CHAPTER 5

3133 Words
ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 5 *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* Hindi nga makapaniwala ang halos lahat ng dumalo. Ito'y sapagkat nakita nila kung paano tratuhin ng lalaking binansagang walang puso, demonyo, ang babaeng kasama nito na may pagkabanayad at ingat. Na para bang isa itong diyamanteng ayaw niyang mabasag at makuha ng iba sa higpit ng pagkakapulupot ng mga braso nito sa maliit at balingkinitang katawan ng babae na hindi natanggal simula nang makapasok sa bulwagang iyon. Nagtataka sila kung ano ang tunay nilang relasyon. Dahil hindi ganito kung ituring ni Heitor ang mga babaeng nagugustuhan nitong ikama. Alam nila ito nang minsang masaksihan ang kadalasan sa mga naging babae na dinadala niya sa mga ganitong okasyon ay hinahayaan lamang niya kahit dinudumog na ito ng ibang babaeng nagkakandarapa sa kaniya. Kahit ang mga lalaking gustong makaganti sa kaniya na siyang iniisip na kapag kanilang ginalaw ang babaeng nakasama noon ni Heitor ay maaapektuhan nito ang demonyo ay wala parin siyang pake kahit pa patayain, dumugin o gahasain ang babaeng iyon. Ngunit ang mas hindi talaga makapaniwala at sobrang naguguluhan, ang Ovledo. Lalong lalo na si Sera Ovledo. "H..Honey.. Si Ziche ba yan? " Nanlalaking mata na tanong ni Herra Ovledo. Ang asawa ng ninong ni Ziche at ina ni Sera. Hindi naman makaimik sa pagkabigla si Simoun. Paanong nandidito ang inaanak niya? Paanong kasama nito ang isang Heitor Zacarias? Sa inaakalang paggamit sa dalaga bilang pambayad utang, inaasahan na nila na hindi na nila ito makikita pang muli o diba ay mamamatay ito ng hindi nila alam, at kahit gano'y wala sila at hindi sila magbibigay ng pakialam. Sa totoo'y walang alam si Simoun. Wala siyang kaalaman na ang pinagkakautangan ay lalaking sinadya nila sa pagtitipon na iyon. Wala siyang karunungan na sa lalaking ito, kay Heitor Zacarias niya ibinayad si Ziche na siyang pumalit na dapat ay ang anak niyang si Sera. Kaya ngayo'y litong lito siya. Napakaraming tanong at hindi mawala walang pagkagulat habang pinagmamasdan niya ang dalawa na naglalakad sa gitna ng bulwagan. (Yung time na wala pa sila sa table) Samantala, hindi magawang maproseso ni Sera ang nangyayari, ang nakikita. Talagang nang magsimula ang pagtitipon, hindi nawala ang mga mata niya sa napakalaking pintuan na bukas. Sabik siya na makita ang lalaking kay tagal na niyang hinahangad. Lalaking sinasadya. At nang bumukas na nga ito at nasilayan ang mukhang kahit dumaan ang ilang taon, ay hindi niya makakalimutan. Kahit malayo ang agwat ng distansiya ng nakalaang mesa sa pinto ay kita parin niya ang katibayan na ito nga, si Heitor Zacarias ang siyang nagligtas sa kaniya noon. Ang isang di kapansin pansin na pilat sa kaliwa nitong makapal at may perpektong arkong kilay. Iyon ang talagang tinandaan niya upang hindi makalimutan ang lalaking naging knight in shining armor niya. (pweh) Sa kasabikang makita, hindi nito nakita at nakilala ang kasamang babae nung una pero nang rumihestro ang pamilyar na magandang pagmumukha ng babaeng iyon, halos sumayad sa sahig ang pangibabang bibig ni Sera. Tumibok ng napakalakas at bilis ang puso niya nang ibinaling ang buong atensiyon sa babaeng kumikinang at pinupulupot ng brasong pagmamay ari ng lalaking dapat ay sa kaniya. Iniinspeksiyon niya kung talagang ang babaeng ito ay ang siya talagang nasa isip niya. Pilit naghahanap ng magpapatunay na hindi siya ito. Hindi ito ang babaeng kinasusuklaman! Hindi ito si Ziche Vides! Pero siya ito. Ang nasa bisig ng tagapagligtas niya ay walang iba kundi si Ziche. Ang inaanak ng daddy niya. Ang pinambayad utang ng pamilya niya. Hindi makapaniwala si Sera at wala sa sariling napailing ng paulit ulit. "D.. Daddy.. D.. Daddy.. S.. Sino iyang kasama ni Heitor?" Nanginginig ang boses na tanong nito sa ama ngunit kailan ma'y hindi natanggal ang paningin sa dalawa na ngayo'y kausap noon si Lior, lalong lalo na sa babae. "Princess.. " "Daddy bakit parang kamukha siya ni Ziche? Daddy diba ibinigay mo na ang baabeng yun sa organisasyong pinagkakautangan mo? Diba daddy dapat ay miserable na siya ngayon? D.. Daddy bakit magkasama sila ni Heitor?" Sa kaguluhan ng isip, hindi na alam ni Sera ang pinagsasabi. Hindi talaga matanggap ng utak niya na si Ziche ang nakikita niyang babae na kasama ngayon ni Heitor. "Baby.. Anak.. H.. Hindi rin alam ni daddy mo. Hindi namin alam kung bakit. Naguguluhan din kami.." Malamyos ang boses na pagpapaliwanag ng ina. Alam niyang ito ang lubos na naapektuhan sa nakita at umuusbong ang galit sa loob niya nang makita napakaganda at inosenteng mukha ng anak na walang wala. Iyong hindi alam kung ano ang mararamdaman, anong ipapakitang emosyon. Iyon nga ang nararamdaman ni Sera. Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayon. Hindi siya makapaniwala, nagagalak siya, nasasabik siya, nagagalit siya, nalulungkot siya, nagtataka, naiinggit. Hindi niya alam kung alin doon ang mas matimbang. Pero nang makita ang pagngiti ng mukha ni Ziche sa pagpapakilala nito kay Mr. Acumin na pagpapakilala ng daddy niya ay kaibigan nito, nadagdagan ang galit na nadarama niya. Kung kaya't nangunguna na sa loob niya ang galit. Galit na makitang muli ang pagmumukha ng Ziche Vides na ito! Galit na nagpapasikat na naman ito! Galit na natambangan na naman siya nito! Lalong lalo na, galit na galit siya dahil kasama nito ng lalaking matagal na niyang gustong makitang muli at makilala. 'Ziche! Anong ginawa mo?! Bakit mo kasama ang lalaking dapat ay akin?! Paano ka nakatakas sa organisasyon?! ' Sa isip nito. 'Hahaha! Sigurado akong ginamit mo ang katawan at mukha mo. Sigurado akong simula nung pinambayad ka namin, marami ng tumikim sa iyo dahil iyon naman talaga ang nararapat sa isang katulad mo! Kung ganon, magpakasaya ka muna ngayon na ginagamit ka din ni Heitor pamparaos. Dahil hindi magtatagal, itatapon ka rin niya! At sisiguraduin kong sa pagkakataong iyon, hindi na mag kukrus pa ang landas natin dahil ako ang magiging prinsesa ni Heitor Zacarias. Dahil iniligtas niya ako. Hindi niya ako nakalimutan. Kilala niya ako. You're only one of his whores Ziche Vides!!' ** Sa mesang kinabibilangan ng siyam na taong kasamahan ni Heitor sa pagpapatakbo ng kompanya at organisasyon, isa dito si Mr. Ventura kung saan, kasama rin ang apong si Kate Ventura. Ngayon ay natatakot si Mr. Ventura sa kung ano ang gagawin ni Mr. Heitor sa ipinapakitang akto ng apo niya. Gusto niyang awatin ang babaeng apo ngunit dahil nasanay ang apong ito na magawa ang gusto, napakatigas na ng ulo nito at hindi na nakikinig. Alam niya ang hindi mamatay matay na pagpapantasya ni Kate sa boss nilang si Heitor Zacarias. Ito'y sapagkat, pinipilit siya ng apo na isama niya ito sa kompanya upang makita lamang ang amo. Pinabayaan niya ito dahil alam din niya ang gandang angkin ng apo. Na dahil sa gandang ito, napakaraming mayayamang lalaki na rin ang siyang napaikot. Hindi na siya magtataka kung pati ang kanilang boss ay mahumaling sa apo niyang si Kate. Mas mabuti nga iyon. Kung makukuha nga ni Kate ang puso ng demonyong ito, mapapadali na ang plano niyang makuha ang kapangyarihan ng taong ito, ang posisyon nito sa kompanya at organisasyon. Kapag nangyaring mapaikot ito sa kamay ng kaniyang apo, sisiguraduin niyang siya ang papalit dito. Sa pag iisip na iyon, nawala ang pagkatakot ni Mr. Ventura. May pananalig siya kay Kate. Makukuha ng apo niya ang atensiyon ng demonyo. Lumipas ang ilang segundong pananahimik nang sabihan ni Kate si Heitor na paalisin ang babaeng umupo sa upuang itinabi niya upang maupuan ng Lord Heitor, si Ziche. Tahimik lang naman ang panginoon. Pansin ng ibang taong nasa mesa, partikular na ang tatlong lalaking hindi nalalayo sa edad ni Heitor, ang kakaibang pananahimik nito. Ang natural na walang emosyong mukha nito'y may kakaibang ipinapahiwatig. Hindi mababasa ang mga mata nito at parang sa pananahimik, ay bigla bigla itong aatake. Ang tatlong lalaking iyon ay sina Eetu Ciervo, Cassiass Demara at Ikel Leano. Tatlo sa mga namumuno at namamahala sa iba't ibang transaksyong nagaganap sa organisasyon. At sa puntong ito, alam nilang may hindi magandang mangyayari. Hindi man magaganap sa mismong pagtitipon na ito, ramdam nila na hindi palalampasin ng boss ang mga taong hindi niya nagustuhan ang kinikilos. Nagtinginan ang tatlo dahil bukod na magkakatrabaho ay magkakaibigan din. "Out. " Mula sa kawalan na biglang sambit ni Heitor habang walang emosyon ang mga matang nakatingin kay Kate. "W... What? " Hindi nito inulit ang sinabi bagkos ay tumingin kay Ziche na naguguluhan sa nangyayari. Yumuko si Heitor mula sa pagkakatayo at sa harap ng siyam na taong nasa mesa, sa harap ng mga taong dumalo sa pagtitipon, hinalikan ni Heitor si Ziche ng mahina at maingat. Hinalikan niya ang isang babae sa napakaraming tao! Ito ang kaunaunahang nakita nila ang lalaking ito na walang pakialam sa kung sino mang mga babae, walang pakialam sa kung sino mang tao, kaunaunahang nakita ang bahaging ito ng kilalang demonyo sa mundo man ng negosyo o underground. Samantala, maraming nagulantang. Si Kate na napanganga, ang lolo nitong si Mr. Ventura na mas pumangit ang kulubot na pagmumukha, at ang pamilyang Ovledo na hindi mapinta pinta ang naging reaksiyon ng kanilang mga mukha. Si Ziche naman na siyang gulat na gulat at hiyang hiya sa ginawa ni Heitor. Gusto niyang itulak ito nang maalala na kanina lamang nang makarating sila sa parking lot nito, ay halos mamatay siya sa halik ng lalaking ito dahil sa hindi makahinga. 'Dito na ba niya itutuloy ang pagpatay sa akin? ' Natanong niya sa isip sa pagaakala parin na ganito pumatay ng babae si Heitor. Ngunit laking pasasalamat na lamang ni Ziche nang tigilan ni Heitor ang paghalik sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag nang bigla nama'y naramdaman ang braso ng lalaki na pumulupot sa ulo niya sa may bandang mga mata, tinatakpan ang kaniyang paningin. Nagparte ang mga labi ni Ziche dahil sa pagtataka kung bakit tinatakpan ni Heitor ang mga mata niya. Habang walang nakikita, si Heitor na bumalik sa pagkakatayo ng matuwid ay malamig na tuminging muli kay Kate. Para namang biglang binuhusan ng napakalamig na tubig ang babae nang maramdaman ang malamig na pagtitig ni Heitor. Nanigas ang katawan niya sa lamig na iyon at nanginig ang tuhod. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito, sa nangyayari ngayon. Paanong may lalaking bumalewala sa kaniya?! Paanong hindi siya pinansin ni Heitor?! At bakit nito hinalikan ang babaeng ito na hindi parin niya alam ang pangalan?! Sa naramdamang panlalamig, paninigas, iwinaksi iyon ni Kate at hindi siya nagpatinag. 'Hindi! Hindi ako susuko! Ano naman kung hinalikan niya ang babaeng ito sa harap ng lahat? It doesn't mean that he really like this slut! He is Heitor Zacarias! No one can tame the demon inside him! Only me. ONLY ME! ' Hiyaw ng babae sa loob nito at muli, bumalik ang malanding ngiti nito na parang inaakit lahat ng lalaking nandoon. Ang tatlong sina Eetu, Cassiass at Ikel ay halos masampal ang isa't isa sa nakikitang walang kahiyaang mukha ng babaeng nagngangalang Kate. "Like grandfather like grandaughter." Bulong ni Ikel na nakaani ng siko mula kay Cassiass na nasa kaliwang bahagi niya. "Idiot. Look who's in your right side. " Napataas ang isang kilay ni Ikel at napatingin nga sa kanang bahagi niya. "Oops. Hi Mr. Ventura. You have a really beautiful and fiesty grandaughter here, eh? " May ngiting hilaw na pagbati ni Ikel. Hindi alam na katabi lang pala ang tinutukoy niya sa binulong. "Mr. Heitor, why are you even kissing that trash? If you really want a kiss, you..can..have..me.. " Ang ibang tao'y humahanga sa ipinapakitang lakas ng loob ng babaeng ito habang ang iba'y may pagnanasa ang pagtingin dito dahil talaga namang napakalandi ang ipinapakitang asta ng babae, sa ngiti, sa tingin at sa paraan nito kung paano ilantad ang napakalaki nitong dibdib mula sa suot na may malalim na hiwa sa gitna kaya't kitang kita ang dibdib. Ang mga babae namay naririndi dito dahil hindi nila matanggap na nilalandi ng malanding ito ang panginoong Heitor nila. Tama ng may isang babaeng humalik sa lalaki, na siyang ang lalaki talaga ang humalik ayaw lang nilang aminin, hindi na nila matanggap pa na may isa pang babae ang aagaw sa lalaking pinagpapantasyahan nila. Ngunit lingid sa lahat ang gagawin ni Heitor sa babae. Alam nilang walang sinasanto ang lalaki ngunit hindi nila alam na ang pagka demonyo nito'y talagang umabot na sa sukdulan! Napakabilis ng pangyayari. Hindi inaasahan at nagulantang ang lahat. Tinakpan ng braso ni Heitor ang mga mata ng nakaupong anghel at gamit ang isa pang malayang kamay, mabilis na hinakbit niya ang malanding babae. Inalis niya ito sa pagkakaupo at itinapon pasalampak sa sahig. Hindi pa man nakakapagreak si Kate, hindi pa man ito nakakapagsalita upang umapila, tuluyan na itong napasalampak sa sahig habang dilat ang mga mata, umaagos ang dugo. Hindi namalayan ng lahat ang pagkuha ng baril ni Heitor na may saylenser sa dulo kung kaya't walang narinig na putok. Ngunit kita nila ang pagbarili nito sa mismong bibig ng babae at sa huli binaril din ang ulo nito, mismong sa gitna ng noo. 'You have a very filty mouth and useless brain, why not shoot it? ' ** Samantala, habang tahimik at hindi umiimik ang lahat, na siyang ipinagtataka ni Ziche na hanggang ngayo'y wala paring nakikita dahil sa nakatakip na braso sa kaniyang mga mata. Sa gitna ng katahimikan, biglang narinig ng lahat ang malambing, malumanay at puno ng kainosentehang boses. "H.. Heitor? " Boses ni Ziche. Sa kabilang banda naman, sa isang iglap lang ay nawala na ang patay na basura na nasa sahig lamang, si Kate, nang agarang niligpit ng mga tauhan ni Heitor ang bangkay nito. Napakabilis ng pagkilos ng mga lalaking ito at minuto lang, parang walang bakas na bumalik sa dati ang sahig na kanina'y may bahid ng dugo. Nang bumalik sa dati ang lahat, tinanggal na ni Heitor ang pagkakatakip ng kamay sa  napakagandang mata ng anghel niya at saka umupo sa kanina lang ay inupuan ng nabubuhay pang si Kate. Nang muling makakita, si Ziche, kaagad na nagtatanong niyang tinignan ang nakaupo sa tabi niyang si Heitor. "Umm.. Nasaan na yung babae diyan kanina? " "She went to hell." Nangunot ang noo ni Ziche. "Huh? " Ngunit hindi siya sinagot ni Heitor bagkos ay iniusog ng lalaki ang upuan nito palapit sa upuan niya upang magdikit sila. "Angel.. I won't let anyone who tried to harm you slip away without going through hell. I will protect you." Sa pagkakasabing iyon, sa hindi kalayuan sa pwesto ng magkadikit na anghel at demonyo, nakatayo ang namumutlang matanda matapos masaksihan ang karumaldumal at marahas na ginawa ni Heitor sa babaeng apo ng isa sa mga tanyag na pinuno, si Mr. Ventura. Naalala niya kung ano ang pinagsasalita niya kanina nang salubungin ang dalawang ito, sa babaeng kasama. Naalala niyang katulad ng pinatay na si Kate, ininsulto niya rin si Ziche. May kakaibang nararamdaman si Mr. Acumin. Sa nakita, alam na niyang hindi lang basta bastang babae si Ziche Vides sa buhay ng Heitor Zacarias na ito. Alam niyang pag aari na ng demonyo ang angel na ito. At kakaibang pagkabrutal kung tratuhin ni Heitor ang kung sino mang nagbabanta sa mga bagay na pag aari niya, at ngayo'y isang tao. Wala ng sinayang na oras pa si Mr. Acumin. Habang gulantang parin ang lahat, sinigurado niyang walang nakakaalam nang dahan dahan niyang pag karipas sa bulwagang iyon patungo sa napakalaking pinto upang makatakas. Ayaw pa niyang mamatay. Nang makalabas, laking pagpapasalamat ni Mr. Acumin na parang nawalan ng tinik ang lalamunan niya dahil ligtas na siya. Ngunit nang maglakad patungo sa elevator, pinigilan siya ng dalawang lalaki na marahas na hinawakan ang magkabilang braso ng matanda. "W.. What.. Who are you?! What the hell are you doing?! Releas me this instant or else..!! " Pagpipilit na pagpupumiglas ni Mr. Acumin. "Hello Mr. Acumin." Nang bigla ay lumitaw sa harapan ni Mr. Acumin si Lior. "Y.. You.. " "Do you think Lord Heitor would really leave you alone to escape?" Hindi na nakasagot pa si Mr. Acumin nang maramdaman ang biglang isang malakas na pwersa sa likod ng ulo niya, dahilan kung bakit ngayo'y wala na siyang ulirat. "Alam niyo na ang gagawin niyo sa kaniya. " "Yes Sir Lior! " Ang dating may mapaglarong ngising mukha ni Lior, ngayo'y di kakikitaan ng emosyon. 'Tsk tsk tsk, Lord Heitor Zacarias.. Akala ko pa naman may magbabago ngayong may anghel na sa tabi mo. Tunay ka nga talagang demonyo! ' Sa isip nito at parang walang nangyari na bumalik sa loob ng pagtitipon. Balik sa mesa, lahat ng atensiyon ng dumalo ay nandodoon, di nakita ni Ziche ang pag senyas ni Heitor sa isa sa mga naghanda ng kasiyahan na ipagpatuloy ang lahat. Kaya't parang walang nasaksihan, bumalik sa kaniya kaniyang ginagawa ang lahat ng dumalo. Hindi na sila nagreklamo pa dahil ganito talaga ang pagkakakilala nila sa lalaking nagngangalang Heitor Zacarias. Habang ang lolo ni Kate, sa inuupua'y nakayuko ito. Nakatikom ang dalawang kamao at nanlilisik ang mga mata. Ang apo.. Ang napakagandan niyang apo.. Ang pinakamamahal na apo.. Wala na ito.. Pinatay ito.. Ngunit wala siyang magawa dahil wala siyang karapatan. Sa bokabularyo ni Heitor Zacarias, walang nakapaskil na awa dito, walang patawad. Ang kung sino man ang nagkamali, kung sino ang hindi nagustuhan, kung sino ang sumuway, papatayin. Walang paliligtasin. Kaya't hinayaan ni Mr. Ventura ang nangyari. Siya ang nagpalagpas. Siya ang nagtiis. Pinigilan niya ang sariling madala ng emosyon, ng galit. Si Kate Ventura ay ang nagiisang paboritong apo. Bukod sa maganda ay may angkin rin itong talino at talento. Kaya't ipinagyayabang niya ito at ipinagmamalaki. At ngayo'y hindi niya matanggap ang kinahantungan ng maganda niyang apo. Namatay ito sa brutal at nakakahiyang paraan. Pinatay ito sa walang saysay na dahilan! Nang muling inangat ng matanda ang ulo, walang emosyon ang mga mata nito. Hindi mabasa basa ang mukha. Tinignan nito si Heitor. "My Lord Heitor Zacarias. I am very sorry for the inconvenience caused by my grandaughter. It's my fault for spoiling the girl that I am now unable to restrain her. I am thankful that I will not dwell with her anymore and she deserved what she got. " May pagpapaumanhing ngiti sa labi ng matanda habang sinasabi iyon. Hindi siya tinignan ng panginoon bagkos ay hindi naalis ang paningin at atensiyon ng pumatay sa apo niya kay Ziche. Kaya't napunta kay Ziche ang paningin ni Mr. Ventura. 'This b***h!! It's all her fault! She is the reason why the Lord killed my grandaughter! I will avenge my beautiful princess.. My Kate.. I will kill this b***h!! ' Sa labas ay may ngiti ang matanda, ngunit sa kaloob looban nito, umaapaw ang kapangitan ng pagkatao nito. Kinakain ng sabik sa pagpatay kay Ziche ang puso nito. Doo'y sinimulan ng matandang si Mr. Ventura ang pagplano na makaganti para sa kawawa niya apo. Hindi man niya magalaw ang mismong pumatay, si Heitor Zacarias, sisiguraduin naman niyang ang tanging dahilan ang magbabayad sa buhay ng apo. Si Ziche Vides ang pagbabayarin niya. Buhay kabayaran sa buhay. 'Get ready b***h. I will kill you in a more and hundred times brutal way of how that Heitor Zacarias killed my grandaughter!!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD