalansing ang mga kubyertos at kulang na lang ay umangat ang mga plato sa lakas ng pagkakahampas nito. Nasa harap sila ng hapag at nagluto ng masasarap na pagkain para sa kanya ang ina na si Donya Carmela. Hindi pa sila nagsisimulang kumain ay nagkainitan agad silang mag-ama. “Dad, I’ve changed, kaya nga I’ve decided not to live here. I want to be independent. Gusto kong kumita ng pera from my own effort, at hindi galing mula sa negosyo natin na kahit nakaupo ako, may papasok na pera sa ‘kin,” pangangatwiran niya. Gusto kasi nito na sa mansyon siya tumira kasama ng buong pamilya, ngunit salungat ito sa kagustuhan niya. “Huwag mong maliitin ang negosyo ng pamilya natin! Hindi ko pinupulot ang pera! Hindi naging madali ang lahat sa akin! Bago ko napalago ang negosyo natin, dugo at pawis ang pinuhunan ko. Mukha lang walang kahirap-hirap para sa ‘yo, dahil wala kang ginawa noon kundi maglustay!” “Matteo, stop,” awat ng kuya niya na kalmado pa rin kahit mukhang puputukan na ng ugat ang kanilang ama ng dahil sa galit sa kanya. Tiningnan niya ang kapatid na nasa harapan niya. “No Kuya. I have to tell him the truth.” Pagkasabi niya no’n ay bumaling naman ang tingin niya sa kanyang ama na nakaupo sa dulo ng mesa. “You know Dad, another reason kung bakit ayokong pumasok sa negosyo natin dahil alam kong illegal lahat ng transactions n’yo. I have ears and eyes, Dad. Kung si Kuya napapayag n’yo, ako hindi. Hindi ko mamanahin ‘yang kumpanya. Marami akong nakasama sa loob na ang naging ugat ng pagkakakulong nila ay dahil d’yan sa negosyo ng pamilya natin. Maliliit lang silang tao pero sila ang nakakulong, but the big fishes like you dad, malaya at masarap ang kinakain!” “Ingrato! Wala kang utang na loob! Ang lakas ng loob mong laiitin ako! Mula sa maruming perang ‘yan ang ibinuhay ko sa inyo! Wala ka sanang ina ngayon kung hindi dahil sa perang pinandidirian mo! Habang nasa kulungan ka dahil sa kagaguhang ginawa mo, nasa ospital ang mommy mo at nag-aagaw buhay! Sa tingin mo ba may magagawa ang prinsipyo kapag may mahal sa buhay ka nang naghihingalo?! Kung ikaw ang nasa bingit ng kamatayan, pera ko rin ang gagastusin para madugtungan ‘yang buhay mo!” “I’d rather die, than be a monster like you, Dad. Ang dami mong buhay na sinira at isa na rin d’on ‘yung akin.” Hinawakan ng kanyang ina ang kamay niya. “Matteo, tama na.” Pagkatapos ay tumingin naman ito sa asawa “Daddy, kababalik lang ni Matteo. Pwede naman nating pag-usapan ‘to sa ibang araw,” pagmamakaawa nito sa asawa. Inilayo ng kanyang ama ang kamay mula sa kanyang ina habang matalim ang tingin sa kanya. “Get out! Get out of my house!” Itinaas nito ang kamay at itinuro ang direksyon palabas at saka siya dinuro. “Pinakain kita, binihisan, pinag-aral tapos ito pa ang igaganti mo sa ‘kin! Lumayas ka at huwag kang babalik dito! Kapag nangailangan ka huwag kang hihingi sa akin ng tulong!” “Daddy huwag. Don’t do this to your son.” Hinawakan nito ang kamay ng asawa at saka pilit na binababa. “Matteo, huwag kang aalis, kababalik mo lang.” Hawak pa rin nito ang kamay ng asawa habang nakatingin sa kanya at nagmamakaawa ang mga mata at tumutulo na ang luha mula sa mga singkit nitong mga mata. Chinese ang kanyang ina na itinakwil ng mga magulang nang malaman na nabuntis ng kanyang ama na trabahador sa pabrika na pagmamay-ari ng pamilya nito. Hindi mayaman ang kanyang ama, ngunit hindi halata sa mestisuhin nitong itsura. Nang magsama ang dalawa ay talagang hirap na hirap ang mga ito hanggang sa pumasok na nga sa illegal na negosyo ang kanyang ama at mabilis na umangat ang pamumuhay nila. Ilang beses rin itong pumasok sa pulitika at nanalo kaya mas lalong naging kilala ang apelyido nilang Salvatore. Inurong niya ang kinauupuan niya at saka siya tumayo. “I’m sorry, Mom. Dad and I both have made our decisions. I hope you’d understand that I’m doing this for myself.” Hinawakan niya ang kamay ng ina at saka niya hinaplos. Yumuko siya at hinalikan niya rin ito sa noo. “I love you.” “No,” umiiyak habang umiiling na sabi ng kanyang ina. Wala nang nasabi ang kuya niya at napailing na lang habang patayo rin sa kinauupuan. Sinabayan siya nito sa paglalakad palabas habang naririnig niya ang pag-iyak ng kanyang ina nang dahil sa desisyon niyang pag-alis. “I’m sorry, Kuya.” Hinawakan siya nito sa braso at saka matipid na ngumiti. “It’s okay. I understand. Masaya ako na nagawa mo ‘yung bagay na hindi ko nagawa.” “Bakit hindi ka umalis?” kunot-noong tanong niya. “Alam mo naman ‘yung batas sa grupo. Once you’re in, you can never get out unless you’re dead. I’ve seen all their faces and I know their names. Wala na ‘kong kawala. I have no other choice, kundi panindigan ang naging desisyon ko.” “Are you happy?” “Importante pa ba ‘yon?” “Oo naman. Buong buhay mo na lang ba wala kang gagawin kundi i-please si Dad? Tingnan mo nga, hanggang ngayon single ka pa rin. Kailangan mo ring maging masaya. Hindi pwedeng puro na lang siya. For once, kalimutan mong Salvatore ka at mag-enjoy ka. Gawin mo ‘yung gusto mo at magpapasaya sa ‘yo.” “I’ll think about it,” sabi nito at ngumiting muli sa kanya, pero alam niyang sa likod ng mga ngiti nito ay ang bigat ng responsibilidad nito sa pamilya na sapilitang ibinigay ng kanilang ama. “Bago ko makalimutan.” May kinuha ito mula sa loob ng suit at saka inabot sa kanya. Isa itong atm na laman ang naipon niyang pera mula sa mga nabentang paintings niya noong nasa loob pa siya ng kulungan. “Malaki-laki na ‘yung laman niyan. You can start a new life without Dad’s help. But if you need anything, you can always ask from me.” “Salamat kuya.” “Good luck, little brother,” sabi nito at tinapik muli ang braso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD