ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 24 THIRD PERSON Isang limang taong gulang na batang lalaki. Isang limang taong gulang na ulilang bata. Isang limang taong gulang na isa ng mapanganib na tao. Si Heitor Zacarias, nang sumapit ang kaniyang ikalimang taong gulang, doon mismo nagbago ang kaniyang buhay, nagbago ang kaniyang pagkatao. Nang kaniyang mapanood mismo ng mga mata kung paanong nagdusa bago mamatay ang kaniyang mga magulang, doo'y parang namatay na rin siya, namatay ang pakiramdam, nawalan ng puso, nawalan ng kaluluwa. Noong nakatakas si Heitor sa sindikato, kung saan ipinagbenta sila ng kapatid, ni Zandro Vides, ang kalaban ng kaniyang pamilya, doo'y ilang araw pa siyang nagpapalakad lakad sa lansangan hanggang sa mamataan siya ni Mrs. Mieras, (remember nung sa party kung nas

