Samantala, ang magkapatid na si Hether at ang batang si Heitor, nasa gilid lamang doon. Mariin ang pagpikit ng mga mata ni Hether at pilit na hindi pinapakinggan ang sigawan, at tawanan. Sigawan, nagmamakaawang sigaw ng ina't ama. Sigawan, nanggagalaiting sigaw ng ama habang sinasabihan ang mga lalaking gumagalaw sa ina na lumayo't tumigil na. Sigawan, sigawan ng mga lalaking walang kaawa awang binababoy ang ina nila ng kapatid. Habang tumatawa pa, silang magkapamilya'y puno ng takot, kaba, sakit, galit. Hindi magawa ni Hether ang manood, panoorin ang ginagawa ng mga di kilalang lalaki na ito na siyang bigla na lamang pumasok sa kanilang bahay at ngayo'y ginagawa ito sa pamilya niya. Hindi niya kaya.. Ang kaniyang nagawa lamang ay umiyak.. Umiyak habang niyayakap ang bunsong

