Saturday na ngayon hinihintay ko nalang si Ate Denisse dahil siya ang susundo sa akin, hindi ko nadin tinuloy yung pagsama ko sa kanila bukas dahil nakakahiya naman kay Kuya sasali pa ako sa kaagaw niya.
I'm wearing white crop top and fitted jeans with black boots gusto ko sana mag dress kaso dadaan kaming salon pagtapos mamili, hindi kasi ako disente umupo, hehe.
Dumating nadin naman si Ate Denisse nagpaalam lang kami kay mommy nagtagal pa nga dahil nagusap pa sila, wala naman si Kuya dito dahil may inaasikaso siya para wala na siyang gawin bukas.
Sa bgc ang punta namin dahil doon ako nakakita ng may available na libro na gusto namin.
Sa salon naman magpapa-haircut lang ako ng buhok at treatment nadin, hindi naman ako pwede magpakulay dahil nag-aaral ako. Bawal sa school.
Nang makarating kami sa store agad din kaming naghiwalay ni Ate para maghanap na ng libro.
Nakakuha na ata ako ng tatlo pero nakukulangan pa ako, pera ko naman ito so feeling ko pwede pa naman kumuha ng isa.
Nakakita ako ng libro na maganda ang cover kaso nasa pinakataas, hindi ko abot.
Nagtingin ako ng pwedeng mag-assist sa akin kaso walang tao. Pinilit ko nalang na kunin dahil ang ganda talaga ng cover.
Napansin kong may dumaan sa likod ko, lalaki. Naiisip ko naman na pwede akong magpatulong, nilapitan ko na agad. "Hi kuya pogi, pwede po magpatulong?" Humarap naman ito sa akin. shocks ang gwapo nga, hehe.
Nakakunot ang noo nito. "Sorry miss, I don't have time to give you an autograph." Natulala naman ako sa sinabi nito. Ang hangin.
Kinunutan ko ito ng noo bago magsalita dahil mukang aalis na siya. "Luh hangin nito oh, hindi nga kita kilala, ipapaabot ko lang sana yon kuya autograph." Tinuro ko sa kanya yung libro na gusto kong kunin. Inabot niya naman bago ako iwan dito mag-isa. nahiya ata sa beauty ko, hihi.
Nag messege nadin ako kay Ate kung tapos naba siya maghanap ang sabi niya naman nakabayad na siya, medyo nagtagal ata ako.
Nang pumunta ako sa cashier naabutan ko si Ate doon na nakaupo sa gilid. "Ate." Tumingin naman siya sa akin bago sa binili kong libro. "Oh no, you're so lagot sa kuya mo, you bought madami nanaman." Alam ko naman mapapagalitan ako kaya ilalagay ko yung dalawang libro sa paper bag ni Ate, hehe.
We went to the salon right away because Ate's driver left, my brother is going to pick us naman.
I just got a haircut and had my nails done, ang galing nila, huling paayos ko kasi ng nails ang sakit maghandle nung mga tao sa salon na iyon.
We just waited for my brother at the coffee shop next to the salon, nakakagutom naman kasi.
I just bought a latte and a chocolate cake, Ate bought americano coffee and just a plain bread.
Ate and I just chatted while waiting for my brother. I also told the man earlier yung si Kuya autograph, gwapo sana mahangin lang. Pero kanina nung nasa salon kami tsaka ko lang naiisip na pamilyar ang muka niya, siguro famous talaga yon hindi ko lang na mukaan.
Dumating nadin naman si Kuya kaya nakauwi kami kaagad. Paguwi namin wala ni mommy, nasa ospital daw pinuntahan si daddy. sana all.
Umakyat na mona ako sa kwarto para maligo dahil may natira pa atang hair sa katawan ko, makati.
Si faye naunang umalis sa amin kanina ni Ate, may kikitain daw siya, malay ko sino yon.
Pagbaba ko sa hagdan naabutan ko pa sila Kuya na naglalampungan sa sala.
"Mahiya naman kayo sa sakin, oh." Pagpaparinig ko sa kanila, si Ate halos mag muka ng kamatis sa sobrang pula si Kuya masama ang tingin sa akin.
"Who you ka sa akin Kuya pag may boyfriend na ako, hihi." Napahinto naman siya at lalong sumama ang tingin, tumakbo na agad ako sa taas dala ang kinakain nila kanina sa sala.
Nanonood lang ako sa Netflix ng tumawag si Faye sa akin. videocall.
Kumakaway–kaway ito mukhang nakakuha na ito ng condo. "Oh my God, kumuha ka ng unit hindi mo manlang sinabi, sana nakasama ako."
Tumawa naman ito. "Gago na sales talk ako nung kinita ako, nagbebenta pala yon ng condo, akala ko jowa makukuha ko, condo pala." Napasabay narin ako sa tawa niya.
"How much ba? hulugan bayan?" Pagtatanong ko. "500 lang beh." eh?
"Naiscam ka anong 500 pesos?" Napairap naman ito at natawa.
"Tanga anong 500 pesos? 500k ko nabili to." Halos lumuwa ang mata ko dahil ang mahal. "Santisima 500k tapos cinash mo?!" Halos ako na ang manghinayang sa 500k niya. "Gwapo naman kasi yung kinita ko." Napakamot nalang ako ng kilay sa sinabi niya, Lord ano po bang nangyayari sa pinsan ko.
Habang pinaguusapan namin ang condo niya nalihis ito sa ibang topic. "Pero beh alam mo bang may banda pala yung school natin?" ah yung banda, alam ko naman pero hindi ako pamilyar dahil mas finocus ko ang pag-aaral ko kaysa kumalap ng chismis. "Oo bakit?"
"Kasi beh nakita ko sa f*******: page na naghahanap sila ng female vocalist para sa banda." Ani niya.
Nangunot naman ang noo ko dahil wlaa naman akong pake sa ganyan. "O tapos? gagawin ko diyan?"
Ngumiti naman siya sa akin bago sumagot. "Alam mo naman itong pinsan mo hindi marunong kumanta..." Alam ko naman talaga hindi siya kumakanta at sumasayaw pero ang hilig niya sa sports. "Ang gwapo kasi nung mga part ng banda beh, kaya alam mo na ikaw nalang yung sinali ko." Napatango tango namam ako ng marealize ko ang sinabi niya agad akong napatayo sa kama, nalaglag pa ang kinakain ko. "Ano gago kaba?!" Histerikal na ani ko.
Nag peace sign pa siya bago niya binaba ang tawag. ANG KAPAL NG MUKA NIYA SIYA NGA ANG MAY KASALANAN BINABAAN PA AKO!
Tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag messege dito.
From: Fayiiee
Hehe, sorry beh. Sa monday pala ang performance mo mag ready ka ng 2 songs ha....
May isa pa ito.
From: Fayiiee
Binilhan pala kita ng bagong gitara, darating iyon bukas, love u beh.
May iba't–ibang emoji pa iyon. Napabuntong hininga nalamang ako at nilinis ang nahulog na kinakain ko kanina alangan namang kainin ko ulit yon halos matapakan ko na nga yung iba.
Pagtapos kong maglinis ay nahiga ako sa kama, napaisip tuloy ako kung sisiputin ko ba ang performance nayon sa monday.
Ang tagal nadin simula nung tumugtog at kumanta ako. Natigil kasi ito ng makunan si mommy, tatlo dapat kaming magkakapatid kung hindi lang nakunan si mommy dati.
Sinisisi ko pa ang sarili ko dahil ako ang nagayang lumabas kay mommy, gusto ko kasing bilhin ang pangarap kong gitara noon, last stock na kasi yon kaya pinipilit ko si mommy.
Hanggang sa biglang sumakit ang tiyan niya nung nasa bilihin na kami, nagalit sa akin si daddy non, syempre anak niya yon e, 5 months nalang makakasama na sana namin siya kaso nangyari yon.
Pero okay na naman kami ni daddy nag sorry siya sa akin dahil sinisisi niya ako, muntik pa silang maghiwalay ni mommy dahil galit na galit si mommy sa kanya dahil saakin siya nagalit.
Kaso sa pamilya ni mommy hindi okay, galit parin sila dahil sa nangyari kahit ilang beses silang pagsabihan nila daddy at mommy.
Kaya pag may reunion sa parte ni mommy hindi ako humihiwalay kay kuya ang sama kasi nila tumingin sa akin kala ko naman ninakawan ko sila.
but I'm looking forward that we would have a chance to talk to mommy’s family, para naman happy happy lang.
Nakatulog nalang ako habang nag-iisip.
—
Nagising ko sa ingay nila mommy sa baba. "Kita mo ngumi-ngiti ngiti kapa sa mga babaeng nurse doon, ano hindi mo na ako mahal?" Napanguso nalang ako dahil nagseselos nanaman si mommy napapadalas yan ngitian lang ni daddy kahit ang kasamabahay namin nagseselos na siya, weird.
"Come on baby, ikaw lang naman ang love ko..." Panglalambing ni daddy.
Kumakalma naman si mommy. "Subukan mo lang mambabae, puputulan kita ng kinabukasan." Napalunok naman si daddy dahil alam niya seryoso si mommy sa sinasabi niya.
Lumapit naman ako kay mommy at niyakap siya sa tagiliran. "Hi mimi kong selosa." Sinamaan naman ako ng tingin ni mommy at kinurot sa tagiliran. "Aw, aw m-mimi."
"Ikaw talagang bata ka bumili ka nanaman daw ng libro." uy galit si mommy, lagot ako.
"Hehe alam mo kasi mi, nakakatalino daw kasi magbasa." Nakangiting panlalambing ko dito.
"Ah nakakatalino ba ang pagbabasa ng naghahalikan sa libro?" hehe nahuli ata ako kahapon.
Ngumiti naman ako sa kanya habang hinihili siya papuntang kusina. "Ayaw mo non mi, ready ako pag nag ka boyfriend na ako, mabibigyan kita ng apo." Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya kaya tumakbo na ako palayo sa kanya, narinig ko pa ang pag tawag niya sa pangalan ko pero hindi na ako bumalik, makakatikim ako ng kurot pag bumalik ako doon noh. Pero joke lang po yung bibigyan ng apo, baby pa po ako, hehe.