ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 27 THIRD PERSON Sa gitna ng bulwagan, nagkukumpulan ang mga tao, pinapanood ang nagkakaharapan na Zacarias, Vides at Ovledo. Inaabangan ang gagawin ng bawat isa, nananabik sila, kinakabahan. Ramdam ng lahat ng nandoon ang napakamakapal na tensiyon, ang mga nanlalamig na mga awra. Ilang minuto ang pananahimik na nakatingin lamang si Heitor sa matandang si Zandro, nakangisi't walang mababakas na emosyon sa napakagwapong mukha nito ngayon. Si Sera na siyang naninigas parin sa mga narinig mula kay Heitor ay yakap ng inang si Herra ngunit mangiyak ngiyak namang tinatanaw ang nakatalikod sa kaniyang demonyo habang si Ziche, tahimik at kinakabahan. Gusto niyang pumunta kay Heitor, lumapit upang magtago sa bisig nito. Dahil noong sinulyapan siya ni Zandro, kakaiba

