ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 26 THIRD PERSON Nagsimula na ang welcome party na siyang iginanap para kay Zandro Vides sapagkat isa ito sa pinakasikat na prominenteng tao. Marami ang siyang dumalo dito, mayayaman, artista, mga negosyan, at iba pa na nasa mataas na estado lamang ng buhay. Habang nagsisimula ng mag enjoy ang lahat, hindi pa naman dumating ang siyang sentro ng pagtitipon nito, si Zandro Vides. Hindi naman iyon alintana ng mga bisita dahil ganoon naman talaga kadalasan ng 'star of the night', palaging may grand entrance kaya't ngayon ay kanila nalang iniintindi ang bawat mga gawain nila sa loob na iyon. Samantala, sa mga panahong iyon naman, hindi pa nakakadating ang magasawang Zacarias, nasa loob na ang pamilyang Ovledo na siyang nagagalak lalo pa't nakikita nila kung pa

