CHAPTER 1

3313 Words
ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 1 *ZICHE'S POINT OF VIEW* "Boss, nandito na po ang anak ni Mr. Ovledo." Rinig kong sabi ng isa sa mga lalaking nagdala sa akin sa malaking mansiyon na ito. Nasa labas ako ng isang napakalaki at dobleng pinto na may napakagandang mga ukit kasama ang dalawa pang lalaki. Takot. Sobrang takot ang nararamdaman ko pero mas nangunguna ang sakit. Di ko akalaing magagawa akong gamitin ng kinikilala kong mga magulang. Ang akala kong pagmamahal nila, pagpapanggap lang pala dahil balak nila akong gawing kapalit para sa pagbayad ng mga utang nila na dapat ay ang anak nila at para angkinin ang yaman ng mga magulang ko. Sampung taong gulang ako nang mamatay sila nang nagmamadali silang makauwi upang makaabot sa Family Day sa school namin noon. Galing sila sa isang business trip nang bumagsak ang private jet nila dahil sa masamang panahon. Simula nun, ang ninong ko ang kumuha sa akin. Sikretarya siya ng papa ko at matalik na kaibigan. May anak sila na mas bata sa akin ng isang taon. Akala ko tinanggap nila ko dahil pamilya ang turing nila sa akin, kapalit lang pala. At hinihintay lang nilang mawala ako sa puder nila upang maangkin nila ang yaman na siyang dahilan kung bakit nang oras na mamatay ang mama at papa ko ay sila kaagad ang tumayo upang maging guardians ko. Malinaw na sa akin noong nakaraang linggo lang ay may ipinaperma sila sa akin na mga papeles. Ang sabi nila ay para sa kompanya na pinamamahalaan na ngayon ni ninong. Hindi ko akalain na tungkol pala iyon sa mga ari arian na nagsasabing lahat ng mana ko ay mapupunta sa kanila. Dinaya nila ako. Wala akong kamuwang muwang sa pinanggagagawa nila. At kahit ngayon ay ginawa nila akong pambayad utang sa isang organisasyon na inuutangan noon ni ninong para sa pagsusugal niya, wala pa rin akong magawa kahit buhay at kinabukasan ko na ang nakataya. Wala akong magawa dahil mahina ako at walang muwang. Natatakot ako ngayon. Anong gagawin nila sa akin? Bakit nila ito nagawa sa akin? "Let her in." Ang kaninang pinipigilan ko na luha ay tuluyan ng tumulo nang marahas na hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila kong braso. Nanginginig ang mga tuhod ko habang kinaladkad nila ako papasok. 'God help me please' ** Napasalampak ako sa sahig nang sa oras na makapasok kami ay itinulak nila ako. "Boss, isasali ba natin siya sa mga ibebentang babae?" Nanlaki ang basa kong mga mata at napataas ng ulo upang magmakaawa sa boss nila. Ngunit mas lalo lamang akong nanginig at napaiyak nang makita ang lalaking siyang boss nila. Heitor Zacarias. Siya ang kilalang isa sa mga pinakamayamang tao na walang puso at awa pagdating sa sinasabi nilang business world. Sikat siya hindi lang sa yaman at pagiging matagumpay kundi dahil rin sa sabi sabing may napakasama itong katauhan. At sikat sa mga babae dahil sa kabila ng sabi sabing may pinamumunuan itong napakalaking organisasyon ay may taglay din itong kagwapohan. At totoo nga. Alam ng ninong ko at ng asawa niya ang kakahantungan kung ang anak nila ang kanilang ibibigay sa organisasyon upang mabayaran ang utang nila. Kaya naman ako ang ginawa nilang pampalit. Ako ang hahayaan nilang magdusa dahil hindi naman nila ako kaano ano at wala narin akong pamilya. Napayuko ako dahil alam kong wala na akong pag asa. "She is Mr. Olvedo's daughter? " Tanong ng isang napakalalim pero napakalamig na boses. Alam kong kay Mr. Heitor Zacarias ang boses na yun. "Yes Bo--" Nagulat ako at napasigaw habang kaagad na tinakpan ang dalawa kong tenga nang bigla ay umalingawngaw ang tatlong magkakasunod na putok ng baril. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko nang marinig ang pagbagsak ng kung ano. Napatingin ako sa harap at laking gulat nang makita ang lalaking kumakausap sa boss nila na nakahandusay na at may tama ng bala sa mismong gitna ng noo nito. Napatingin din ako sa likuran ko at katulad ng lalaking nasa harap ko na wala ng buhay ay ganoon din ang dalawa sa likod. Butas ang gitna ng noo. Nakagat ko ang pang ibabang labi ko ng mahigpit habang naninigas naman ang katawan ko. Rinig ko rin ang sobrang lakas at bilis ng t***k ng puso ko. Ngayon lang ako nakakita ng patay at sa mismong harapan ko pa sila pinatay. 'God. Let this be a nightmare. Please let me out of here. It's just a nightmare. A nightmare. Yes, a nightmare. It's not true. I'm just going to wake up. Please wake me up!!' ** *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* Sa opisina ng mansiyon niya, ay nakaupo si Heitor Zacarias sa swivel chair na nasa gitna ng kwartong iyon kasama ang babasaging mesa na tinatambakan ng mga papeles habang seryosong pumiperma ng mga importanteng dokumento. Napatigil lamang siya nang marinig ang katok sa pintuan at pumasok ang isa sa mga tauhan niya na inatasan niyang maningil kay Mr. Olvedo. "Boss, nandito na po ang anak ni Mr. Ovledo." Napangisi si Heitor. Hindi niya inaakala na talagang ibibigay ng matandang si Mr. Olvedo ang pinakamamahal at inaalagaan nitong anak. Sa pagkakaalam niya'y tinuturing niya itong prinsesa dahil nag iisang anak lang nila ito ng asawa niya. 'But business is a business.' Sa isip ni Heitor. Napakalaki ng utang ni Mr. Olvedo sa casinong isa sa pagmamay ari niya. Araw araw itong nagsusugal at nangungutang ngunit araw araw din naman itong natatalo. Nang siningil na ito ng mga tauhan niya, hindi ito makapagbayad dahil sa kawalan ng pera. At dahil isa sa suki ng casino niya si Mr. Olvedo, pinatawan niya ito ng pitong taon upang makapaghanap ng pambayad sa dalawang bilyon nitong utang. At sa oras na hindi pa rin siya makabayad, ang anak niya ang kukunin nila. Hindi pumayag ang matanda at nangakong sa paglipas ng pitong taon ay mababayaran nila ang utang. At ngayong lumipas na nga, hindi nila nabayaran, at talagang anak nila ang kanilang ipinadala. "Let her in." Pinagmasdan niya ang babaeng nanginginig at umiiyak habang marahas na tinulak ng dalawang tauhan pa niya. May kung anong umusbong sa loob niya at sa walang ekspresyong mga mata ay saglit na dumaan ang galit pero nawala din naman. "Boss, isasali ba natin siya sa mga ibebentang babae?" Ang makipot at mapulang labi ng lalaki ay normal na nakatiklop lang ngunit nang makita ang pagmumukha ng babaeng sinasabing anak ni Mr. Olvedo nang inangat nito ang ulo upang tignan siya, nakita niya ang pagmamakaawa sa napakaganda nitong mga mata na punong puno ng luha. Ngunit kaagad din namang yumuko ang babae at mas lalo pa itong nanginig at umiiyak. "She is Mr. Olvedo's daughter? " Mas malamig ang pagkakasambit niya ng mga salitang iyon. "Yes Bo--" At sa isang iglap lang, umalingawngaw ang putok na magkakasunod sunod sa kwartong iyon kasabay ng paglagapak ng mga katawan ng mga walang kwenta niyang tauhan. Walang pagaatubiling ibinalik niya ang baril na nanggaling sa tagiliran niya at pinagmasdang mabuti ang babaeng ngayon'y kita ang pagkagulat, takot at bigla sa mala anghel nitong mukha. Umangat ang gilid ng labi ni Heitor sa napag alaman. 'Did that Olvedo really think I'm a fool? Sending someone to replace their daughter's place?' Tumayo si Heitor at dahan dahang naglakad palapit sa bumagsak na anghel. 'This little girl.. I don't know how and why but she happens to capture the attention of my inner demon. I want her. I want this angel.' ** *ZICHE'S POINT OF VIEW* Nagising ako sa isang masamang panaginip na may mga baril na nagpuputukan. Napakaraming patay na tao at isang demonyong naghahabol sa akin. Ramdam ko ang tumutulong pawis sa buong mukha ko at ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Sa panaginip ko, si Heitor Zacarias ang humahabol sa akin habang may dala dalang baril. Ewan ko kung matatawa ba ako. Bakit ko naman siya mapapanaginipan? Hindi naman kami magkakilala. Sa panaginip ko rin ay pinambayad daw ako ni ninong sa utang niya sa organisasyong pinamumunuan ni Mr. Heitor Zacarias. Ang wierd ng panaginip ko. Nakahiga pa rin ako sa nakakapagtakang sobrang lambot na kama ko. Hindi naman ganito kalambot ang kama ko ah? Habang nakatitig sa kisame, nangunot ang noo ko nang masilayan ang di pamilyar na kulay. Sa pagkakaalam ko, kulay dilaw ang kisame at kahit ang dingding ng kwarto ko. Bigla ay sumagi sa isip ko ang napaginipan ko at napabangon bigla. Inilibot ko ang paningin habang ang kumakalma kong puso'y bumibilis na naman ang pagtibok. Hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ako? Ininspeksiyon ko ang buong katawan ko at nang makita ang napakapangit na kulay violet sa magkabila kong braso, nanigas ang buo kong katawan. Sa panaginip ko, may dalawang bruskong lalaki ang marahas na humawak sa magkabila kong brasong ito bago itinulak papasok sa kwarto kung nasaan si Mr. Heitor Zacarias. Nagbabadya ang mga luha ko habang isa isang bumabalik ang mga alaala na akala ko, masamang panaginip lang. "You're awake." Napakagat ako ng pangibabang labi nang marinig ang pamilyar na malalim at malamig na boses na yun. Hawak ko ang kaliwa kong braso nang maramdaman ang presensiya ng lalaking iyon sa gilid ng kama. "What's your name angel?" Gusto kong lumayo sa kaniya nang umupo siya sa kama. Nakita ko ang pag angat ng kamay niya kaya napapikit ako. Sasampalin ba niya ako? Sasakalin? May sabi sabi na wala siyang awa kahit sa mga babae. Oo nga at maraming nahuhumaling na mga babae sa kaniya pero parang baboy naman ang trato niya sa kanila. 'Why? Why can't this remain a nightmare? Why can't it all be just a nightmare?' ** Naghintay ako ng isang masakit na pagtama ng palad sa pisngi ko o isang mahigpit na sakal. Pero ni isa ay walang nangyari. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero natatakot ako sa kaniya. Sobrang lapit niya. Di kaya, babarilin din niya ako sa noo katulad ng ginawa niya sa tatlong lalaki? Napalunok ako kasabay ng panginginig ng katawan ko. Baka naman isasali nga niya ako sa mga babaeng ibebenta? Napamulat ako ng mga mata nang maramdaman ang isang mahinang haplos sa brasong hinahawakan ko parin. Hinahaplos niya ang braso kong may pasa. Gusto ko sanang ilayo ang kamay ko nang makita kong may inabot siya sa isang maliit na stand na nasa gilid ng kama. Puputulin niya ang kamay ko? Nanlaki ang dalawa kong mata at kaagad na iwinaksi ang braso ko sa pagkakahawak niya. Sa oras na yun, binuksan niya ang cabinet ng stand at may dinukot na kung ano. Napatingin ako sa pinto na pinasukan niya at nakita kong hindi ito naka lock o nakasara man lang. Wala ring mga bantay. Napatingin ako uli kay Mr. Heitor nang hawakan niya ang braso ko at napangiwi sa sakit dahil may kalakasan ng diin ang pagkakahawak niya. Pero nang makita ko ang mga mata niya, gusto kong maiyak. Kita doon ang galit. Ramdam ko ang biglang paglamig ng paligid. Papatayin niya ba ako? "M..Mr. Heitor.." Laking gulat ko na lang nang may ipinahid siya sa braso ko. "This will ease the pain." Malamig pero parang may nahihinuha akong lamyos nang sabihin niya yun. Hindi ko alam kung ito na ba talaga yung tunay na panaginip. Kilala si Heitor Zacarias bilang demonyo at walang pake sa kahit ano maliban na lang sa mga pag aari niya. Pero anong nangyayari ngayon? Tahimik lang akong nakayuko habang patuloy ang pagpahid niya ng ointment pati na ang sa kabila kong braso ay pinahiran niya. Wala akong mababakas na kasamaan. "Angel.. I know you are not the Olvedo's only daughter." Doon ay napaangat bigla ang tingin ko sa kaniya habang nakanganga. Alam niya? Ibabalik ba niya ako kina ninong? Kukunin niya ba ang tunay na anak ni ninong? Naalala ko bigla ang mukha ni Sera. Ang anak ng ninong ko na siyang dapat nandidito. Maganda si Sera. May pagka spoiled pero bata pa lang naman siya. Kahit isang taon lang ang agwat namin at walang ano mang relasyon ay tinuturing ko parin siyang parang nakakabata ko ng kapatid. Dahil katulad niya, mag isang anak lang din ako ng mga magulang ko. At kung iyon nga ang gagawin niya, hindi ko kakayanin kung mabubuhay akong tahimik sa kaalamang sasapitin ni Sera kapag siya ang nandidito. Alam ko kung gaano ka mahal ni ninong ang anak nila. Alam ko kung gaano niya mas piniling iligtas ang kinabukasan ng anak niya at piniling ako ang mapunta dito. Naiintindihan ko. Wala na din namang mga taong malulungkot kung sakaling may mangyari sa akin. At kahit papaano, naramdaman ko rin naman ang pagmamahal ng pamilya ni ninong kahit na pagpapanggap lang. "Mr. Heitor. Gagawin ko po lahat ng gusto niyo, pabayaan niyo na lang po ang anak ng ninong ko. Handa po akong pumalit sa kaniya para mabayaran ang utang ng ninong ko sa inyo." ** *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* "How kind hearted.. You really are an angel." Nagulantang si Ziche sa biglang pagdantay ng dalawang maiinit na palad ni Heitor sa magkabilang pisngi ng ngayo'y umiiyak na babae. Mahina ang pagpahid ng hinlalaki nito sa mga luhang tumutulo. Nagagalak man sa sinabi ng anghel, sa mga mata niya kita ang isang panunuya. 'They tricked her to save their own daughter. Do they really think I will not do anything about this matter? But because of my angel's favor, I think for the first time, to let those bartards pass.' "Now.. Now.. Now angel. Tell me your name if you really want to do everything, anything?" May ngising nakapaskil sa labi niya habang nagsisimulang pumapasok sa isip ang pwede niyang gawin sa anghel na kusang pumasok sa inihanda niyang kulungan para dito. "Z.. Ziche Vides po." Sambit ng dalagita habang pilit iniiwas ang tingin dahil iniharap na ngayon ng lalaki ang mukha niya sa nakakademonyong kagwapuhan nito. Dahil doon, hindi niya nakita ang pag itim ng mga mata nito dala ng pag init ng pakiramdam. Habang pinagmamasdan ang nahihiya at namumulang mukha ng babae, hindi naman mapigilan ni Heitor ang makaramdam ng init. 'Mmmh. This is the first.' Ito'y dahil kadalasan, mga babae ang hinahayaan niyang bumuhay sa init ng demonyong nasa loob niya at kailan ma'y wala pang babae ang nakapagpabuhay ng init na ito kahit walang ginagawa. Hindi niya mapigilan ang sariling bigla bigla itong hapitin at inilagay sa kandungan niya. Kita niya ang panlalaki ng napakagandang bilog at itim na itim nitong mata. 'Such an innocent girl..' "Okay. I'll not do anything." Bulong nito sa tenga niya. "Then you will be the one to do everything I want you to do for me. Is that clear Ziche?" Ramdam ni Ziche ang mainit na hangin nito sa kaniyang tenga nang maramdaman din niyang bigla nitong idinikit ang labi sa likod ng tenga niya saka nakangising bumulong, "But I prefer to call you angel.. " ** Hindi alam ni Ziche ang gagawin sa mga oras na iyon. Ang napakalakas at mabilis na pag t***k ng puso niya at paninigas ng katawan, hindi niya alam kung dahil sa takot ba. "M..Mr. Heitor.. " Gustong itulak ni Ziche ang mukha ng lalaki pero natatakot siyang magalit ito. Ito ang kaunaunahan na may lalaking humawak sa kaniya ng ganito. Sa loob ng labing walong taon na pamumuhay niya sa mundo, kailan may walang lalaki ang hinayaan niyang lumapit o humawak man lang sa kaniya dahil palagi niyang inaalala ang sinasabi ng ina na dapat ay iyong siguradong lalaki lamang ang hahayaan niya. Kaya kahit marami ang nanliligaw ay iniwasan niya iyon sa kaalamang bata pa siya. Pero sa oras na ito, isang lalaki ang ngayo'y kumakandong sa kaniya at ngayon ri'y hinahalikan ang likod ng tenga niya, wala siyang magawa. May kakaiba siyang nararamdaman na mangyayari ngayon pero pilit na winaksi niya ito sa isipan. "What are you doing angel? What did you do the moment you've stepped your foot inside of my office? Why did I suddenly feel something about you? I want to kill you.. Torture you.. " Sa gulat nang marinig ang sinasabi nito, agad siyang nagpumiglas sa pagkakandong ng lalaki sa kaniya at laking pasasalamat ng madaling nakawala siya sa mga braso nito. Walang sinayang na oras si Ziche at kaagad tumungo sa nakabukas na pinto. Lumuluha at natatakot na tumatakbo si Ziche. Sabik na sabik na makatakas at makalayo dito. Oo nga at gusto niyang tulungan parin ang ninong niya sa kabila ng nagawa nito sa kaniya pero sa isiping kapag mamalagi siya dito, papahirapan siya ng Mr. Heitor na yun at papatayin. Natatakot siya sa isiping sakit na igagawad sa kaniya ng demonyong iyon. Totoo nga. Totoo nga ang sabi nila na trato ng lalaki sa mga babae. Walang kinatatakutan ang lalaking iyon. At habang tumatakbo, humahanap ng madadaanan palabas, nanalangin si Ziche dahil alam niya, ang katulad ni Heitor Zacarias ay gagawin ang gusto nitong gawin. Kahit pa ang pumatay ng isang inosenteng tao. ** *ZICHE'S POINT OF VIEW* "I want to kill you.. Torture you.. " Ang mga katagang iyon ang paulit ulit na naririnig ko. Parang sirang plaka sa utak ko. Pero kahit ilang oras na ang nagdaan nang sinabi niya yun, ramdam ko parin ang kilabot na dala nito sa katawan at pag iisip ko. Kanina pa ako naglalakad sa hindi ko alam kung saan paroroong pasilyo na ito. Kahit saan at anong pasilyong makita ko ay agad kong tinutungo makatakas lang at lihim na nananalangin na sana makita ko ang labasan. Pero hindi ko alam kung gaano kalaki ang mansiyon na ito dahil kahit saan ako lumiko ganon parin ang katapusan, isang pasilyong paliko na naman sa kung saan. Pansin ko rin ang napakadaming pinto sa magkabilang gilid ng mga pasilyo. Nang subukan kong buksan ang isa sa mga pinto, nakalock ito. Kaya naman nagpatuloy nalang ako sa paghahanap ng malalabasan ko dito. Gutom at pagod sa paglalakad. Pero sa takot na mahuli ako ng lalaking iyon, di ko magawang makapagpahinga man lang. Nasaan ba ang labasan? Saang sulok na ba ako ng mansiyon na ito? Hinahayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan nila ako dalhin. At nang mapadpad na naman ako sa isang pasilyo, sa kaduloduluhan niyo'y kita ko ang napakalaking bintanan. Isang floor to ceiling na bintana. At doo'y klarong klaro ang sinag ng buwan. Gabi na? Nang kunin ako ng mga lalaki, nasa alas nuwebe pa lang iyon ng umaga. Di ko namalayang nakarating na pala ako sa bintanang iyon sa pagmamasid sa bilog na bilog na buwan habang naglalakad. Kaya pala gutom na gutom na ako. Hindi ako nakapagtanghalian at ngayo'y hapunan narin. Pero gusto kong makatakas. Gusto kong makalayo dito. Pero saan naman ako pupunta? Tinignan ko ang ibaba sa labas ng bintana kung pwede bang dito na lang ako lalabas. Pero bumagsak ang mga balikat ko nang malula sa taas ng kinaroroonan ng bintana na to. Kung ganon, nasa itaas na bahagi ako ng mansiyon na ito. Sa isiping parang imposebleng makatakas pa ako, nagbabadya na naman ang mga luha ko na hindi pa man gaanong tumitigil. "Uy pare! Tignan mo nga naman kung sino ang nandidito." Kaagad na napaharap ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. "Mmm.. Minsan lang talaga mangyari na may babaeng nakakatakas na buhay sa kwarto ng Boss natin! " Mula sa likuran ko, may tatlong malalaking lalaki ang nakangisi habang nakatingin sa akin at nag uusap. "Hahaha Oo nga. Sayang nga at napakaganda pa naman ng mga babaeng yun. Ba't di nalang kaya ibalato ni Boss yung mga babaeng yun sa atin pagkatapos niya itong tikman kaysa patayin? " "Kilala mo naman si Boss pare. Hahahahah!" "Oo nga. Pero swerte tayo ngayon at nakakita tayo ng isa sa mga babae ng boss." Rinig kong paguusap ng mga ito habang may malademonyong pagtawa at nakatingin sa akin. "Miss! Alam naming tapos na ang boss namin sayo." Sambit ng nasa gitna habang ang mata nito ay gumagalugad sa pangangatawan ko. Sa mga panahon na ito, sobrang takot at kaba ang lumulukob sa akin dahilan kung bakit napasalampak ako sa sahig dahil hindi nakayanan ng nanginginig kong tuhod ang takot na kumakain sa buo kong katawan. 'Please.. Someone please help me.. ' "Hahahahah! Miss wag kang mag alala, tutulungan ka naming lumaya pagkatapos ng pagtulong mo rin sa amin na palayain ang init ng katawan namin ngayon. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD