CHAPTER 6

3157 Words
ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 6 *ZICHE'S POINT OF VIEW* Nahihiyang tinignan ko ang mga taong kasama sa mesang inupuan namin ni Heitor. Nagtataka parin ako kung nasaan na nagpunta ang babae, saka anong dahilan ng pagtakip ni Heitor sa mga mata ko kanina. May nangyari ba habang takip takip nito ang paningin ko? "Lord Heitor, I am still wondering what this party is all about? " Napakakalmadong tanong ng nag iisang matandang babae, hindi ko alam o kilala ito. Tumingin sa gawi ng matandang babae si Heitor. "Patience Mrs. Mieras. The party's merely starting, why not enjoy it first?" Sagot ni Heitor at kalaunay ibinalik ang atensyon sa akin. "Lord Heitor, who is she? " Napatingin ako sa isang lalaking nagtanong na katabi ng lolo nung babaeng nakaupo kanina sa ngayong inuupuan na ni Heitor. Nakita kong siniko ito ng lalaking nasa kanan at bumulong na rinig naman niya. "Ba't ba di ka nalang manahimik, gago? " Nagulat ako. Magkaaway ba sila? Tinignan ko si Heitor na parang wala naman atang balak magsalita at tumugon sa lalaki. Kaya katulad sa kaninang nagtanong ng pangalan ko, ako ang sumagot. "Ako.." Ngunit hindi pa ako nakakatapos nang may isang lalaki ang lumapit kay Heitor at bumulong. Magkadikit nga kami at sobrang lapit pero wala naman akong narinig nang binulungan ng lalaki si Heitor. Nang lumayo na ito at tumayo sa likuran namin, napatingin ako kay Heitor at di na naipakilala pa ang sarili. Ano kaya ang ibinulong ng lalaki? Mas lalo naman akong nagtaka nang tumayo si Heitor. Saan siya pupunta?! Ramdam ko ang pagkataranta. Iiwan niya ba ako dito? "Angel, I'm sorry I can't let you come with me. So stay and don't ever stand from this seat." Napakurap ako. Iiwan nga niya ako? "Don't worry my angel.. " Napaiwas ako ng tingin nang hinaplos niya ang kanang pisngi ko. "I will only take a short time and will be back. I will never abandon you here, angel. " "P.. Pero Heitor.. " Hindi ko alam pero hindi ko gusto ang umalis siya. Lalo pa at iiwan niya ako dito, sa napakaraming tao, at wala man lamang kakilala. Hindi ako sanay sa mga ganito. Natatakot ako. Nang unang pasok, hindi ko naman naramdaman ang pagkatakot, ngayon lang  sa kaalamang aalis si Heitor sa tabi ko. Pansin ko sa mukha ni Heitor na parang nagagalit ito, kaya naman tumango na lang ako. Pumayag kahit ayokong umalis siya at  napayuko. Ngunit napaangat din nang ang palad nitong nasa pisngi ko ay pumunta sa baba ko upang mapatingin sa kaniya. "Do you really want to go with me? " Kumislap ang mga mata ko at sunod sunod na tumango. Ngumiti siya sa akin at inakay ako patayo. At muli, ipinulupot na naman nito ang mga braso niya sa bewang ko. Hindi ako nagreklamo dahil sa hindi malamang dahilan, nagiging komportable na ako sa mga haplos at hawak niya. Sa kabila noo'y may parte din sa loob ko ang nakakaramdam ng seguridad habang hawak niya ako. Bakit kaya? ** *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* "Boss, nandito si Mr. Salvatierra. " Bulong ng tauhang lumapit kina Heitor at Ziche. Hindi napansin ng lahat ang bigla at madaling pagdilim ng mga mata ni Heitor nang marinig ang pangalan na iyon. Tumayo si Heitor mula sa pagkakaupo at tinignan ang anghel na nagtatakang nakatingin sa kaniya. "Angel, I'm sorry I can't let you come with me. So stay and don't ever stand from this seat." Kita ni Heitor ang pagbakas ng pagkataranta sa napakagandang mukha nito na may bahid paring pagtataka. Nagtatanong naman ang mga mata nito at parang nagmamakaawang huwag siyang iwan. "Don't worry my angel.. I will only take a short time and will be back. I will never abandon you here, angel. " Malumanay na hayag ni Heitor na siyang ikinagulat ng nakarinig. Malumanay na boses? Kailan ma'y hindi nila ito narinig na tininig ng lalaking ito. Hindi sila makapaniwala sa nakikitang panlalambot ng isang napakatigas na bato. Hindi nila inaakala na may makapagpapabago nito. Ang tanong, talaga bang nagbago na ito? Ang mas ikinagulat naman ng lahat, isa lamang ang dahilan ng kakaibang kinikilos ng demonyong ito, ang babaeng kasama nitong pumasok sa loob ng bulwagan na iyon. Ang babaeng hindi kailan man tinanggalan ng atensiyon at binitawan. Isang babae! Sino ba talaga ito? Anong ginawa nito upang mapaluhod nito ang demonyo sa mismong harapan. Nang makitang ngumiti si Heitor nang nagpasya itong dalhin si Ziche sa kung saan man sila pupunta, mas ikinagulat iyon ng lahat. Wala na bang katapusan ang panggugulat ng panginoon na ito sa kanila? Puno na sila ng pagtataka, tanong, gulat. Ito na siguro ang hindi nila makakalimutang pagtitipon nang masaksihan ang kauna unahang pagpapalagpas ng isang demonyo sa isang taong sumuway dito. Nang unang nagpasya si Heitor na iwan si Ziche, hindi nito napansin ang biglaang pananabik ng mga hayok na taong nakapalibot. Na parang mga lobong hinihintay lamang maiwan ng isang inang oso ang walang muwang nitong batang anak na oso upang doo'y lapain. Dahil sa kanilang isip, sa oras na maiwan mag isa ang babaeng ito, oras na mawala ito sa pagkakagapos sa kamay ng demonyo, hindi nila ito palalagpasin. Ngunit ang hindi inaakala ng lahat, nang makita ang pag-apila ng babae na magpaiwan, ay sinunod pa ito ng panginoon. Na para bang hindi nito kaya ang nakikitang nalulungkot ang babae sa kadahilanang iiwan niya. Na talagang nagbago ang isip nito! Paano? Bakit? Sa kanilang pagkakakilala kay Heitor Zacarias, kailan ma'y hindi nagbabago ang isip nito, hindi nababago ang mga naging desisyon, hindi nagbago ang sinasabi. Ngunit sa isang pagyuko lang ng anghel, sa isang takot at lungkot na makikita sa mga mata nito, hindi na nag atubili pa ang lalaki na sundin ang kagustuhan nitong sumama, mawala lamang ang takot at lungkot na iyon. Walang makapaniwala. Walang makapagsagot sa mga tanong. Hindi na talaga nila alam ang nangyayari sa lalaking binansagan nilang tunay na isang demonyo, ngunit sa harap ng isang babaeng may malaanghel na kagandahan, parang nagpapanggap din itong anghel. Samantala, ang kanina pang hindi nag iimikang pamilya, ang Ovledo. Hindi na nila pa namalayang nakalimutan na nila ang tanging rason kung bakit sila nandito. Ang naging dahilan ng sapilitang pagpunta nila sa pagtitipon na ito. Na kahit hindi sila imbitado ay pumunta parin kahit wala naman talagang kakilala. Sa simula ng pagpasok nina Heitor at Ziche, ito lamang ang pinagmasdan ng tatlo, binabantayan bawat kilos, lalong lalo na si Ziche. Nang masaksihan naman ang brutal na pagpatay ni Heitor sa isang babae na uminsulto kay Ziche, hindi mapigilang matakot ng ina't ama ngunit hindi ni Sera. Hindi siya natakot o kinabahan man sa ginawa na iyon ni Heitor. Hindi siya nagulat, bagkus ay mas humanga ito sa tagapagligtas. Kaya naman napagpasyahan ng babaeng ito na gawin ang lahat. Lahat upang makuha ang lalaking nagligtas sa kaniya noong sampung taong gulang pa lamang siya. Lahat upang makilala nito kung sino siya. Lahat upang mapaalis sa tabi nito ang nagiisang taong gustong gusto talaga niyang mawala na sa mundong ito. 'Heitor Zacarias, that time when you saved my life, you are already mine.' At ngayo'y nakikita ni Sera ang lalaki na muling ipinulupot ang bisig sa katawan ng babae, bumalik ang galit niya. Nakita niya kung paano nginitian ni Heitor si Ziche at maingat na inilalayan. Naglakad ang dalawang ito muli sa gitna ng bulwagan ngunit ngayo'y patungo sa labas. Agad na bumaling ang tingin ni Sera sa ina't ama. "Mom, dad, I need to follow them. " Gulat na tinignan ni Herra ang anak, nasa isip parin kung paano pinatay ni Heitor ang isang babae kanina. "Anak.. Princess.. Hindi ka ba natakot sa ginawa ni Mr. Heitor kanina? " Nagaalalang tanong ni Simoun. Napataas lamang ang kilay ni Sera. Bakit naman siya matatakot? "Dad, diba sinabi ko na sa inyong iniligtas niya ako? Bakit ako matatakot? Saka tama lang naman iyon sa babaeng pinatay niya dahil nilalandi niya si Heitor! At di magtatagal, gagawin niya rin iyon kay Ziche." Nakangising tugon niya at tumayo na upang masundan ang dalawa. 'Mas mabuti nga iyon, kung magiging akin siya, walang magtatangkang aapi sa akin, dahil ililigtas niya ako. Papatayin niya kung sino man ang manakit sa akin. At iyong Ziche na iyon? Ipapapatay ko siya mismong kay Heitor, my knight in shining armour.' May panunuya sa mata si Sera habang hindi nawawala ang buong atensyon sa dalawang palabas na. ** "Umm.. Saan ka nga pala pupunta Heitor? " Naguluhan si Ziche nang mapansing papalabas sila sa bulwagan. Nang makalabas, sumalubong sa kanila ang napakaseryosong si Lior. Ngunit nang makita si Ziche, nagtataka itong tumingin kay Heitor. Nagulat naman si Ziche nang bigla ay lumitaw ang tatlong lalaking kasama na nandodoon sa mesa, sina Eetu, Cassias at Ikel. Nang bigla, ang elevator na nasa tapat lamang ng napakalaking pintuan ng bulwagan, ang elevator na nagsasalita, bumakas ito at iniluwa ang dalawang magagandang babae na may suot na eleganteng damit. "Kelly? Janne? Anong ginagawa niyo rito? " Rinig ni Ziche na tanong ng isa sa mga tatlong lalaki, si Eetu. "Heh! Kabwisit ka! Nagpaparty pala si boss Heitor, di mo man lang kami sinabihan! Putulin ko yang maliit mong pototoy eh!" Napangiwi naman si Eetu sa sinabi ng babaeng ito na si Kelly. "Yan tuloy, di namin nakita kung pano pinatay ni boss Heitor yung Kate-ngkateng puta na yun! Grr! Buti nga't namatay yun! BWAHAHA..." Pagpapatuloy pa nito sa pagsasalita at napatigil lang nang marinig ang mahinang pagsinghap. Dahil nasa likuran ng tatlo sina Heitor at Ziche, hindi kaagad napansin ng mga bagong dating na babae ang isa pang babae na hawak hawak ng kanilang boss. Nang maaninag ang dalawa at ang pandidilim ng mukha ng boss, nanlalaki ang mata ng dalawang babae. Habang si Eetu naman ay napangisi. "Run." Bulong ni Kelly na akmang tatalikod sana paalis at deretso sa napakalaking pinto nang maramdaman ang isang kamay na humawak sa braso niya upang di makatakas, nang makita kung sino yun, napairap siya. "Napakatraydor mo Janne!" Samantala, bakas naman ang pagtataka sa napakagandang mukha ni Ziche. Ang paningin nito'y pabalik balik sa babaeng nagsasabing may pinatay si Heitor at kay Heitor na wala namang emosyon ang mukha at hindi nagsasalita. 'May pinatay siyang babae? Kate-ngkate? '(pronounce as keytengkeyte) Parang bigla atang nanlamig si Ziche nang maalala ang nangyari kanina nang paalisin siya ng isang babae, na si Kate, ang pagtakip ni Heitor sa mga mata niya sa kawalang kadahilanan, at nang kunin nito ang pagkakatakip, siya namang pagkawala ni Kate. Nagdikit ang dalawa niyang kilay at nagparte ang nagsisimula ng manginig na labi. Nanatili na ang tingin kay Heitor, gusto niyang magsalita ito. Ano ang sinasabi ng babae? Anong pagpatay? Parang sa naiisip na pinatay nga ni Heitor si Kate nang takpan nito ng mata niya, ang pagkakapulupot ng mga braso ni Heitor sa bewang niya'y naghahatid na ngayon ng init na nakakapaso. Napapaso siya. Gusto niyang tanggalin ito. Gusto niyang lumayo dito. Natatakot siya. "U.. U.. Umm.. Mr. Heitor, s...sa loob.. babalik nalang po ako sa loob ng bulwagan.. H.. Hihintayin ko na lamang kayo.. " Sa kagustuhang makalayo kaagad, hindi na naisip ni Ziche na hindi na pala niya nahintay kung pumayag ba ito o hindi at siya na mismo ang nagtanggal ng mga braso nito sa bewang niya. Nang matanggal, ramdam ni Ziche na nanginginig na pala ang dalawang tuhod niya ngunit pinilit ang sarili na hindi ito ipahalata sa kanila. Tumalikod siya at dali daling naglakad pabalik sa napakalaking pinto upang pumasok na muli. Si Heitor nama'y nakatitig sa kawalan, hindi mabasa ang walang emosyong mukha, nandidilim ang mata at lumalakas ang pwersa ng awrang bumabalot dito. Sa nakikita'y parang mas gusto pang magpakamatay ni Kelly kay sa ang mamatay sa kamay ng among ito ngayon. Iniisip niyang talagang katapusan na niya ito. "Janne, tulungan mo ko.. " Ngunit hindi tumugon ang kasamang dumating na babae, ni hindi siya nito tinignan at mas hinigpitan lamang ang pagkakahawak sa braso niya. Ang tatlong lalaki nama'y napangisi lang habang pinagmamasdan ang kaawa awang babae na alam nilang hindi palalagpasin ng boss nila. 's**t naman! Pag ako nakaligtas, iisa isahin ko tong mga gagong to! T*ngna naman kasing bibig to!' Laking pasasalamat lamang ni Kelly nang bigla ay tumunog ang telepono ni Lior. Nang sagutin, agad na napatingin ito sa gawi ni Heitor. "Boss, kumikilos na sila. " Matapos marinig ng lahat, isa isang nagpalabas ng mga dala dalang baril ang mga kalalakihan. Samantalang ang dalawang babae'y sumabik ang paningin. Alam nilang may magaganap na naman na aksiyon na siya naman talagang kinasasabikan nila dahil matagal, tagal narin mula ng makaranas sila ng matinding bakbakan. Ngunit nang tangkang bubunutin din ang baril na nasa loob ng suot na damit, sa hita kung saan nila ito tinali doon, pinigilan naman sila ni Ikel. "At anong iniisip niyong dalawa? Sa tingin niyo sa ginawa niyong problema, di kayo mapaparusahan? " Ani nito habang ang paningin ay kay Kelly. Umasim naman ang mukha ni Janne na hindi talaga nagsasalita, nagsasalita lang kapag gusto niya. Napatingin ang dalawang babae sa boss ngunit malamig na titig lamang ang nakuha nila mula dito. Nang makitang nagsimula na itong naglakad papunta sa elevator na nasa likuran nila, kaagad silang humawi at yumuko. "Keep an eye to my angel and I'll spare your life just this once. " Bago pa tuluyang makapasok sa nakabukas ng elevator, huminto ito sa saktong gilid kung saan nakatayo si Kelly at malamig na isinambit ang mga katagang iyon. "Both of you." "Y.. Yes boss! " ** Sa loob ng bulwagan nang makitang aalis ang dalawa, sina Ziche at Heitor palabas, nagpasiya si Sera na sundan ang mga ito. Ngunit hindi pa man nakakalayo, tinawag siya ng ama, may pagaalinlangan kung hahayaan na lamang ba ang anak sa gusto nito. Pero dahil sa lubos na naapektuhan ang isip nila sa ginawa ng lalaking gustong makuha ng kanilang prinsesa, parang nagdadalawang isip sila na ituloy ang plano. "Dad!? Don't worry okay?! Hindi nga ako sasaktan ni Heitor! Iniligtas niya ako! " Pagpipilit pa rin ni Sera. Ngunit pursigido naman ang ama na pigilan ito. "Sera, baby.. Nakita mo ba kung anong ginawa ni Heitor? Kung ano ang dahilan bakit niya nagawa iyon? Baby.. P.. Parang may relasyon si Ziche kay He.." "Mom, shut the f*ck up!! " Pagtigil ni Sera sa sasabihin ng ina. Ayaw niyang tapusin ang sinasabi nito. Ayaw niyang marinig ang kalokohang sasabihin nito. Imposeble! Relasyon!? 'Hah! Oo, relasyon kung saan, ginagamit lang ni Heitor ang babaeng yun! Dahil maganda si Ziche at katawan lang ang habol ni Heitor sa kaniya!! ' Napatakip sa bibig si Herra nang di inaasahang marinig ang mura ng inosente nilang anak. Ang napakabait nilang prinsesa. "Sera, watch your words! You are already disrespecting us! " "But dad! Wala silang relasyon! And I'm so sure right now, they are going to a place where they can f*ck each other. Where, Heitor can release his lust towards that slut!  Lust! Lust mom, dad! Heitor only feels lust for her.." Nanlalaki ang mga mata ni Simoun sa narinig. Saan ito natutunan ng kaniyang prinsesa? Paano niya nalaman ang mga ganitong bagay? Hindi siya makapaniwala dahil ang pagkakalilala niya rito'y napakainosente nito. Walang alam sa mga ganito, mabait. "Sera, saan mo yan natutunan? " Noon naman, napagtanto lang ni Sera ang pinagsasabi. Dahil sa nararamdamang galit, hindi na niya namalayan pa ang sinasabi. "D.. Dad.. " "Sera, sino ang nagturo sa iyo niyan?! " Mula sa pagkakaupo parin sa mesa, tumayo si Simoun at hinalbot ng may pagkamarahas ang braso ng anak. Hindi niya matanggap na sa batang edad nito, may alam na ito sa mga bagay na hindi pa dapat malaman ng mga katulad niya. "Simoun.." Napatayo rin si Herra nang makita ang galit na asawa at natatakot na anak. "D.. Dad.. I.. It's not me.. N.. Natutunan ko lang naman iyon kay..kay Ziche." Sa narinig, kumunot ang noo ni Simoun. Sa inaanak niya? Kay Ziche? "Yes! Yun nga dad. Kay Ziche ko ito narinig at nalaman. Eh siya lang naman ang palagi kong kasama diba? Saka alam ko rin po ang mga sikreto ng babaeng iyon, kung sino sinong lalaki po sa school ang sinasamahan niya at minsan ay naiiwan po ako. Kaya nga po mas nauuna akong makauwi kaysa sa kaniya. Dad, she taught me all of those. Everything she have done with those boys! She's a total slut!" Mas lalong nangunot ang pagmumukha ng ama habang ang ina'y nanggagalaiti na sa galit nang marinig ang lahat ng sinasabi ng anak. Ang dahilan kung bakit naging bulgar ang inosente at napakabait nilang prinsesa. Samantala, sa loob loob ni Sera, hindi niya mapigilang mapatawa. 'Yes mom, dad. Isa ngang malandi ang inaanak niyo. Maniwala kayo. At hindi magtatagal, lahat ng nakakakilala kay Ziche ay mapapaniwala ko rin. Oo.. Totoo iyon, iyon ang totoo..' Kumbinsi nito sa sarili. Sa totoo'y ang gusto ni Sera ay mawala ang paniniwala ng lahat na ang Ziche na iyon ay isang puro, inosente, mabait, maganda, matalino. Gusto niyang sirain ang pagkatao nito. Gusto niyang durugin ito. Upang mapaniwala ang magulang, inihayag nito ang mga panahong mas nauuna siyang umuwi kay sa kay Ziche upang masagi sa isip ng mga ito na naglalakwatsa lang si Ziche. Na siya ang masunurin at mabait sa dalawa sa kanila. Na ang totoo'y iniiwan niya ito at sinasabi sa sundo nilang dalawa na may pupuntahan si Ziche at mauna na lamang na iuwi siya. Na hayaan na lamang si Ziche dahil uuwi lamang ito ng mag isa. Na sa mga panahong iyon, walang alam si Ziche sa mga kasamaan ng tinuring na niyang kapatid na ito. Nabitawan ni Simoun ang anak. Hindi makapaniwalang ganoon pala ang tunay na kulay ng inaanak. Na nagpapanggap lang pala ang Ziche na iyon at umaarteng siyang inosente! Napailing na lamang ang ama dahil hindi talaga ito makapaniwala na napaniwala siya sa malaanghel na pagmumukha ng inaanak. "Wait, is that the girl who was with Lord Heitor? " Aangal pa sana si Simoun, magsasalita ng reaksiyon sa nalaman nang marinig naman ang isang babae na nasa hindi lamang kalayuan sa kanilang puwesto. Napatingin sila sa babae na nakatingin naman sa bagong pasok na si Ziche. Sinundan ng Ovledo ang tingin na ito at doo'y kita ang taong pinag uusapan lamang nila. "Hey, don't ever think of touching her dude. She's already one of the boss' possessions. " "No girl, we should just leave that b***h alone. I don't want to die yet ok? " Ang mga pagbubulong bulungan ng mga taong nakakitang mag isa lamang si Ziche. Sa takot na baka matulad sa babaeng kanina na walang pagdadalawang isip na pinatay ng panginoon ay hindi na sila naglakas loob na puntahan o galawin pa ang anghel ng demonyo. Ngunit hindi ang Ovledo. Nagtinginan ang tatlo matapos makita ang babae na tumakbo sa isang pasilyo. Napangisi si Sera. 'Gotcha! ' "That slut! " Sa hindi parin humuhupas na galit, si Simoun ay siyang nangunang naglakad upang sundan ang babaeng nagturo ng kabulastugan sa walang muwang na prinsesa niya. Sa babaeng akala niya'y anghel, yun pala'y alagad ng dakilang linta! Kung sino sinong lalaki ang dinidikitan! At ngayo'y nakadikit naman ito kay Heitor Zacarias. Ibang klase rin talaga ang kalandian at nakuha pa ng atensiyong ng kilala at dakilang Lord Heitor. Mula sa mataong bulwagan, walang nakapansin sa Olvedo nang puntahan din nito ang pasilyo na pinuntahan ni Ziche.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD