bc

KEN This Be Love? ( Completed )

book_age4+
319
FOLLOW
1K
READ
student
drama
tragedy
comedy
sweet
school
like
intro-logo
Blurb

First love ko si Ken, ang pinaka-sikat at heartthrob nang aming school. Suplado ito sa lahat kaya imposible'ng mapansin n'ya ako lalo na't gusto rin ito nang pinaka-maganda sa aming School na si Lucille. Pero kahit ano pa'ng pangbubuska nang aking mga kaibigan... si Ken parin ang gusto ko.

Si Ken ang laman ng aking mga panaginip, ang lagi'ng topic sa aking Diary, ang pampagising ko tuwing inaantok ako sa klase. Isa'ng pangarap ang mapansin ni Ken kaya gano'n na lang ang aking galak nang sabihin niya'ng gusto niya ako sa mismo'ng araw ng mga puso. At nang araw ding 'yon ikinasal ako kay Ken--Sa Marriage booth ng aming school. Mula noon ay kay Ken na umikot ang mundo ko.

Pero hanggang kailan? Hanggang kailan kami pagtitibayin nang panahon sa bata naming pagibig?

DATE STARTED : Jan. 28, 2020

DATE FINISHED : Feb. 14, 2021

chap-preview
Free preview
Chapter One - Si Ken
"Attendance!" Ang malakas na sabi ng guro namin sa math at adviser na si Mrs. Capre. Umayos kaming magkaka-klase ng upo dahil kilalang istrikto ang Ginang. Ayaw nitong lalamya-lamya sa subject nya kaya isa ito sa terror Teacher ng aming paaralang sekondarya. Nagsimula nang magtawag ng pangalan ang guro. "Salinay Daril" "Present!" Tugon ng kaibigang nasa unahan ko. Ang tomboyish sa aming barkada. "Mateo Michelle" "Present!" Sagot naman ng pinaka-mataray at feeling maganda sa aming magkakaibigan. Isa din ito sa palaban. "Villeza Rose Ann!" Napalingon kami sa isa pa naming kaibigan na hindi natugon kay Maam. Nakasubsob ito sa libro na akala mo'y busy sa pagbabasa noon pero ang totoo'y may pocketbook na nakasingit sa libro nya. "Hoy Osang, tawag ka ni Maam." Pabulong na wika dito ni Daryl. "Tawag ni Maam ang name mo, tang'nang ito aga-aga kung ano-ano na'ng binabasa." Komento naman ni Katness. Ang pinaka-prangka at harot sa grupo na katabi ni Rose Ann sa likuran. Pigil lang ang tawa namin dahil baka mapansin kami ng guro. Ako ay pasimple pang kumuha ng panyo at itinakip kunwari sa labi para di makita ang ngiti ko. "Absent ba si Villeza?" Ayan na nga, "Maam hindi po." Mabilis na sagot ni Rose Ann matapos tumayo. "Eh bakit di ka sumasagot ng present? Gusto mong lagyan kita ng X sa attendance?" Masungit na tanong ni Mrs. Capre. "S-Sorry po Maam, binge lang." Lalo kaming napatawa sa sagot nito. Kanya-kanya kaming yukuan para itago ang halakhak naming walang tunog. Isa sa talent naming magkaka-barkada ang tumawa ng tahimik. Kung ayaw naming mapa-squat sa unahan. "Ang bata mo pa binge kana? Sit Down!" Naupo na ulit ang kaibigan namin. Muling nagtawag ng pangalan ang guro. "Pasion Analuna!" Aba ang sweet ng pagkakatawag ni Maam sa pinaka-paboritong estudyante at Top two na kabarkada rin namin. Na sa sobrang talino ay nanlabo na ang mata kaya sa edad na kinse ay naka eye glass na ito. "Gaogano Vivian!" Yes present! That's Me. Vivi kung tawagin ng lahat. Vivz naman para sa mga kaibigan at Vivingka ang tukso sa akin ng mga kalaro ko nung mga bata pa kami. Labing limang taon at kasalukuyang third year high school sa Sto. Domingo National High. Anim kaming magkakaibigan na kapwa magkakaklase sa Junior class A section Isaac Newton. Isinunod sa name ng mga Scientist ang lahat ng section doon. Si Katness, Daryl, Analuna, Michelle, RoseAnn at Ako ay magkakaibigan na mula pa noon. Elementary palang ay magkakasama na kami at iisa lang ang barangay namin ng dalawa sa kanila. Kung ilalarawan ko ang hitsura ng lahat ay wala namang pangit sa amin----yun nga lang wala ring maganda. Hehehe! Ang ibig kong sabihin ay mga simpleng mag-aaral lang kami ng SDNHS. Yung tipong di Pansinin, mga commoner ganon! Pero masaya kami at matibay naman ang aming samahan lalo na pagdating sa kalokohan. Nagkakaaway-away man ay di naman nagta-trayduran at nagkakabati rin agad. "Hayss, malapit na naman ang Valentines, kokonsensyahin na naman ako ng puso ko at itatanong kung kelan ako magkaka-love life." Ang emoterang wika ni Katness nang naglalakad na kami patungong canteen. Nadaanan kase namin ang mga nagsabit na puso sa paligid ng paaralan. May mga estudyante pa na kabilang sa student council ang namataan naming gumagawa ng ilang booth sa may tapat ng stage kung saan ginaganap ang flag ceremony. "Atat na atat ka talagang magka-jowa no?" Sabi ni Daril dito na pinaka-mapangasar sa lahat. "Oo bakit ikaw ba hindi?" "Hindi, bata pa kase ako." "Asus ang sabihin mo wala kaseng nanliligaw sayo." Buska ni Katness na ikinatawa namin. "At nagsalita ang may manliligaw. Sige nga asan?" Ganti ni Daril. "Marami sila." Defensive na sagot pa ni Katness "Marami sa panaginip." Natatawang sabat ni Michelle. Muli kaming nagtawanan dahil sa narinig. Sumimangot lang ang babae pero natawa rin pagkuwan sa takbo ng usapan. "Pero nakaka-in love namang talaga pag valentines." Ani Analuna nang nakapila na kami sa cashier ng canteen. "Oo nga sarap siguro nung may ka-date kahit sa JS Prom lang." Sangayon ni Michelle. "Yun nga lang di naman tayo pinapansin ng mga crush natin. Hindi kase tayo magaganda." May himutok na saad ni Katness. "Wag ganon mga Bes, walang ipinanganak na pangit." Pampalakas ko nalang ng loob namin. "Di tayo pangit, pero di rin tayo magaganda. Tapos!" Si Analuna. "Maligo na kase tayo araw-araw." Diga pa ni Daril na ikinahalakhak ulit namin. "Hoy Rose Ann ibaba mo nga yang binabasa mo, ka-aduwa kana." Asik ni Michelle sa kaibigan naming nasa mundo lagi ng pocket book. "Pakialamera ka talaga, malay mo dito ako makakita ng ka-Valentines." "Edi halikan mo yang pocketbook." Muli kaming nagkatawanan. Dahil kalahating oras ang reccess ay pumila kami sa libreng sopas at tinapay saka naghanap ng upuan doon. Sa pampublikong paaralan tulad ng SDNHS ay may tinatawag na feeding program dalawang beses sa isang linggo kaya yun nalang ang kinuha namin para makatipid sa baon. Nakaupo na kami sa table nang biglang pumasok sa loob ng canteen ang isa sa pinakamaganda sa paaralan namin na si Lucille o mas kilala bilang Tres dahil pangatlo daw sa magkakapatid kaya tinawag na Tres. Graduating student, maganda at maraming admirer. Kaya naman halos lahat ng nasa canteen ay pinagtitinginan sya nang pumila sa cashier. "Kung ganyan lang sana tayo kaganda, baka pila-pila narin ang manliligaw natin." May paninibughong sabi ni Michelle habang nakatingin kay Tres. "Oo nga tingnan mo nasa una na agad ng pila, ang ganda kase." Sangayon ni Daril. "Maganda nga pero deadma naman sa crush nya." Pabulong na sabi naman ni Katness. Tahimik lang kaming tatlo nila RoseAnn at Analuna bagamat sumasabat kami minsan sa usapan. "Sino bang crush nya?" Tanong ni Michelle. "Edi si Ken, sino paba?" Sagot ni Katness. Lihim akong natigilan nang marinig ang pangalang iyon. Dahil lihim sa mga ito na si Ken ang itinatangi ng puso ko. Ang hearthrob ng school na kaklase ni Tres at Varsity player ng basketball team. Katapat lang ng bahay namin ang bahay nila at halos sabay kaming lumaki pero never akong pinansin ng binatilyo. Kahit pa nga kalaro ito lagi ng kuya ko ay ni hindi manlang ako binati kahit minsan. Di ko tuloy masabi sa iba ang nararamdaman ko dahil ayokong makarating dito ang tungkol doon. Pero nang narinig kong may gusto si Tres kay Ken ay nagdulot yon ng ibayong takot sa puso ko. Wala akong pakialam kung gustuhin si Ken ng lahat ng mga babae sa school dahil di naman ito nababalitang may pinansin sa mga iyon. Pero paano kung si Lucille na yon? Anong gagawin ko? Sa ganda nito ay imposibleng di sya patulan ng crush ko. Hanggang makauwi tuloy ng bahay ay iniisip ko ang tungkol doon. Hanggang utusan ako ni Mama na hatdan ng ulam ang Mama ni Ken at dahil bunso ay ako ang utusan ng ina. Pero okey lang basta sa bahay ni Crush. Nag-polbo muna ako at nagsuklay ng buhok bago sinunod ang utos ni Mama. Kainis lang yung pimples ko na dina nawala. Isang linggo nang naka-display sa noo ko kaya pakiramdam ko tuloy lalo akong pumangit. "Tao po Aling Gloria." Katok ko sa maliit na gate ng mga Gillermo. "Oh Vivian ikaw pala." Ang magiliw na salubong sa akin ng Mama ni Crush. "Ito daw po ang ulam, pinabibigay ni Mama." Sabi ko. "Ay salamat kamo, halika pasok ka muna at isasalin ko pa ito. Tamang-tama di pa nakain si Ken." Masaya akong sumunod sa ginang. Solong anak si Ken at nasa barko ang tatay nito. Kami naman ay tatlo at bunso ako. Ang Papa ko ay sa malayo nakadestino at umuuwi lang tuwing ikatlong bwan. Pagpasok sa loob ay pinaupo muna ako sa sofa. Palinga-linga ako para hanapin si Ken. Todo kwento naman ang Mama nya. "Hintayin mo na ang niluluto ko Vivian ha. Sabihin mo sa Mama mo sinubukan kong gayahin ang pinakbet nya. Tikman kamo." Ani aling Gloria. "Sige po." "Maiwan muna kita." Naging busy na sa paghahalo ang ginang nang makarinig ako ng yabag mula sa taas ng hagdan. Kumabog ng husto ang dibdib ko ng bumaba doon ang h***d barong si Ken. Dahil nasa tabi ako ay hindi nya agad ako napansin. "Ma anong ulam?" Tanong nito. Deretso sa table at kumuha ng mansanas doon saka kinagat. "Nagluluto pa. May dala si Vivian nasa table." Malakas na sagot ng ina nito. Saka lang nya ako nakita nang lumingon sya sa gawi ko. Bahagya itong kumunot ang noo. "H-hi, " wala sa loob na bati ko. Tumango lang ito sa akin at mataman lang akong minasdan habang nanguya ng mansanas. Pigil ang paghinga ko ng mga sandaling yon. Bakit naman ganon ito kung makatingin? Diko tuloy malaman kung saan ipapaling ang ulo. "Hija eto na luto na ang ulam, dalhin mona sa Mama mo." Ani aling Gloria. "S-salamat po." Iniwasan ko nalang na muling mapatitig sa binatilyo. Nahirapan akong makatulog nang gabing yon dahil sa kakaisip kay Ken. Yung titig nito sa akin habang kumakain ng mansanas. Yun ang diko malimutan. Kaya kinuha ko nalang ang aking diary at nagsulat ng tungkol sa binata. Dear Diary, Tinitigan ako ni Ken at kinikilig ako. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
239.7K
bc

Rewrite The Stars

read
95.3K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

WHAT IF IT'S ME

read
67.0K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook