Mahigpit na niyakap ni Remira ang asawa. Isang linggo na ang matulin na nakalipas magmula noong sinabi nito sa kaniya lahat ng nangyari dito. Kung paano nito nakuha si Jepoy, ang plano nito kasama ang Kuya Quenzo niya at ang sindikato na kinabibilangan ng tatay-tatayan niya. Ipinaliwanag nito lahat sa paraan na hindi siya mabibigla at maiintindihan niyang maigi. Her husband was so patient with her. Sinagot nito lahat ng katanungan niya, kahit pa ang iba sa mga iyon ay paulit-ulit lang. Pati na din ang dahilan kung bakit kinakailangan nitong bumalik sa Pilipinas nang mag-isa. "How about those men? Are they related to 'that' syndicate?" "Wife, I answered that question for four times already," natatawang sabi nito. "Sagutin mo na lang uli kasi," pangungulit niya dito. "Yes. They are." "

