"Wife. Let's go home already, hmm? Wala naman nang masakit sakin e. Umuwi na kasi tayo." Natawa na lamang si Remi nang hatak-hatakin ng asawa niya ang manggas ng suot niyang t-shirt. Heto na naman ang pag-akto nito na parang bata. Ilang araw na ang nakalipas mula nang magising ito at mula noon, hindi na ito tumigil kakukulit sa kaniya na umuwi na sila. Ang dahilan? Palagi daw siyang tinitingnan ng ibang mga doktor at nurse doon na hindi naman niya napapansin! Iba talaga mag-isip ang magaling niyang asawa kahit kailan. Minsan ay gusto na niyang maburyong dito at hampasin ang ulo nito. O hindi naman kaya ay lagyan ng busal ang bibig nito. Pero pinipigilan niyang gawin. Paulit-ulit isinusuksok sa isip niya na may sakit lamang ang asawa niya. May sakit sa utak! Gaya na lamang ngayon. Hindi

