[Farrah] Pakanta-kanta pa siya habang naliligo. Umalis na ang kuya Jack niya at naiwan siyang mag isa. Lahat ng bilin at utos nito sa kanya bago umalis ay tinanguhan lang niya lahat. Pero ang totoo ay wala siyang balak sundin ang mga 'yon. Ngayon pa kung kailan buo na ang desisyon niya na gawin ang masasayang bagay habang bata at wala pa siyang asawa. Twenty-one years n'yang hinayaan na makulong lang sa paaralan at bahay. Kaya wala naman masama kung gigimik siya kasama ng mga kaibigan niya. Sa katunayan ito rin ang gusto ng mommy niya— ang enjoyin ang pagkadalaga niya. Pagkatapos maligo ay nagsuot siya ng fitted jeans, white t-shirt, at rubber shoes. Ngayon ay magsa-shopping sila. Gagamitin niya ang pera na naipon niya mula sa binibigay na allowance sa kanya. Malaki ang naipon niya dahi

