CHAPTER 3

3819 Words
ANGEL'S EVIL HUSBAND CHAPTER 3 *ZICHE'S POINT OF VIEW* "M.. Mr. Heitor.. " Gulat at wala sa sarili kong bigkas. Di ko inaasahan ang biglaan niyang pagpasok at pagkakita sa kaniya. Mula sa pagkakatayo ni Heitor sa pintuan ng kwarto ay naglakad ito papalapit sa akin. Kung noon ay ramdam ko ang takot at pagkaayaw na mapalapit sa kaniya, ngayon ay hindi ko alam ang ikikibo at nakayuko lang habang hinihintay ang paglapit niya. Wala akong alam. Hindi ko alam ang gagawin. Natatakot ako sa kaniya pero sa tuwing naiisip at naaalala ko ang nagawa niyang pagligtas at pagasikaso sa akin na sa halip ay pabayaan at ibenta nga ako, di ko na magawang matakot ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit sa nakaraang dalawang linggo ay hindi ako masyadong nakatulog sa pag iisip na baka pumasok ang tatlong lalaki sa kwartong ito o baka may iba pang lalaki ang magtangka sa akin ng masama pero ngayong nakita ko siya, ngayong nandito na siya, parang nawala ang kaba. Ang takot. Alam kong may dalang panganib ang prisensya niya. Mapanganib siyang tao. Kaya nagtataka ako, bakit parang ang bait niya sa akin? Nagulantang ako nang may maramdamang mga palad sa kaliwa kong pisngi. Napaangat ang ulo ko nang mapagtantong nasa harapan ko na pala si Mr. Heitor habang nakaupo parin ako dito sa gilid ng kama. Nakayuko ito at nakatitig sa akin. Seryoso ang mukha nito ngunit sa halip na matakot ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi sa kaba. Kundi dahil sa klase ng pagtitig niya sa akin na parang matutunaw ako. Dagdagan pa ng makisig nitong itsura. Hindi ko kaya. Kaya iniwas ko ang tingin at yumuko ulit. Pero ang kamay nito na nasa pisngi ko ay napunta sa baba ko at mahinang inangat upang mapunta uli sa kaniya ang paningin ko. At sa mga oras na ito, hindi na ako makaiwas. "Are you still afraid of me angel? " Napalunok ako ng laway at napakagat sa pang ibabang labi. Nawala na nga ang takot ko sa kaniya pero naiintimida parin ako dahil sa awrang nakapalibot sa kaniya. Nang bigla, naramdaman ko ang isang daliri niya na pilit pinapakawalan ang pang ibabang labi ko na di ko namalayan kinakagat ko parin pala ngayon. Nang mapakawalan ko ito, dun ko lang naramdaman ang sakit at lasa ng dugo. Napangiwi ako. Ayoko ng lasa ng dugo. Ngunit ang ngiwi ay napalitan ng panlalaki ng mga mata. Sa isang mabilis na pangyayari, nawala ang lasa ng dugo dahil sa isang malambot na bagay na dumampi sa nakanganga kong bibig at sinisipsip nito ang mga dugong umaagos parin sa bahaging nakagat ko. "Someone will be here to get you ready angel. We are going somewhere." ** *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* "Kill them all. " Utos ni Heitor nang mapagdagumpayang masakop ang kampong pinagtataguan ng oraganisasyong Avitia. Ito ang organisasyong sumira sa kalakalang nagaganap sa lugar na ito sa pagitan ng isa sa pinakamalaking Mafia group ng bansa. "Boss. Nakatakas ang mga higher ups ng Avitia. May backer sila." "Find it out Lior." "Yes boss." Umabot rin ng isang lingo ang paghahanap nila sa grupong Avitia. Ito ang pinakanatagalan para sa grupo ni Heitor na mahanap ang kalaban nila. Dahil pala ito sa backer ng Avitia. Nahihinuha ni Heitor na hindi basta basta ang tumutulong sa Avitia na ito dahil nagawa nitong masupilpil ang isa sa mga plano niyang makipag ugnayan sa Calixto. Ang Mafia group na katransaksiyon ng grupo niya. Mas sumeryoso ang pagmumukha ni Heitor. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang may nanghihimasok. Lalo na ang mga nagtatangkang pigilan siya sa kung ano ang gusto niyang gawin. Nang makontrol na ng grupo ni Heitor ang lahat, umalis na siya sa lugar na iyon at dumeretso sa pag aaring private jet nang makatanggap ng tawag sa nag iisa na lamang niyang pamilya. Ang lola niya. "Heitor, apo.. When will you let me meet the girl you'll going to marry?" At sa seryoso at walang emosyong mukha nito, bumakas ang isang maliit na ngiti sa labi ng may demonyong pusong si Heitor sa pagkakarinig ng malamyos na tinig ng lolang nagpaliki't nag aruga sa kaniya. "Soon nd'ma." "Then, are you going to visit me here? I miss you apo." "Yes nd'ma, I'll be there to visit you. " Habang nakaupo sa loob ng ereplanong iyon, tinignan ni Heitor ang pinagkakatiwalaang piloto niya. Naintindihan naman ng piloto ang senyas na iyon at nagsimula ng palipadin ang eroplano. Ilang oras nang marating ni Heitor ang mansiyon ng lola niya. Si Hithelda Zacarias. Kaagad na niyakap niya ito na tinugunan naman ng walompung taong gulang na matanda. Sa lugar na iyon ng lola, namalagi pa si Heitor ng isang linggo. Sa lahat ng taong nakapalibot sa kaniya, ang lola lamang niya ang siyang pinakikitaan niya ng pagmamahal at pag iingat. Hindi dahil nagiisa na lamang itong pamilya ngunit dahil talagang mahal niya ang matanda. Matapos ang pananatili, nagpaalam na si Heitor sa lola at nangakong sa susunod na pagbisita ay dala na niya ang babaeng pakakasalan niya. At sa isip niya, isang babae lamang ang gusto niyang pakasalan. Isang anghel na gusto niyang habang buhay ikulong. Ziche Vides. ** *ZICHE'S POINT OF VIEW* Hanggang ngayon  ay pinipilit parin ng isip ko na iproseso ang nangyari kanina. Tama ba yung naramdaman ko? Tama ba yung inaakala ko? Na malambot na labi ni Mr. Heitor ang dumampi sa labi ko at sumipsip ng dugo. Na hinalikan ako ni Mr. Heitor. Bigla akong napatayo. Nakaramdam ako ng pagkalito at... Kilig? Bakit ganun? Bakit niya ako hinalikan? Diba dapat ang gumagawa lang ng ganon ay mag asawa o mag nobyo? Si Mr. Heitor ang unang nakahalik sa akin. Anong ginagawa niya sakin? Bakit nakakaramdam ako ng kakaiba? Yung parang okay lang? "Good afternoon lady Ziche." Parang nagising naman ako at nabalik sa reyalidad ang pagiisip ko nang marinig ang boses na iyon ng isang babae. Mula sa pinto, nakatayo ang babae. "Umm.. Good afternoon din. " Bati ko sa kaniya. "Ako nga pala ang inatasan ng Lord Heitor upang ihanda kayo." Kahit nagtataka parin kung saan siya dadalhin ni Heitor, hinayaan na lamang niya ang babae na ayusan siya nito. "Ang ganda mo Lady Ziche. Kaya pala inangkin ka ni Lord Heitor. Para kang anghel. " Habang inaayos ang aking buhok na sambit ng babae. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko kaya nginitian ko na lang siya sa pagitan ng salamin na nasa harapan ko. Nang matapos ayusan ang buhok, nilagyan rin niya ng kunting kolorete ang mukha ko kasi sabi niya maganda naman daw ako kahit hindi na mag make up. Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko naman ang mukha, normal lang. Hindi ko masasabing maganda ako dahil ang sabi ni mama, hindi naman talaga sa mukha o katawan makikita ang kagandahan. Nasa pag uugali at kung paano siya makitungo at umasta malalaman kung talagang maganda ang taong iyon. Samantala, may tatlo namang babae pa ang pumasok dala ang isang napakagandang dress at halatang mamahalin. "Miss Clea, nandito ang dress na gustong ipasuot ni Lord Heitor kay Lady Ziche." Napalingon ako sa tatlo at napagtantong ang tinatawag nilang Miss Clea ay ang babaeng nag ayos sa akin. Nang makita ko naman ang dress na maingat na dinadala ng nasa gitna, nanlaki ang mga mata ko. Off shoulder ito na kulay ginto , nagniningning sa dami ng mga maliliit na kristal kung saan naka latag sa palda ng dress. Ang babaeng nasa kaliwa naman, kita kong may dala itong heels na paghihinuha ko ay nasa 3 inches lang at may pagkapareho sa kulay ng dress ang kulay din nito. Habang ang nasa kanan ay may hawak na kahon. Mga alahas. Parang nalula si Ziche sa mga kumikinang na mga bagay na ito at nananakit ang mga mata niya. 'Pwede bang di ko na lang iyan suotin?' ** *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* Habang hinihintay matapos ayusan ang anghel, sinigurado naman ni Heitor na handa na ang lahat. Nakasuot siya ng kulay itim na 3 piece suit at ternong kulay na neck tie sa damit na napili niya para sa susuotin ng kaniyang anghel. "Is everything ready? " "Doncha worry boss! Ebriting iz redi now! " Hindi naman pinansin ni Heitor si Lior na siyang inutusan niyang maghanda sa lahat ng kinakailangan niya upang maisakatuparan ang gagawin niya ngayon. 'Hindi talaga ako makapaniwalang nabighani si boss ng isang babaeng pinambayad utang lang. Gaano kaya kaganda ang babaeng yun?' Sa isip ni Lior habang panakanakang tumitingin sa elevator at inaabangan na bumukas ito upang masilayan ang babaeng kinababaliwan ngayon ng boss niya na talagang umabot pa sa puntong ito. Kilala niya si Heitor. Hindi bilang boss kundi bilang kaibigan. Hindi ito basta basta umaangkin ng mga bagay na nagugustuhan lang nito, tao pa kaya? Kaya naiintriga siya sa babaeng tinatawag na anghel ng demonyo niyang boss. Lumipas pa ang sandali nang marinig ang inaabangang 'ting' ng elevator. At doon lumabas ang siyang kinasasabikang masunggab ng demonyo. Ang anghel. Nagniningning ito at bakas sa mukha ang kainosentehan. Walang muwang. Isang anghel. Kasama nito ang apat na tagapag ayos. Nang makita siya ng mga ito, yumuko sila at binati si Heitor. Pero kailan ma'y di natanggal ang paningin nito sa anghel na pagaaari na niya. ** *ZICHE'S POINT OF VIEW* Nagulat ako nang mapag alamang may elevator pala sa mansiyong ito. Kaya naman pala wala akong nakitang hagdan nung minsang sinubukan kong tumakas at nauwi pa sa panganib ang buhay ko. Ngayon ay kinakabahan ako habang nakatingin sa screen kung saan ipinapakita kung nasaang floor ka na. Nagulantang nga ako nang makita kong nasa itaas na bahagi ang kwarto ko. Nang sa wakas ay tumunog na ang elevator, tanda na naabot na namin ang lugar kung saan daw nag hihintay si Mr. Heitor sa akin. Kanina nang pinasuot nila ako ng makikinang na kasuotang ito, hindi ko mapigilang mailang hanggang ngayon. Pakiramdam ko kunting galaw ko lang ay baka mahulog o may mabasag na mga kristal na nakasabit sa damit. O baka magasgasan ang mga alahas na nagbibigay din ng di pagkakomportable sa akin. Wala naman akong magawa para pigilan sila dahil ang dahilan din nila ay 'utos ng Lord Heitor.' "Angel.." Nabalik sa reyalidad ang pagiisip ko nang marinig ang pamilyar na malalim na boses na iyon. Namula ako nang maalala ang ginawa niya sa akin. Hindi ko naman namalayan ang isa pang lalaki na kasama ni Mr. Heitor. Iyong apat naman na nag ayos sa akin ay matapos bumati kay Mr. Heiton, agad silang umalis. "Lior. If you really love your eyes, better stop staring to my angel or I'll pull it out myself." Gulat na napatingin ako sa lalaking tinawag niyang Lior kasabay ng isang braso na pumulupot sa bewang ko. "Don't fcking look at him angel. Your sight are only for me. If I ever caught you again looking at  other men, trust me, you will not like what I'm gonna do to that beautiful doe eyes of yours." Napalunok ako habang ramdam na ramdam ng nakalantad kong leeg ang mainit na hininga niya dahil sa kalapitan ng mukha nito nang ibinulong ang mga katagang iyon. "O... Okay Mr. Heitor.. " Nagparte ang labi ko nang bigla, hinigpitan ni Mr. Heitor ang pagkakahapit sa akin. Mas lalo din nitong inilapit ang mukha hanggang ramdam ko na ang maliliit na pagdampi ng labi niya sa leeg ko. "Call me Heitor angel.." "H.. Heitor.. " "Fuck." ** *THIRD PERSON'S POINT OF VIEW* Kitang kita ni Heitor kung paano mas namula ang mukha ng anghel na nasa mga bisig niya. Pakiramdam niya, isa pang hila ay hindi na niya makakaya pang kontrolin ang demonyong nasa loob niya na nagwawala na. Labis na hinahangad nitong markahan ang anghel upang malaman ng lahat na may nagmamay ari na sa anghel na ito. Kanina lamang nang mapansin ang tauhan na si Lior na tinititigan nito si Ziche katulad ng pagtitig niya dito, parang biglang tumubo ang sungay niya at kung may dala lamang siyang baril at kung wala si Ziche dito, hindi siya magaatubiling barilin ito mismo sa dalawang mata. Nadagdagan pa, nang inosenteng tumingin din ang kaniyang anghel kay Lior. Walang alam ang babae na pagkakita sa kaniya'y nakaramdam ng kakaiba si Lior. Ngunit dahil sa banta ng boss, pinilit niya ang sarili na iwaksi ito at umalis na dahil wala narin naman siyang kwenta doon. Doon lamang napanatag si Heitor at patuloy na tinutudyo si Ziche. Napakaganda nito ngayon. Parang sa pagiging anghel ay naging dyosa. Noong marinig ni Heitor ang napakalambing na boses nito na binibigkas ang pangalan niya, hindi niya mapigilang mapamura. Ngunit sa matinding pagpilit, napigilan niya ang sarili na halikan uli ito dahil ayaw niyang takutin ang anghel niya. Ayaw niyang lumayo ito at magtangka na namang tumakas. "S.. Saan tayo pupunta H.. Heitor? " Ngayo'y inaakay niya si Ziche papunta sa parking lot ng mansiyon. Hindi niya ito sinagot at nang marating ang napakagara at mamahaling sasakyan, inalalayan niya lamang ang babae na makasakay sa loob ng front seat. Hindi naman na nagtanong pa si Ziche dahil baka mairita niya si Heitor kaya't ibinaling na lamang niya ang atensiyon sa loob ng magandang sasakyan. Hindi niya mapigilang mamangha. Nang makapasok na si Heitor sa driver seat, nagsisimula ng magdilim ang langit kaya't walang ano ano'y pinaharurot na niya ang isa sa pinakamamahaling sasakyan sa buong mundo. ** Tahimik lang ang byahe. Walang imik si Ziche at kita naman niya ang konsentrasyon ni Heitor sa pagdadrive. Pokus na pokus si Heitor upang mapanatili ang hindi masyadong mabilis na pagpapatakbo niya ng sasakyan. Nasanay na siyang naka full speed kapag nag dadrive siya ng sasakyan. Pero ngayong kasama niya ang isang anghel, kailangan muna niyang iwasan ang nakasanayan. "Angel.. " Mula sa atensiyon ni Ziche sa labas ng bintana ng tinted na sasakyan, napalingon siya kay Heitor nang tawagin siya nito. Hindi maiwasan ni Ziche ang palihim na mapangiti dahil kahit hindi pa siya sigurado sa nangyayari sa kanilang dalawa, kahit naguguluhan pa siya at di parin lubhang naiintindihan ang lalaki, sa tuwing maririnig niya ang pag tawag nitong 'angel' sa kaniya, nararamdaman niyang lumalakas ang t***k ng puso niya. Ito lamang ang nagiisang lalaki na nakakapagdulot ng reaksiyon sa kung ano man ang gawin nito sa kaniya. "Bakit? " Tanong niya rito. Pansin niyang hindi talaga ito palangiti at parating walang emosyon ang mukha. Pero kahit ganoon, napakagwapo pa rin nito. "Say something about yourself. Anything." May paghehesitasyon si Ziche. "I just want to get to know my angel better. Now that you are mine." Napatanga si Ziche dahil seryosong seryoso ang mukha nito habang sinasabi iyon. "Umm.. G.. Gusto rin kitang makilala.. " Totoo. Gustong gustong makilala ni Ziche si Heitor. Gusto niyang malaman kung lahat ba ng pinagsasabi ng ibang tao tungkol sa kasamaan nito ay totoo. Gusto niyang malaman ang tunay na pagkatao ng kinikilalang demonyo. Napansin ni Ziche ang pagngisi ng lalaki. "Okay." Napangiti si Ziche at biglang may naisip. "Eh kung 20 questions po? " "What? " Tanong ni Heitor na napatingin pa saglit sa kaniya. "Ano po kasi.. Yun po minsan nilalaro pag bago pa magkakilala." Pagpapaliwanag ni Ziche. "So, it's a kind of game? " Tumango naman si Ziche. Nang mapagtantong hindi naman nakikita ni Heitor ang pagtango niya dahil nasa kalsada nga ang pagtingin nito, kaya nagsalita siya. "Opo. Magtatanong ako sayo ng 20 questions tapos magtatanong ka rin sa akin ng 20 questions. Kahit anong tanong na dapat ay sasagutin ng tapat." "Mmmm.. " Pagsang ayon ni Heitor sa gustong laro ng kaniyang anghel. 'My angel wants to play with a demon like myself.' Sa isip ni Heitor na di naman nawawala ang ngisi. ** Dahil ramdam ni Ziche na magtatagalan pa ang byahe, kaya naisip niya ang larong 20 questions. "Gusto mo pong ikaw ang unang magtanong? " Pag aalok ni Ziche kay Heiton. "Then my first question is.. did you had a boyfriend before? " Muli, napatanga si Ziche ngunit agad din naman siyang sumagot. "Umm.." Umiling siya at napatingin sa harapan. "Sa totoo lang po, ikaw pa lang ang lalaking nakalapit sa akin. " Habang sinasabi ay pahina ng pahina ang boses niya. Nagulat na lamang si Ziche nang biglang inihinto ni Heitor ang sasakyan sa gitna ng kalsada. "Really? " Agad siyang napatingin dito. "Ba't ka po tumigil?" Hindi sumagot si Heitor pero nginisihan siya nito. Hindi. Nginitian siya nito. Napanganga si Ziche. Ito ang pinakaunang nakita niya na ngumiti ito. At ito rin ang pinakaunang ngiti na nakita niyang pinakamaganda. Hindi namalayan ni Ziche ang mga bumubusinang sasakyang nasa likuran ng nakahinto nilang sasakyan. Parang wala namang pake si Heitor habang pinagmamasdan parin ang nakangangang mukha ng anghel. Nawala lamang ang ngiti niya nang marindi sa mga tunog ng busina at sigaw ng mga taong nagrereklamo. May isa pang tumuktok sa bintana niya. "Umm.. Magdrive ka na po. Baka ireklamo nila tayo. " Kinakabahang ani ni Ziche nang makita ang komusyon sa labas dahil sa pagtigil ng sasakyan nila sa kalagitnaan ng kalsada. At dahil sinabi ng anghel, kaagad na sinunod ito ni Heitor. Pinaharurot ang sasakyan na parang walang nangyari. "Your turn now angel. " Oo nga pala, naglalaro pa sila. "Mm.. Ilang taon ka na po Mr. Heitor? " "29." Mabilis na tugon ni Heitor. 'Kung ganon, sampung taon din pala ang agwat namin. ' Sa isip ni Ziche habang tumatango. ** *ZICHE'S POINT OF VIEW* Nagpatuloy kami sa pagtatanungan, hindi ko alam pero nakokomportablehan na ako sa presensiya ni Heitor. Simple lang ang mga naging tanong niya, kung anong gusto kong kulay, pagkain, saan ko gusto pumunta, ganun. "Are you still studying angel? " Dahil sa paglalaro namin, hindi ko na namalayan ang tagal ng biyahe. "Opo. Pero baka matigil ako. D.. Dahil s..sa ginawa ni ninong. Kinuha niya po kasi yung manang pinamana ng mga magulang ko sa akin kaya wala na akong pantustos para sa pag aaral ko. " Habang iniisip iyon, hindi ko mapigilang malungkot. Ayokong matigil sa pag aaral. Pero iwinaksi ko naman agad ang bagay na yun at ako naman ang nagtanong. "Umm.. Totoo po ba na.. pinuno kayo ng isang malaki at ilegal na organisasyon? " "Yes angel. " Napatahimik ako. Hindi ko alam pero parang bumalik ang takot. Takot na baka katulad ng sinasabi nilang pagtrato niya sa mga babae ay gawin din niya sa akin. "Are you afraid angel? " Napayuko ako at mahinang tumango. Alam kong nakita niya iyon dahil tumingin siya sa gawi ko bago uli ibinalik sa kalsada ang mata niya. "Yes it is true. And I'm not just leading a mere underworld organization, angel. I'm a Mafia Lord. I've done so many illegal transactions and crimes. I also kill people.. who are against of what I want. And if you try to defy me.." Nanlaki ang mga mata ko habang nakayuko parin. Naiintindihan ko ang sinasabi niya. "Of course I will not kill you. There is always an exception angel. And you.. " Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Hindi niya ako papatayin? "You are different angel.. I feel something about you. I feel like I want to protect you." Doon ay napatingin ako sa kaniya. Bakit parang pamilyar ata sa akin ang mga katagang yun? Hindi ko alam ang sasabihin kaya nanahimik ako pero nakatingin pa rin sa kaniya. "We're here. " Agad na napatingin ako sa destinasyon na narating namin. At laking gulat ko nang makita ang isang napakalaking building na nagngangalang Hotel&Resto na siyang pinakamalaki at pinakamahal sa bansang ito. Ito rin ay isa sa pinakamaganda at malago sa buong mundo. Ang restawrant dito ay napaka sikat dahil ang mga pagkain ay dito mo lang makikita at matitikman. Nag iisa lang din ito kaya kadalasan sa mga customer ay nanggaling pa sa ibang bansa para lang makakain sa resto nila. Samantala ang mga kwarto dito ay talagang masasabi mong isang paraiso. Kompleto sa lahat. At talagang makokontento ka sa mga serbisyong inaalay ng mga tao dito sa mga bisita. Pero kahit anong yaman mo pa, hindi ka basta bastang makakapag check in or makakapag reserve sa resto at hotel rooms nila. Kahit ang presidente nga kailangan pang magpa appointment para makakuha ng reservation dahil talagang hindi ito pangkaraniwan. Kaya nga, "Ano pong ginagawa natin dito? " Tanong ko kay Heitor nang inakay niya ako palabas ng kotse niya. Naramdaman ko naman agad ang pagpulupot ng isang braso niya sa bewang ko dahilan kung bakit napakagat ako ng pangibabang labi. Pero sa oras na ito, mahina lang ang pagkagat ko dahil ayokong sipsipin naman niya ang dugo kapag nagsugat ito. Pero parang masusugatan talaga dahil napalakas ko ang pagkagat dahil naramdaman ko rin bigla ang hininga niya sa likod ng tenga ko nang yumuko ito. Hindi pa kami nakakapaglakad at nandito parin sa parking lot ng building. Makikita mo dito, napakaraming mamahaling mga sasakyan. "Angel, cut that 'po' okay. I am not your daddy so don't speak to me like that. But I don't mind you calling me daddy... baby girl. " Ramdam ko na parang biglang nanginit ang mukha ko. "Cute." Napatingin ako sa kaniya. Doon ko lang rin napagtanto na talagang napaka tangkad niya dahil talagang nakatingala ako para lang makita ang mukha niya habang siya namay nakayuko para rin matignan ako. Hanggang kilikili niya lang ako. Nang matignan ko siya, doon ko unang napagtanto ang sinasabi nilang paruparu sa tiyan. Ganito pala ang pakiramdam. Nakangiti na naman siya na pangalawang beses ko ng nakita. At uli, napatameme na naman ako. Alam kong pruweba na ang mga napakaraming babaeng naglalaway sa kaniya. Tanda ng isang pagiging makisig nito. Pero sa mga sandaling ito, nakikita ko ang bawat parte ng mukha niya dahil sa lapit ng pagtititigan namin. Mga parte na parang inukit ng isang Diyos. Diyos ng impyerno. Napaka perpekto ng bawat detalye. Walang mapipintas. Talaga bang ito ang sinasabi nilang pumapatay? Ang binansagang demonyo? Ang isa sa pinakawalang puso, awa at napakasama? Bakit parang hindi ko ito nakikita sa kaniya? Bakit sa mga mata ko, isa siyang anghel na nakabalot lamang ng itim na liwanag? "Angel, you.. staring at me like that. Do you want me to claim you right here, right now? " Napakurap ako. "H.. Hu.. " Ngunit napatigil ako nang sa ikalawang pagkakataon din, naramdaman ko ang isang malambot na bagay na dumikit sa labi ko. Pero hindi ito dumikit para sumipsip ng dugo dahil sinigurado kong hindi ko na susugatan ang labi ko sa pagkagat. Ramdam ko ang labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang gumalaw ito at dinilaan ang nakatiklop kong mga labi. Sa ibaba at taas, dinilaan niya iyon hanggang sa nakaramdam ako na parang sinusundot ng dila niya pabukas ang mga labi ko. Wala sa sariling bumuka ito at halos matumba ako sa panginginig nang ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko saka ito ginalugad. Kung hindi dahil isang braso niyang nakapulupot sa bewang ko, panigurado ang pagsalampak ko sa sahig ng parking lot na ito. Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na ba ang lumipas, naramdaman kong parang nauubusan na ako ng hininga pero patuloy parin si Heitor sa paggalugad ng bibig ko. Ramdam ko ang paglalim nito. Palalim na palalim. Nakakalunod. Hindi ako makahinga. Sinubukan ko siyang itulak pero ayaw niya. Bakit ayaw niyang tumigil? Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha ko dahil parang mahihimatay na ako sa kawalan ng hangin. Ganito ba niya pinapatay yung mga babae niya? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD