[Jack] Galit na ibinato ng binatang si Jack ang hawak na cellphone. Halos maglabasan ang ugat sa kanyang kamay dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao. Talagang sinusubukan ni Farrah ang pasensya niya. Hindi ito nakinig at sinuway ang mga utos niya. Alam niya ang lahat ng kilos at galaw ng dalaga. Marami siyang tauhan na nakabantay rito ngayon upang i-report sa kanya ang lahat ng mga ginagawa nito. “Miss Mariano, prepare the chopper right away because I’m going home.” Utos niya sa secretary na may edad na. “But, sir, we have an urgent meeting—” “Cancel it.” Madilim ang mukha na utos ng binata, hindi na nagsalita pa ang matandang babae para tumutol pa. Alam nito na hindi maganda ang mood ng kanyang boss at hindi din pwedeng baliin ang utos nito. “Yes, sir!” Tugon ng secretary ng binata.

