CHAPTER 4

3453 Words
ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 4 *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* "Breath angel.. Breath.. " Lumuluhang habol ni Ziche ang hininga nang sa wakas ay pakawalan ni Heitor ang labi nito sa nakakamatay niyang halik. Nang makita ang namamaga, namumulang labi, gustong ulitin ni Heitor halikang muli ang anghel. Ngunit dahil sa lumuluhang anyo nito, hindi niya mapigilang mayakap ito. Ito ang unang pagkakataong naging agresibo si Heitor. Nung una niyang matikman ang labi nito, matinding pagtigil ng sarili ang ginawa niya. Ang tamis, ang init, ang lambot ng labi ng anghel na ito ay di nawala sa isip niya. Kaya ngayon ay hindi niya napigilang halikan niya ito. At gusto pa niyang halikan ulit. Paulit ulit hangang makontento siya. Pero sa naging reaksiyon ng babae, batid niyang hindi ito sanay. Wala itong alam. Samantala, hindi alam ni Ziche ang mararamdaman matapos ang napakalalim na halik na iyon. Pangalawang halik na natanggap niya mula sa lalaking binayaran ng ninong niya sa papamagitan ng sarili niya. Inihilig niya ang ulo sa dibdib nito habang niyayakap siya ni Heitor. "I'm sorry angel, I lost my control." Ito rin ang kauna unahang senserong nanghingi ng patawad si Heitor. Oo nga't sa kaniyang anghel ay nagbabago siya, ito'y dahil sa tuwing matititigan nito ang inosenteng mga mata ng anghel, ramdam niya na para bang nahahawa at nadadala siya dito. Nung unang makita niya ang babae, naramdaman niya ang isang pakiramdam na kay tagal na niyang di naranasan. Ang pagtibok ng puso. Sa mga nagawa niyang kasamaan, naniniwala na rin si Heitor na talagang wala na siyang puso. Na lahat ng emosyon niya ay namatay na rin nang masaksihan ang isang madugong p*****n. Pero nang makita ang anghel na ito, sa madaling panahon pa lang na pagsasama, unti unti na nitong binabalik ang pilit niyang winawaksi. Nang mahimasmasan na si Ziche, kumalas na ito sa pagkakaakap ni Heitor ng nakayuko. Hindi parin alam ang dahilan kung bakit sila nandito. Kung bakit parang hinuha niya ay may mangyayaring hindi niya alam kung maganda ba o masama. "Come, you'll know the reason of us being here if we go inside angel. " Tahimik lang namang tumango si Ziche. Hindi niya alam ang iaasta. Nagsimula ng maglakad ang dalawa patungo sa entrada ng Hotel&Resto. Sa pasukan pa lang ay malulula ka na sa makikinang nitong kagamitan at laki. Hindi mapigilan ni Ziche ang iikot ang paningin sa paligid at obserbahan ang loob niyon. Nagtataka siya kung gaano kayaman ang may ari ng gusaling ito at kagaling sa pamamahala na umabot sa ganito ka asenso ang negosyo. "Do you like it? " Nabaling ang tingin niya sa lalaking nakahawak sa bewang niya ng magtanong ito. "Mmm.. " Tumango siya, nahihiyang magsalita dahil hanggang ngayon, ramdam parin niya ang dila nitong gumagalugad sa loob ng bibig niya. Napakatamis ng laway nito at halatang napaka eksperto rin nito sa mga ganoon. "Lord Heitor, it is already starting. " Noon lang napansin ni Ziche ang mga nakahilirang staffs ng Hotel&Resto nang magsalita ang manager. Hindi ito pinansin ni Heitor at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa purong salamin na elevator. Nang makaabot sa pasukan nito, nakita ni Ziche ang pagpindot ni Heitor sa parang isang scanner gamit ang hinlalaki nitong daliri. Agad na bumukas ito at pumasok sila. Sa loob ay nagtaka si Ziche bakit walang mga buton dito upang pindutin kung saang floor ka hihinto. Pero nagulat na lamang siya nang makarinig ng isang robotic na boses. "Good evening Lord Heitor and Miss. Which floor do you want to go? " "69th" Hindi nakaimik si Ziche sa nasaksihan. Nakalimutan niya, isa nga rin pala ito sa may pinaka haytek sa seguridad sa buong mundo. Ang mga teknolohiya, makina, at kagamitan at mismong mga imbentor ang may gawa na nagtratrabaho lamang dito. "H.. Heitor? Anong gagawin natin sa floor 69th? " "What do you think angel? " Hindi alam ni Ziche pero bakit parang may nababatid siya na may pagka paos ang boses na pagkakatanong niyon ni Heitor? Anong meron sa floor 69th? ** FLASHBACK *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* (The time when sinundo ng mga tauhan ni Heitor si Ziche sa bahay ng Ovledo.) "Papa, sino po sila? " Tanong ni Ziche nang makita ang tatlong nakaitim na lalaki na nakaupo sa hindi kalambutang sofa na nasa sala ng bahay ng ninong niya. Ang bahay na tinuring na rin niyang bahay. Ninong na ama narin ang tingin niya. Simula nang akuin ng ninong ang pangangalaga sa kaniya, sinabi ng ninong na simula nun ay papa na ang itawag sa kaniya. "Kunin niyo na siya. " Hindi sumagot ang ninong at inutusan lamang ang tatlong iyon na kunin siya. Hindi maintindihan ni Ziche ang nangyayari. Bakit siya kukunin? "Papa, bakit? Saan nila ko dadalhin? Papa ayoko.." "Kunin niyo na siya. Ngayong nabayaran na namin at wala na kaming utang sa boss niyo, wag niyo na kaming guluhin. Umalis na kayo. " Napatahimik si Ziche at nagulat sa sinabi ng ninong. Utang? Bayad? Anong ibig sabihin nito? Nang kumilos ang tatlo para kunin siya, hindi siya makapalag dahil pilit parin na iniintindi niya ang sinabi ng ninong. Tinignan niya ang asawa ng ninong niya at nakitang nakangisi ito. "M.. Mama.." Nasambit niya. Ngunit ang dating may lambing at ngiti na laging pagtingin sa kaniya ng babaeng ito na tinuring na rin niyang ina, ngayo'y may panunuya ang mga titig nito at nginisihan lamang siya. Bago tuluyang makalabas sa bahay ng ninong, narinig niya ang sinabi ng ginang. "Haaay salamat at nagamit narin natin ang silbi ng babaeng yun. Sa wakas at nasa atin na ang kayamanan ng Vides. Wala talagang kasing gaga ang babaeng iyon at ang daling mauto sa mga akto natin para mapirmahan ang mga papeles. Ngayon, magbubuhay mayaman na tayo. Mayaman na tayo mahal ko! " Napayuko si Ziche at naramdaman ang pagtulo ng luha. Totoo ba iyon? Samantala, sa ikalawang palapag ng bahay  na pinamalagian ni Ziche ng walong taon, sa bintan na naroroon ay nakasilip si Sera Ovledo. Anak ng kaniyang ninong na dapat ay siyang kukunin ngayon. Katulad ng ina'y di matanggal ang ngisi ng labing walong taong gulang na babae na iyon. 'Ngayong magiging isa ka ng parausang babae, sa tingin mo magiging maganda ka pa rin, ha Ziche?' Nanlilisik ang mga mata nito habang iniisip ang kahahantungan ng inaanak ng ama niya. Ang babaeng kinasusuklaman niya. Bata pa lang ay magkakilala na sila. Sa kaalamang sekretarya ng ama ni Ziche ang ama niya ay nakakapunta si Sera sa mansiyon ng mga Vides. At doon naging magkaibigan silang dalawa. Pero dahil sa yaman ng mga Vides, lahat ng gugustuhin ni Ziche, kahit hindi pa man ito magsasalita ay nakukuha na nito ang magagandang bagay na gusto niya. Gusto ni Sera na maging ganon rin ang buhay niya. Maging prinsesa. Hanggang sa lumalaki sila, ramdam ni Sera na kahit magkaibigan sila, parehong magaganda at matalino, si Ziche pa rin ang lamang. Ang magaling, mas maganda, mas matalino, mas sikat, mas gusto. Kahit nuong namatay ang mga magulang nito at nagsimulang mamuhay kasama ang pamilya niya. Sa parehong skwelahang pinapasukan, ito ang pinakakilalang magandang babae sa buong campus. Maraming lalaki ang nagkakagusto dito at maraming babaeng gusto itong maging kaibigan. Samantalang siya, binansagang alalay dahil sa estado ng pamumuhay nila. Ang mas ikinagagalit niya, ay ang pagbabait baitan ni Ziche. Ang pagpapanggap nitong pagpapahalaga sa kaniya. Nagpapanggap na wala itong alam sa mga magagandang katangiang gusto niyang maging kaniya. Pinilit ni Sera ang sariling maging katulad ni Ziche. Pinilit na makihalubilo sa kung paano makihalubilo si Ziche. Pero si Ziche parin ang hinahangaan. Kaya naman, ngayong wala na ito sa buhay nila, ngayong mayaman na sila, walang kasing saya ang nararamdaman niya habang nakikita ang nakayuko at umiiyak na itsura ni Ziche. Alam niya na magiging miserable ito oras na makuha ito ng organisasyong pinagkautangan ng ama. Oo nga't makakaya na nilang bayaran ang utang gamit ang pera ng mga Vides. Pero mas pinili nilang ang babae na lamang na ito ang ibabayad para wala ng hadlang sa mga plano nila. 'Mararanasan mo kung ano ang naranasan ko noon. Ang pagkakaroon ng miserableng buhay. At alam ko na mas grabe ang mararanasan mo ngayon! ' Gustong tumawa ni Sera sa saya. Tumawa ng malakas. Humalakhak sa tagumpay na nadarama. "Lahat ng iyo, magiging akin na. " ** Matapos maangkin ang lahat ng kayamanan ng Vides at ang pagtanggal kay Ziche sa dinadaanan ng Ovledo, lubos na nagbago ang kanilang buhay. Ang bahay nila na nakatirik lamang sa isang maliit na nayon ngayo'y nakatira na sila sa isang sabdibisiyon na para lamang sa may matataas na antas ng lipunan. Tuluyan naring nasakop ni Simoun Ovledo, ang pangalan ng ninong ni Ziche, ang buong kompaniya ng Vides. Mga pera at mga ari arian. Lahat ay inangkin. Walang tinira para sa tunay na talagang tagapagmana. Ngayo'y komportableng komportable ang pamilya sa bago nilang biling mansiyon, sa napakalaki, magara at maespasyong sala ng bagong bahay, naguusap ang mag asawa habang ang anak na si Sera ay walang pakeng nanonood lamang ng palabas sa napakalaking flat screen TV na nandodoon. "Honey, gusto kong bumili ng alahas. Maraming alahas! Saka mga imported na bag! Yung LV? Ngayong sobrang mayaman na tayo, mabibili, magagawa na natin lahat ng gusto natin! " Nananabik na sambit ni Herra Ovledo. Ngumisi naman si Simoun dahil tama ang pahayag nito. Samantala, napatutok naman si Sera sa panonood ng isang balita na biglang ipinalabas sa screen ng TV. Laman ng balitang iyon ang nag iisang lalaking hinding hindi niya makakalimutan simula nang makita't makilala niya ito matagal na panahon na rin. Ang lalaking tagapag ligtas niya. "Heitor Zacarias.." Napatingin ang mag asawa nang marinig ang wala sa sariling pagbigkas ng pangalan nay yun ni Sera. Nakita nila ang tutok na tutok nitong atensiyon sa screen habang ipinapalabas ang mukha ng isa sa pinakamayamang tao. Kalauna'y nagkatinginan sila sa isa't isa. "Princess? " Pagtawag ni Simoun sa kaisa isa niyang prinsesa. "Mmm? Bakit po Dad? " Sagot nito na hindi tinatanggal ang mata sa TV. "Kilala mo si Mr. Heitor Zacarias? " Ang ina naman nito ang nagtanong. Nang matapos lang ang pagbabalita bumaling si Sera sa mga magulang. "Umm.. Siya po yung sinasabi ko sa inyong nagligtas sa akin." Nanlaki ang mga mata bigla ng ama. "T.. Totoo ba iyan anak? " Naalala nila, noong sampung taong gulang pa lamang ang anak nilang ito, nasabi nitong muntik na siyang malunod. Buti na lang daw ay iniligtas siya ng isang lalaki. Pero hindi naman nito sinabi kung sino. "Opo.. " Mula sa pagkakaupo sa napakalambot na sofa at bigla itong tumayo at tumakbo papalapit sa ina't ama. Nang makalapit ay agad na niyakap niya ang isang braso ng ama. Napatingin si Simoun sa asawa na nasa tabi. Kilala nila ng anak. Alam nilang kapag ganito ang inaasta nito, may gusto itong gawin o kunin. O ipagawa sa kanila. "Daddy! Alam ko po iyong mga sabi sabi tungkol kay Heitor. Kung totoo man iyon, naniniwala akong magbabago pa siya. Mababago ko siya. " Nakangiti at puno ng paniniwala ang mga mata ng dalagitang ito. "Anak, anong pinagsasabi mo? Ki bata bata mo pa.. " Napatingin si Sera sa ina na nakakunot ang noo. "Mom! I'm not a child anymore! Saka, alam kong nakikilala pa ako ni Heitor. Alam kong hindi niya ako nakalimutan. Ang iniligtas niya noon. Mom, Dad, ngayong mayaman na tayo, pwede niyo naman pong magawan ng paraan na makita ko siya diba? " Pangungumbinsi ni Sera sa ina't ama. Napaisip si Simoun nang may maalala siya. "Wag kang mag alala prinsesa ko, makikita mo si Mr. Heitor Zacarias. Naalala ko, may isa akong kakilala. Sabi niya'y may inihandang party daw si Mr. Heitor sa Hotel&Resto na magaganap bukas ng gabi." Nanlaki ang mga mata ni Sera sa sabik. "Dad!! Punta tayo! Punta tayo! " Napangisi si Simoun at tumingin sa asawa. Nagtama ang mga mata nila tanda ng pagkakaintindihan. END OF FLASHBACK *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* Hawak parin ang bewang, matiyagang naghihintay lamang ang dalawa na makarating sa 69th floor. "H.. Heitor? " Nag aalinlangang tawag ni Ziche sa lalaki at tumimgin sa mukha nito. Bilang tugon, gumanti rin naman ito ng tingin sa kaniya. "Kilala mo ba ang may ari nito? Bakit parang kilala ka ata ng mga staff nung binati ka nila kanina? " Pansin iyon kanina ni Ziche nang pumasok sila, ni hindi nga sila sinisayat ng mga guards at dumaan sa scanner na talagang dapat pagdaanan pa ng kung sino mang papasok. Nagtataka lamang si Ziche kung bakit nang makapasok sila, nakahelera na din ang mga staffs. "I am the owner angel." Hindi makapaniwala si Ziche at di namalayang bahagyang nagparte ang mga labi. 'Gaano ba talaga siya kayaman? ' Tanong niya sa isip. Kanina'y natanong rin niya kung gaano kayaman ang nagmamay ari nito. Pero hindi niya inaasahan na ang kasama niya, si Heitor Zacarias ang siyang mismong may ari pala. Ngayon mas lalong nabatid ni Ziche kung gaano ito kayaman. Pero nang maisip ang ginawa nito sa parking lot ng Hotel&Resto na ito, hindi niya mapigilang mamula. Hinalikan lang naman siya ng isa sa mga sikat at makapangyarihang bilyonaryo sa buong mundo. "Why is your face so red angel? Are you thinking about the kiss? " Nanlaki ang mga mata ni Ziche nang mahulaan nito ang iniisip niya at bahagyang nakaramdam ng takot na baka gawin niya ulit iyon na talagang tuluyang makapagpawala sa hininga niya. Laking pasasalamat na lamang ni Ziche nang magsalita ang elevator. (Oh ha? San kayo makakahanap niyan? XD) "We have reach the 69th floor Lord Heitor." Napanganga si Ziche nang unang makatapak sa 69th floor. Akala niya ay tatambad sa kanila ang isang koridor na may magkakaharap na mga pinto sa pag aakalang may pupuntahan silang kwarto. Ngunit ang tumambad sa kaniya ay isang napakalaki at dobleng pinto na may apat na gwardyang bantay. Napakagarbo ng pintong at halatang gawa gamit ang kamay talaga. Kakaiba ang desinyo at ang dalawang hawakan na nasa gitna ay napakakintab at talagang natatakot kang hawakan ito dahil baka madumihan. Ang ipinagtataka ni Ziche, anong meron sa loob ng malaking pinto? "Lord Heitor. " Bati ng apat na gwardya at pagkatapos ay sabay na binuksan ng dalawa sa kanila ang dobleng pinto. Nang makapasok, mas napanganga pa si Ziche. Ang daming tao. Napakarangya. Napakaelegante. Lahat ay nakasuot ng mamahaling damit at talagang bagay na bagay ang bawat isa sa mga porma nila. Samantala, pansin din niya ang pagkakadesinyo ng buong paligid. Gold theme. (Di niyo naman pansin na fav color ko ang gold no? XD) Hindi siya makapagreak sa ganda ng pagkakaganap ng party na iyon. Pero para saan ang pagtitipon na ito? Bakit siya nandito? Alam niyang si Heitor lamang ang inimbitahan ng kung sino man ang nangunguna nito. Kaya ano ang silbi niya dito? Habang punong puno ng tanong at kaguluhan ang isip ni Ziche, hindi niya namalayan ang mga matang sa kanilang dalawa'y nakatitig. Halos lahat ng taong dumalo doon ay inaabangan na makita si Heitor, partikular na ng mga babae. Ngunit hindi nila inaakalang may kasama ito. At hindi sila makapaniwalang babae pa! Ang lahat ay alam na sa ganitong okasyon, mag isa lang itong dumadalo at kapag may maswerteng babaeng magustuhan ay doon niya iuuwi. Sino itong babaeng kasama ng panginoon nila? Ang pagkagulat na tingin ng mga babaeng nandoon ay napalitan ng galit at ngayo'y masamang tinitignan si Ziche. Ang mga kalalakihan nama'y may kagustuhan ang pagtitig sa walang kaalam alam na babae. Sa isip nila, ngayon lamang sila nakakita ng ganitong klaseng ganda. Pinagsamang pagkainosente at pagkasedaksiyon. Kaya't oras na mapagsawaan ito ni Heitor, sisiguraduin nilang sila ang susunod na makakaangkin sa malaanghel na babaeng ito. *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* "Who is that slut? " "She's so ugly! " "Why is she with my soon to be husband? " "I will kill that b***h! " Mga hindi nakatakas na 'bulong' daw ng mga babae. Habang naglalakad sina Ziche at Heitor papasok, sumalubong sa kanila si Lior na purmadong purmado din. Sa pagkakataong iyon, hindi na siya tumingin pa sa babaeng akap ng boss niya. 'Shet ayokong mabigwasan ang kagwapohan ko! ' Sa isip niya at tumungo upang mabati ang amo. "G.. Good evening L.. Lady Ziche." Ngumiti si Ziche at akmang babatiin din si Lior nang hinakbit ni Heitor ang bewang niya at lumakad palagpas kay Lior. Napakurap naman si Ziche at nang lilingon sa naiwang si Lior, bigla namang nagsalita si Heitor. "Turn your head back and he's dead. " Kaya naman, sa mukha nalang ng lalaki si Ziche tumingin. Pero nakatingin naman ang lalaki sa harapan. 'Hindi ba sila bati ni Lior? Bakit parang ayaw ni Heitor kay Lior? ' Gustong itanong ni Ziche sa lalaki. "Lord Heitor! " Napabaling si Ziche sa tumawag na iyon. Isang matandang lalaki na kahit si Heitor ang tinatawag, sa kaniya ito nakatingin. May ibig sabihin ang ngiti nito habang tinitignan si Ziche sa paa pataas sa napakaganda nitong mukha. "Mr. Acumin. " Doon lamang napatingin si Mr. Acumin sa gawi ni Heitor. "Oh! Good evening Lord Heitor. I'm so glad to recieved your invitation for this party. " Tumango lamang si Heitor. "And who might this lovely lady you have here Lord Heitor? Is she your new play toy? I am really envious of you My Lord. You always get the best of all." Walang pakundangan nitong bigkas. Sa narinig, nanlamig ang paligid at parang may kung anong pwersa ang biglang naramdaman ng mga nakarinig at nagmamasid doon. Hinihintay din ang kasagutan ng Lord Heitor. Samantala, wala namang kaalam alam si Ziche sa sinasabi ng matanda. "Umm.. Ako po si Ziche Vides. " Mas lumapad ang ngiti ng matanda. Alam niya na patay na ang mag asawang Vides at may nag iisang anak nga itong babae dahil isa sa mga kaibigan niya ang naging sekretarya ng ama nito, si Simoun Ovledo. Hindi lang niya alam na ganito pala kaganda ang kanilang anak. "What a beautiful name. As beautiful as the owner. " "Thank.. " Magpapasalamat sana nang maramdaman ni Ziche ang paghigpit ng kanina pang nakapulupot na braso sa bewang niya. At muli, naglakad sila sa pagaakay sa kaniya ni Heitor palagpas kay Mr. Acumin. Sa kanilang paglalakad, wala ng sumalubong pa. Halos lahat ay talagang sinadyang pumunta upang makita, makausap ang kilalang kilalang si Heitor Zacarias ngunit walang lakas ng loob dahil sa nakakatakot na tindig nito at hindi basta bastang nalalapitan ng kung sino lang. Sa isang bilog na mesa nakaupo ang mga taong may matataas na ranggo sa buhay. Sila ang mga pinagkakatiwalaan ni Heitor sa pamamahala ng negosyo o ng organisasyon niya. May siyam na taong nakaupo na doon. Isang matandang babae, tatlong matandang lalaki, tatlo ring mga lalaking ang edad ay di lang nalalayo kay Heitor at dalawa magagandang babae. Ang isa sa dalwang magagandang babae na ito'y may pananabik ang titig habang hinihintay ang pagdating ni Heitor sa mesang kinaroroonan. Sampu lamang ang upuang nakatalaga sa mesang iyon at iisa na lamang ang bakante. "Lord Heitor! Here! I saved a chair for you. Sit with me. " Sinadya nitong palambingin ang boses at hindi pansinin ang babaeng kasama ng lalaki. Nagaaalala namang napatingin si Ziche kay Heitor nang makitang iisang upuan nalang ang walang nagmamay ari. Kung dito uupo si Heitor, saan siya uupo? Tinignan niya ang ibang mesa kung mayroon bang bakanteng upuan. Mayroon naman pero nahihiya siyang makihalobilo sa nakaupong mga tao doon. Naisip ni Ziche na tumayo na lang siya. Sasabihin sana niya kay Heitor na ok lang kung siya ang umupo doon nang hinila na lamang ng lalaki ang bakanteng upuan at nagmuwestrang umupo siya. Nagdikit ang mga kilay ni Ziche. "Per.. " "Sit. " Nang makita ang pagkaseryoso ng pagmumukha ng lalaki, hindi makapalag si Ziche kaya nag aalinlangang umupo na lamang siya. Samantala, napatanga naman ang babaeng siyang nag aya kay Heitor. Ang kanina'y may tamis na ngiting mukha ay biglang umasim habang nakatingin sa babaeng inalalayang umupo ni Heitor. Ang mga nakaupo sa mesang iyon nama'y hindi makapaniwala. Bakas ang pagkagulat sa nakitang asta ni Lord Heitor sa isang babae. Babae! Ano ang nangyayari? "Hey w***e! What are you doing?! Umalis ka nga diyan! Si Lord Heitor ang gusto kong makatabi! Pwede ba! Isa ka lang sa mga puta niya at di kalaunan, itatapon na lang. Get out of here b***h! " Dahil sa galit, hindi mapigilan ng babae ang pumutak ng bibig. "Kate, shut up! " Pagpigil naman ng biglang namutlang matandang lalaki, si Mr. Ventura. "But lolo! I save this chair for Lord Heitor so that I can sit beside him! Tapos uupuan lang ng kung sinong parausang babae?! Lord Heitor.. " Nang tawagin nito ang lalaking gustong gusto niya talagang makatabi ay bumalik sa paglalambing ang boses niya. "..can you drag this b***h out of here for me please? " At iginawad pa niya ang pinakamatamis niyang ngiti. Alam niyang hindi siya bibiguin ng Lord Heitor at susundin ang gusto niyang palayasin ang babaeng ito dahil wala pang ni isang lalaki ang tumanggi sa kaniya. At hindi taliwas doon ang kilalang demonyo na ito. 'This b***h! Trying to steal my man? Watch me, I will be Lord Heitor, the demon's angel. '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD