CHAPTER 7

3471 Words
ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 7 *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* Sina Kelly Rivera at Janne Fajardo ay kabilang sa organisasyon na pinamumunuan ni Heitor. Kabilang silang dalawa sa mga pinakamagaling na tauhan ni Heitor at talagang walang awat kung bumanat sa mga bakbakan. Ngunit ngayong may magaganap ngang aksiyon, matinding parusa na sa kanila ang hindi maging parte doon. "Aray! " Sigaw ni Kelly sa sakit nang noong mga oras lamang na iyon marahas na binitiwan ni Janne ang pagkakahawak sa braso. "Ikaw na pipi ka! Grr. " Tinignan niya ng masama si Janne na nagsisimula ng maglakad papasok sa bulwagan ngunit napatigil nang marinig ang telepono na biglang tumunog. "s**t! Janne, both you and Kelly, guard the entrance of the hall! Don't let anyone enter and exit the door..f*ck! Mga g*go!!" Rinig na rinig ni Janne ang mga putukan sa kabilang linya at putol putol na pagsasalita ng boses, si Lior. "Lady? " Malimit na tanong nito na ang tinutukoy na lady ay ang pinabantay sa kanila ni Heitor. Si Ziche. Doon ay napaatensiyon si Kelly nang marinig ang pagsasalita ni Janne. Alam niya kung kailan lamang ito nagsasalita. Importante, panganib, seryoso. At mukhang lahat ng iyon ang nangyayari ngayon. "Kaya nga! May iba pang tauhan na nasa loob, sila ang magbabantay sa Lady..." Biglang napayuko sina Kelly at Janne nang may biglang pumutok na baril na sa kanila ang punterya. Mabuti'y matindi ang ginawang pag eensayo ng mga babaeng ito at agad na nakaiwas. Sa isang iglap, ang dalawa'y may hawak ng tagdadalawang baril. "What happened? Ba't nakaabot ang mga kalaban dito?! " Bulong ngunit pasigaw na tanong ni Kelly sa sarili at sinimulang ipaputok ang baril na nasa kanang kamay nang mamataan ang isang lalaki na kakalabas lamang sa isang elevator na kabilang sa palapag na iyon. Ito ang nagpaputok kanina. "Whose men are this?" Malamig na tanong ni Janne sa hindi parin natigil na tawag. "Salvatierra's Gang." Doo'y naputol na ang tawagan at dumami na rin ang mga kalabang kasapi sa isang gang na sikat sa larangan ng underground fight. Napatingin si Janne kay Kelly, nagtama ang paningin at sabay na napatango. Naiintindihan ang isa't isa. Mabilis na kumilos ang dalawa at magkatalikod na binanatan ng putok ang mga kalaban. Nang may isang lalaking nakatakas sa bala ng mga baril nila, agad itong nagpaputok patama kay Kelly, na hindi naman ito namalayan dahil ang atensiyon ay nasa isa pang kalaban na nakatutok ang baril kay Janne naman, si Janne na ang paningin ay sa lalaking babaril kay Kelly. Sabay nagpaputok ang dalawang kalaban, at ang bala'y napakabilis lumipad patungo sa kanila, ngunit mismong pagputok ng mga baril ay mismong paggalaw rin ng dalawang babae na parang alagad ni Flash ng The Avengers. Hinila ni Janne payuko si Kelly, habang nakayuko'y agarang binaril ang bumaril sa gawi niya habang si Janne ay wala sa sariling itinukod ang mga kamay sa likuran ng nakayukong si Kelly upang makapunta sa kaliwang direksiyong bahagi nito at maiwasan ang balang para sakaniya, na agad naman niya pinatamaan ng bala ang pinanggalingan ng putok na iyon. Nang wala ng pagbabanta, nagpatulo'y sa pagpapaputok ang dalawa dahil napakarami pang nakaabot at talagang gustong sirain ang pagtitipon na inihanda ng boss nila para sa kanilang Lady, para kay Ziche. Samantala, sa underground parking lot (yung parking lot na nag kiss sina Heitor at Ziche at nasa labas talaga ng building at iba itong underground na parking lot) kung saan sinabi ng isa sa mga tauhan na naghihintay ang Salvatierra's Gang, agad na nagtungo doon ang panginoon kasama sina Lior, Eetu, cassiass at Ikel. Nang makarating ay nagsisimula ng umatake ang mga tauhan ng grupong Salvatierra sa mga tauhan ng Zacarias. "Aba't! Lakas din ng loob na sumugod ang mga gagong ito ah?! " Si Ikel na talagang nanabik ng sumabak. "Mmm.. Ilang lingo narin akong di nakakapag exercise! " Hinahaplos naman ni Eetu ang hawak na baril habang naglalakad ang grupo patungo sa kinaroroonan ng grupong Salvatierra. "Talagang may balak silang sirain ang party mo boss! " Sambit ni Lior, dahil iyon naman talaga ang pakay ng grupong ito. Ang hindi lang nila malamang dahilan, bakit nito naisipang sumugod gayong kilala naman nila ang sinusugod nila. Alam nila kung sino ang kinakalaban at pilit binabangga. Nagtataka din sila dahil sa nakikita nilang mga tauhan ng Salvatierra, napakadami nito ngayon. Sa kanilang pagkakaalam. Ang Salvatierra's Gang ay isang maliit na grupo lamang ngunit napakasikat dahil sa sinasalihan nitong mga underground fight na siyang laging napapanalunan. Ngunit bakit sila nito inaatake? "Kill. " Isang salita, apat na letra, isang patinig at tatlong katinig ngunit sapat na upang lamunin ng sabik ang lahat. Napangisi ang grupong Zacarias habang iniisip ang dugong dadanak na naman, baril na puputok, katawang babagsak at matinding bakbakang magaganap. Agad na ngparte ng mga puwesto ang apat, Lior, Eetu, Cassiass, Ikel, habang si Heitor ay nanatiling nakatayo. Walang hawak na baril at pinagmamasdan lamang ang pagpapalitan ng bala ng mga tauhan niya sa kalaban. "Boss! Napakarami nila, may ibang nakatakas at ngayo'y papunta na po sa pinagdadausan ng pagtitipon." Isang tauhan ang tumakbo papunta sa gawi ni Heitor upang ibalita iyon. Sa narinig, tinignan ni Heitor si Lior na narinig rin ang sinabi ng tauhan. Agad na naintindihan iyon ng lalaki, ang Lady! Kaya't tinawagan niya si Janne dahil mas matino itong kausap sa ganitong sitwasyon kay sa kay Kelly. Nang matawagan, nagsimula na palang makalapit sa gawi nila ang mga kalaban. "s**t! Janne, both you and Kelly, guard the entrance of the hall! Don't let anyone enter and exit the door..f*ck! Mga g*go!!" Napamura siya nang di kalayuan ay may tatlong lalaki ang lumitaw at pinaputukan siya. Mabuti'y kaagad siyang nagtungo sa isang poste at doo'y nagtago pansamantala habang sinasagot ang tanong ni Janne tungkol sa mga lalaking ito. Ngunit nang masambit niya ang pangalan ng grupong ito, biglang may balang nakalagpas sa paningin niya at ngayo'y tumama sa telepono kaya't nawala ang tawag. Dahil dito'y sumeryoso ang mukha ni Lior dahil hindi na siya natutuwa sa larong ito. Walang humpay na pinaputukan niya ang kung sino mang makitang mga kalaban. Walang palya, lahat ng pinakawalang bala ay tumama talaga sa mga kalaban. Maging ang tatlo pang kasamahan na sina Eetu ay eksperto din sa pagtama ng mga target. Habang ang boss na siyang bumunot na ng baril ay hindi malapitan ng mga kalaban dahil hindi pa man nakakakurap ang mga mata'y ramdam na nilang ang pagtama ng bala sa gitna ng noo, ang iba'y hindi pa namamalayan. Napakaliksi, bilis, eksakto, at galing ng pinunong ito. Talagang karapat dapat sa titulong panginoon dahil walang kahirap hirap lamang nito napatumba ang mga kalabang nagtatangka pa lamang na barilin siya. Walang ni isa man ang nakatakas, nakaiwas at nakakita. Iisang baril lamang ang hawak nito, iisang kamay. Hindi gumagalaw o nagbabago ng posisyon. Talagang nakatayo lamang ito sa pwestong tinigilan nang makarating sa lugar na iyon. Dahil sa galing ng Zacarias, unti unti'y humina ang laban ng Salvatierra at mabibilang na lamang ang natirang miyembro na siyang hawak na ngayon ng mga tauhan ni Heitor. Ngayo'y natigil at natapos na ang bakbakan. "Lior and the rest, take care of this. " "Yes boss! " Agad na alis ng boss dahil hindi talaga ito sigurado sa pag iwan sa anghel na siyang nasa isip niya sa buong oras na pakikipagbarilan sa mga umaatakeng kalaban. Kung kaya't ngayo'y babalikan niya ito. ** *ZICHE'S POINT OF VIEW* Nanginginig ang mga tuhod na pumasok akong muli sa loob ng bulwagan. Nang makapasok ay ramdam ko ang mga matang nagtataka na bumaling sa akin. Hindi ako tumigil sa paglalakad, hindi ako tumingin sa iba, hindi umimik at naglakad ng patuloy. Hindi ko rin tinignan ang dinadaanan at di namalayang napatakbo. Gusto ko sanang bumalik sa mesa, gusto ko sanang itanong kung ano ang nangyari kanina. Kung totoo ba iyon. Bakit? Kung totoong pinatay niya ang babae, anong dahilan? Bakit niya tinakpan ang mga mata ko noon? Bakit ayaw niyang ipakita sa akin? Habang nagtatakbo-palakad ay ramdam ko ang mga naghalong emosyon. Ano ba talaga? Isa siyang mayamang tao, bilyonaryo. Isa siyang makapangyarihang tao, pinuno. Isa siyang mamamatay tao, demonyo. Iyan ang mga niririnig ko tungkol sa kaniya. Na noong una kong makita siya, unang makausap, unang mahawakan, gusto kong malaman kung lahat ba ng iyo'y totoo. Gusto kong makita kung ginagawa nga niya ang mga sabi sabi. Ngunit kabaliktaran. Nang bigla, sumagi sa isip ko ang unang pagtatagpo. Ang unang pagkaranas ko ng karahasan. p*****n. Ang unang kita ko siyang pumatay ng tatlong tao. Noong walang salisalitang binaril niya ang tatlong tauhang kumuha at nagdala sa akin. At ngayo'y isang babae. Babae! Hindi ko man nakita pero ramdam ko na nangyari nga iyon. Ramdam kong totoo iyon. Alam kong may alam na ako sa mga gawi niya, sa pagkatao niya pero hindi ko parin maiwasang mangilabot. Kabahan. Ngunit, ' "Umm.. Totoo po ba na.. pinuno kayo ng isang malaki at ilegal na organisasyon? " "Yes angel. " Napatahimik ako. Hindi ko alam pero parang bumalik ang takot. Takot na baka katulad ng sinasabi nilang pagtrato niya sa mga babae ay gawin din niya sa akin. "Are you afraid angel? " Napayuko ako at mahinang tumango. Alam kong nakita niya iyon dahil tumingin siya sa gawi ko bago uli ibinalik sa kalsada ang mata niya. "Yes it is true. And I'm not just leading a mere underworld organization, angel. I'm a Mafia Lord. I've done so many illegal transactions and crimes. I also kill people.. who are against of what I want. And if you try to defy me.." Nanlaki ang mga mata ko habang nakayuko parin. Naiintindihan ko ang sinasabi niya. "Of course I will not kill you. There is always an exception angel. And you.. " ' ..naalala ko naman ang napag usapan namin sa loob ng sasakyan nang bumabyahe patungo rito. Nalala ko kung paanong sa bawat paglingon niya ng sandali sa gawi ko'y makikita sa mga mata niya ang pagkasinsero. Na totoo at may hawak na pangako ang binitawan niyang mga kataga. ' ''You are different angel.. I feel something about you. I feel like I want to protect you." ' Bulong ng isang boses sa isip ko. Boses ni Heitor. Magaan, malamyos, totoo. Sinabi nga niya. Umamin siyang pumapatay siya. Na totoo lahat ng tungkol sa kaniyang naririnig ko. Masama siya. Demonyo siya. Pero nang sinabing porotektahan niya ako, nakaramdam ako ng kakaibang emosyong lumukob sa kalooban ko. Emosyong di ko alam ang katawagan. Sa panahong iyon, naniwala ako. Naniniwala ako. Hindi ako sasaktan ni Heitor. Sa pagkakaintindi ng mga pangyayari, sa pagaalala sa mga ginawa ni Heitor sa simula ng aming pagkikita hanggang ngayon, doon ko napagtantong may iba pa sa katuhan niya na siyang mas higit pa sa nakikita ng mga mata. Sa totoo'y mula nang mawala ang mga magulang ko, si Heitor lamang ang naramdaman kong totoo ang ipinakita sa akin. Dahil kahit noon na hindi ko alam ang bawat pag arte at pagpapanggap ng pamilya ni ninong sa pakikitungo sa akin, kahit wala akong muwang sa paggamit nila sa akin, wala akong pansin sa mga sekretong plano nila. Noon na nasa puder nila ako, ramdam ko parin ang pagiging iba. Iba, hindi dahil, hindi nila ako kapamilya ngunit dahil, hindi ko ramdam na iisa kami ng paniniwala. Na ako lamang ang may naiibang paniniwala, na sa paniniwala kong iyon, totoo ko talaga silang pamilya. Napahinto ako sa paglalakad o pagtakbo? Hindi ko namalayan. Wala akong kaalam alam dahil nilamon na ng pagiisip ang buo kong kamalayan. Na kahit sa mga oras na ito, hindi ko na alam kong nasaan ako. Inilibot ko ang paningin sa isang pasilyong hindi ko alam na narating ko. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Hindi ko alam kung ilang oras na akong narito o kung gaano na kalayo ang natungo ko. Nasaan ako? "So, we meet again.. Ate Zee.." Nanlaki ang mga mata ko. 'Ate Zee.. ' Isang tao lamang ang tumatawag sa akin ng ganon. Isang tao lamang na alam kong may kabutihan sa loob. Alam kong siyang may tunay na pagmamahal sa akin sa kabila ng mga nagawa ng magulang nito sa akin. "Sera? " May galak na tawag ko nang makita ko siya. Sera!! Napangiti ako at namuo ang mga luha nang masilayan ko ang pagmumukha ng kapatid ko. Oo, kapatid ko siya. Si Sera Ovledo. Ang nag iisa kong kaibigan, kapatid, karamay. Dahil sa kaniya kaya't nalagpasan ko ang madilim na pangyayari nang mamatay ang mga magulang ko.   Siya ang namalagi sa tabi ko. Hindi niya ako iniwan. Hindi kailan man niya ako pinabayaan. Sa bahay ng Ovledo, siya palagi ang gumagawa ng paraan upang maging masaya ako, makasali ka kanila kahit na sampid lang ako. Sa parehong paaralan na pinapasukan, dahil sa kaniya'y may naging mga kaibigan ako. Dahil sa kaniya. Kaya nama'y mahal na mahal ko siya at talagang kadugo na ang turing ko. Ngayong nakita ko siyang muli, gusto kong tumakbo papalapit sa kaniya at yakapin siya. Miss na miss ko na siya. Ngunit nawala ang ngiti ko. Kinabahan ako. Nandito sila. "Masaya ka bang nagkita muli tayo, lil'Zee? " "N.. Ninong.. " ** *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* Sa nangyayaring na pagtitipon, walang kamalay malay ang mga nasa loob ng bulwagan sa naganap na pagpapatayan sa labas ng napakalaking pinto na naroon, walang kamalay malay sa mga balang nagliliparan. Ito'y dahil ang mga pader doo'y may pangkontra ingay at kahit ano pang ingay sa labas ay hindi naririnig ng sa loob at ganoon din naman sa labas. Sa mga oras na ito, madaling nailigpit ng mga tauhan ang nagkalat na mga basura sa pinangyarihan ng barilan. Nang makarating si Heitor sa 69th Floor sakay parin iyong nagsasalitang elevator kaagad na sumalubong sa kaniya sina Kelly at Janne. "Boss! Ang Lady!" "Where is she? " Kalmado namang tanong ni Heitor sa natataranta ng si Kelly. Nang matapos nila mapatay lahat ng nagtangkang makapasok sa bulwagan, agad silang pumaroon sa loob upang hanapin at malaman kung ano na ang ginagawa ng Lady, ni Ziche. Ngunit nalibot at nainspeksyon na lahat ng pagmumukhang naroroon, hindi parin nila makita ang babae, wala silang nakitang anghel. "Y.. Yun na nga boss.. Di namin siya nabantayan kasi may nakarating na mga Salvatierra di.. " Hindi na pinatapos pa si Kelly at kaagad na nilagpasan ito ni Heitor. Tahimik lang naman na sinundan ni Janne ng paningin ang kanilang boss hanggang makapasok ito at naiwan sila sa labas. Tumingin si Janne kay Kelly nang wala na si Heitor. "Madadagdagan ata ang mapapatay ni boss ngayong araw nato. " Umiiling na sambit ni Kelly. Tumango naman si Janne. Samantala, sa pasilyong kinaroroonan ni Ziche. Sinundan naman ng pamilyang Ovledo ang babae at ngayo'y magkaharap na silang apat. Galit man si Simoun ng malamang tinuturuan ni Ziche ng kung ano ano ang anak, hindi parin talaga mawala sa isip niya ang gulat at pagkalito kung bakit nandito ito ngayon. Kung bakit ang pinambayad nila ng utang na si Ziche ay kasamang dumalo sa pagtitipon na kasama si Heitor Zacarias. Kung bakit nagawang mapatay ni Heitor ang babaeng nanginsulto dito. Kung bakit, iba ang nakikita nilang Heitor nang magkasama ang mga ito. Kung bakit hawak siya ni Heitor, hinalikan, prinotektahan. Gusto niyang malaman ang ginawa nito, nagawa. Talaga bang totoo ang anak niya na nagbabalat kayo ang babaeng ito? Na ginagamit nito ang mukha at katawan sa pansariling kasiyahan? "Ziche, bakit ka nandirito? " Kalmadong tanong ni Simoun na pinipigilan lamang ang sariling pagbuntunan ng kamay si Ziche. Kita ni Simoun ang takot sa malaanghel nitong mukha. 'Hah! Nagmumukhang anghel, iyon pala'y napakalandi! ' Sa isip niya habang pinakatitigan ang mukha ng inaanak na talagang akala niya'y santa, santasantita pala. Si Ziche naman, hindi alam kung pano sasagutin ang itinanong ng ninong. Hindi alam ang iaasta matapos siya nitong abandonahin at ipinambayad utang. "Paano ka nakatakas sa organisasyon Ziche? Talaga bang ginamit mo ang katawan mo? Siguro'y nagpagamit ka sa mga tauhan ng oraganisasyong iyon upang tulungan kang palayain! Ibang klase ka rin palang malandi ka! At idinamay mo pa sa kabulastugang kaalaman mo ang prinsesa namin? Alam mo, alam ko na talaga una palang na isa kang kalapating mababa ang lipad! " Mahabang panunuya ni Herra sa kaniya. Nagulat si Ziche at hindi inaasahan ang sinabi ng asawa ng ninong. "Akala ko talaga isa kang anghel Ziche, akala ko'y katulad ng mukha mo'y siyang sumasalamin din sa ugali mo! Hah! Bakit pa ba ako nagulat? Di hamak na sa nasaksihan namin ngayo'y isa ka ngang bihasang bayarang babae! " Napanganga si Ziche sa narinig. Anong pinagsasabi nito? Hindi niya alam ang ipinapahiwatig ng ginang. Kung paanong naging bayaran siyang babae, kung paanong dinamay niya ang prinsesa nilang si Sera. Nagugulahan siya sa pinagbibintang nito sa kaniya. "Ziche, sabihin mo sa akin, paano mo nakilala si Mr. Heitor Zacarias?" Hindi pa man nakakareak si Ziche sa sinabi ng asawa ng ninong nang ito na naman ang bumanat ng tanong. Naguguluhan ang Ovledo ngunit mas naguguluhan si Ziche. Bakit sila nagtatanong sa kaniya gayong sila naman ang gumamit sa kaniya pambayad kay Heitor? Ang kanina pang nananahimik na si Sera ay may nakatagong ngisi lamang sa mukha habang nakatayo at pinagmamasdaan ang mangiyakngiyak na itsura ni Ziche. Alam niyang gulong gulo ito at walang maisagot. Ganito naman talaga ito. Napakahina. Napakawalang kwenta. "N.. Ninong.. A.. Ano pong.. " "At talaga namang ginagampanan mo talaga ang pagiging aktress?! Sa tingin mo hindi pa namin ang alam ang tunay mong kulay?! Ang buong pagkatao mo?! Malamang ay napakarami ng nakatikim sayo at ngayo'y hindi ko malaman kung paanong nakuha at napaikot mo rin si Mr. Heitor, sabihin mo Ziche, ganiyan ka ba kagaling sa kama? " Hindi na mapigilan pa ni Herra, ang ina si Sera na sabihin ang lahat ng nasa isip nito. "Herra! Nandito ang anak natin at naririnig niya ang pinagsasabi mo. " "Ano pang dahilan, eh kundi dahil sa malanding babaeng ito kaya't nabahiran na ang pag iisip ng ating anak?! Mabuti nalang talaga at kailangan namin ang kayamanang ipinamana sa iyo, Ziche,  dahil kung wala iyon, kailan ma'y walang tatanggap sa iyo nang mamatay ang mga magulang mo! " Doo'y napaiyak si Ziche at tuluyang di makapagsalita. Nang bumaling siya sa kinatatayuan ni Sera, napaatras siya nang makita ang nakangisi nitong anyo. "Ate Zee..Ate Zee.. Ziche.." Naglalakad ng dahan dahan si Sera palapit sa kaniya. "Ganiyan ka ba talaga ka bobo para hindi parin maintindihan ang lahat? " Tanong si Sera at gustong tumawa ng malakas dahil sa nakikitang kalituhan ni Ziche. Wala talagang maintindihan si Ziche. "Una pa lamang, kayamanan niyo lang ang rason ng pagtanggap ng pamilya Ovledo sa iyo. Pangalawa, plano na namin na ikaw ang gagamitin upang siyang ipambayad sa pinagkakautangang organisasyon ng dad ko. At pangatlo, nakakasigurado ka bang aksidente ang pagkamatay ng mga magulang mo? " Sa narinig, nanigas si Ziche. Nanlamig ang buong katawan. Unti unting pinoproseso ng utak ang mga katagang pumasok sa dalawang tenga niya. "Ziche, kung ayaw mong sumunod sa mga magulang mo, layuan mo si Heitor. Sa ibang lalaki ka dumikit linta." Masamang tinignan ni Sera ang naestatwang si Ziche at nawala ang ngisi habang nagpatuloy sa pagsasalita. "Naalala mo ba iyong sinabi ko sa iyong tagapagligtas ko Ate Zee? Si Heitor iyon. Si Heitor ang knight in shining armour ko. Di ba sinabi ko sa iyo na oras na yumaman ako, hahanapin ko siya. Papakasalan ko siya, magiging akin siya." Ngayo'y isang metro na lamang ang layo ni Sera kay Ziche, huminto ito sa paglapit. "Ziche, uulitin ko ito. Alam kong napakatindi ng panlalanding ginawa mo upang makuha si Heitor. Pero isa ka lamang pambayad utang. Hindi ka nararapat sa kaniya. Papatayin ka niya. Ako, Ziche. Ako dapat ang nasa tabi niya dahil iniligtas niya ako! Ako ang prinsesa niya!! " Akmang tuluyang lalapitan ni Sera si Ziche nang may biglang lumitaw sa likuran ng babaeng hindi parin umiimik, ng naninigas paring babae, ng nanginginig na si Ziche. Naalala ni Ziche ang mga pinagsasabi ni Sera. Totoo ngang may sinasabi ito sa kaniya noon na tagapagligtas niya. Ngunit nang marinig na si Heitor ang tinutuko'y nito, hindi alam ni Ziche kung ano ang naging dahilan ng panginginig. Kung ito'y tungkol ba sa mga magulang na maaaring hindi aksidenteng namatay o sa sinabing si Heitor ang nagligtas noon kay Sera at siyang baka papatay sa kaniya. Dahil sa pag iisip ay hindi namalayan ni Ziche ang tuluyang paglapit ni Sera sa kankya. Ngunit bago pa man ito makalapit, may bigla na lamang isang malaki at mainit na pakiramdam ang bumalot sa nanginginig at malamig niyang kamay. Ang kamay na humawak sa kamay niya'y agad namang humila sa kaniya at napasalampak siya sa matigas na pader, hindi, isang dibdib. Nang mawala ang pagkakahawak ng kamay na iyon sa kaniyang kamay, noo'y naramdaman naman niya ang pagdantay ng pamilyar na braso sa itaas lamang ng balikat niya, niyayakap siya. Tinatago ang mukha niya upang hindi makita ang mga taong patuloy na nananakit sa kaniya, nanloloko sa kaniya, nanggagamit sa kaniya. Inaakap siya ng mga braso habang ang ulo'y nakahilig sa malapad at matigas na dibdib. Doo'y muling naramdaman ni Ziche ang mapabilang. Nabibilang siya sa mga bisig na iyon. "Angel.. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD