Kabanata 1

1506 Words
Nagising ako ng katok sa pinto at sigaw ng aking butihing ina. "LUNA SELENE, GUMISING KANA DIYAN MAY PASOK KA PA." Pag gising niya sa akin. "Opo, mi, gising na po." Alas otso na pala, alas diyes pa naman ang pasok ko. Mabagal daw kasi akong kumilos kala mo naman hindi ako mana sa kanya, hmp. Ginawa ko lang ang morning ritual ko. Nagbihis nadin ako tas bumaba na nakita ko si kuya na galing sa pinto. Inayos niya siguro yung sasakyan dahil siya ang naghahatid sa akin. "Good morning, brother." Hinalikan ko siya sa pisngi at kinawit ang ang kamay ko sa braso niya. Nangiinis na tinanggal niya ang kamay ko kaya tinignan ko siya ng masama bago pumunta kay mimi. "Good morning, mimi. Si dada po asan?" Hinalikan ko din siya sa pisngi at umakap sa kanya habang siya ay nagtitimpla sa kape niya. "Maagang umalis ang daddy mo, madaming trabaho ngayon." Habang naglalakad siya papuntang lamesa ay nakaakap parin ako sa kanya. "Nako, Luna, Kumain kana muna ng makapasok kana." Tinignan ko siya at humalik muli sa kanya. Habang kumakain ay nagk-kwentuhan lang kami. Ganto lang naman ang mangyayari tuwing umaga. Minsan wala si daddy minsan naman andito siya marami kasi minsang pasyente si mommy naman minsan lang pumasok dahil gusto niyang inaasikaso kami ni kuya. Kinuha ko ang bag ko bago pumunta kay mommy para magpaalam. "Mi, alis na po kami." Nginitian niya ako bago sumagot. "Ingat kayo ng kuya mo." Tumango nalamang ako bilang sagot. Paglabas ko ng bahay nasa tapat na ng gate si kuya, pinagbuksan ako ng gate kuya Alfred yung guard namin. Bumaba pa si kuya sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Gentlemen naman. "Kuya dadaanan ba natin si ate Denisse?" Tanong ko kay kuya. Tumango siya sa akin. "Oo, kaya lilipat ka mamaya, pwesto ka pa diyan, ah." Napasimangot naman ako. Nakakatamad kasing lumipat ng upuan naka pwesto kasi ako sa unaahan. Si ate Denisse pala ay ang nobya ni kuya. Okay naman kami ni ate mas close pa nga kami dahil parehas kaming mahilig sa libro. Ilang sandali lang nakarating na kami sa labas ng bahay nila ate. Nakita ko pa doon ang mama niya kaya bumaba agad ako sa sasakyan. "Magandang umaga, tita." Nakangiting bati ko sa kanya. "Oh my God, ang cute mo talagang bata ka. Magandang umaga din." Inakap niya naman ako agad ko naman itong ginantihan. Hindi naman sa pagmamalaki pero paborito talaga ako ni tita, hehe. Si kuya naman nagmano kay tita at humalik sa pisngi nito, kinuha niya din ang bag ni ate at humalik sa pisngi. Sana all. Bumalik nadin ako sasakyan dahil baka ma-late nadin ako. "Ate, nakahanap na pala ako ng bookstore na available yung books ni coleen hoover." Napatingin naman siya sa akin na kumikinang pa ang mata. Napatakip pa siya ng bibig. "Oh my God, really?" Tumango ako sa kanya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Pwede nating puntahan sa saturday or sunday. Kailan kaba available, ate?" May tinignan naman siya sa phone niya bago bumaling sa akin. "Wala akong Schedule ng saturday, sunday kasi may date kami ng kuya mo." Nakaisip naman ako ng kalokohan sa sinabi niya. Tumingin pa ako kay kuya. "Hala, nakalimutan ko sunday lang pala ako available. Sama nalang kaya ako." Kunwaring nag-aalala pa ako dahil makakaistorbo ako sa date nila. "Huh, totoo ba? Oo nga tas mag salon nadin tayo, naiisip ko din na mag pa hair color." Napatingin naman sa amin si kuya. "Baby naman." Parehas kaming natawa ni ate dahil nakanguso na si kuya. Napatingin ako sa bintana at napansin na malapit na pala kami sa school. "Kuya sa gate mo nalang ako ibaba tas i-messege nalang kita later." Tumango nalang siya sa akin. Narinig ko namang tumunog ang phone ko nakita kong tumatawag ang pinsan ko. faye is Calling... "Hello?" Pag sagot ko dito. "Dito na ako, where are you na ba?" Yak bat ang conyo? "Malapit na ko, Kadiri ka hindi bagay sayo." Narinig ko naman ang tawa niya. "Gago re, ang daming conyo girl's dito. tawang tawa ako re promise." Transfee nga pala to, hindi sanay sa conyo hahaha. Tumawa muna ako bago sumagot. "Tanga, masanay kana gulat ka nalang isa kana sa kanila." Narinig ko pa ang pagmumura niya bago ko binaba ang tawag dahil malapit na kami sa gate ng school. Napagusapan naming magkita nalang sa cafeteria dahil sasamahan ko siya sa dean office. "Ingat kayo, kuya." Tumango lang siya at humalik sa noo ko bago bumalik sa sasakyan at umalis. Pinakita ko lang ang ID ko sa guard bago pumasok. Pansinin rin ang mga sasakyan dito mayayaman nag-aaral dito buti nalang hindi uso ang bullies dito kung hindi baka nagkarecord ako, hindi dahil ako ang nang bully dahil nanapak ako ng bullies. Dumiretso na ako sa cafeteria para kitain si faye. Nakita ko siya na nag p-phone sa pinaka gilid ng cafeteria may pwesto kasi don na pang dalawa lang, muka tuloy siyang sexy nerd dahil nakasalamin siya at mag isa pa. "Good morning, bitch." Napatingin naman siya sa akin. Nagtaka naman ako dahil muntik nang magdikit ang kilay niya sa sobrang busangot. "Gago, ang yabang nung babae kanina kala mo mga royalties sa libro ampota." Nagtaka naman ako kung bakit. "Huh? bakit anyare?" Nagkwento naman siya agad. Yung babae daw na pula ang buhok nabunggo siya pero yung pulang buhok padaw ang nagalit sa kanya, tinawag padaw siyang nerd. "Si Eliana ata yon, siya lang naman pulang buhok na kilala ko." Kita ko naman ang kislap sa mata niya, magtatanong nayan ta- "Oh? close kayo?" Napailing naman ako dahil hindi naman talaga. "Kilala lang siya dito dahil spoiled brat daw." Napakunot naman ang noo niya. "Gago ka, hindi ka pa sure sa kwento ko palang halata na, e." Natawa naman ako sa kanya inaya ko nalang siya na umorder iniwan nalang namin ang gamit sa table dahil wala namang kukuha non kaya naman nilang bumili. Pagkabili niya ng pagkain bumalik nadin kami agad sa table namin dahil dadaan pa kaming dean's office. Drink lang ang binili ko dahil kumain naman ako sa bahay. Pagtapos namin sa dean's office ay napagusapan na sa garden na muna siya dahil bukas pa ang klase niya. Pumasok na ako sa klase ko at nakita ko namang nandito na ang iba at yung iba naman wala pa. Nasa 1st semester palang naman kami kaya siguro tumatangap pa ng estudyante. I'm studying Legal management parehas lang kami ni faye ng course. Magkaraan ang ilang minuto dumating nadin ang iba ko pang fellow student's at ang professor namin. "Okay class we have a new student. Please, introduce yourself." May bagong estudyante na naman po ang mai-istress. "Good morning everyone, I'm David Dardar Auclair, 19, you can call me david." Ngumiti ito sa amin. Gwapo naman siya maputi, singkit, 6footer, ang kapal ng kilay niya sana all, muka din tong nag w-workout. Nag discuss lang at may pa surprise quiz pa, amazing. Buti nalang nag a-advance reading ako. Mukang matalino rin yung transfee, ang bilis magsagot e. Pagtapos ng mga klase ko dumiretso na ako sa garden at nakita ko don si faye na nagpipinta, may dala pala siyang mga gamit. "Oy, tara kain, tas hintayin nalang natin si kuya. Sa bahay kana matulog." Tinulungan ko siyang magligpit ng gamit at lumabas ng school may kainan kasi dito, kaya dito nalang kaysa lumayo pa kami. Nung dumating si kuya buti nalang tapos na kami kumain. Bumati lang si faye kay kuya at yumakap galing kasing province si faye kaya hindi namin madalas makasama pag may occasions lang dahil lumuluwas kami o sila dito sa manila. Habang nasa byahe nagk-kwentuhan lang kami at nagj-jamming, ma traffic din dahil uwian ng mga estudyante. Nang makarating kami sa bahay dinala ko lang si faye sa isang kwarto dito. Naligo nadin ako at nagbasa ng readings baka may pa surprise quiz na naman pagtapos ng readings ko at pag print ng mga kailangan ko bumaba nadin ako naabutan kong tumutulong si faye sa kusina kaya sa kanila na ako dumiretso. Habang kami ay naghahain nakarinig ako ng busina, Si daddy, agad akong lumabas para salubungin siya nakita kong nagp-park siya ng sasakyan. Paglabas niya ay sasalubungin ko siya ng yakap ng patigilin niya ako, oops. "Galing akong ospital, sweetheart." Oo nga pala may patakaran dito sa bahay na pag galing ng ospital bawal yumakap dahil baka magkasakit daw kami, both doctor's, e. Nasa dining table lang kami at hinihintay si daddy dahil naliligo pa siya, si mommy naman dinadaldal lang si faye kinakamusta ang mga tita ko doon sa probinsya. Nakita ko si daddy na pababa ng hagdan nagpupunas pa ito ng buhok, shems parang hindi tumatanda, pogi padin, daddy ko yan. Sinalubong ko naman siya ng yakap naramdaman kong hinalikan niya ako sa tuktok ng aking ulo. "Ang pogi talaga ng dada ko." tumawa naman ito bago pumunta kay mommy at hinalikan ito sa labi, si faye naman ay nag-bless. Nagsimula nadin kaming kumain. Puro kain pala ginawa ko ngayong araw, hehe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD