[Farrah] Imbis bitiwan ang hita niya ay mahina pa nitong hinampas ang pang upo niya, kaya naman ang pisngi niya ngayon ay alam niyang pulang-pula. Sana pala ay nag inom na lang siya ng marami kanina, para hindi siya nakakaramdam ng takot ngayon rito. Simula ng sumakay sila ng kotse nito ay wala itong kibo. Napakadilim ng mukha nito ngayon na para bang galit na galit. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mata ang pagtiim ng bagang nito. Halos hindi niya magawang mahakbang ang mga binti palabas ng kotse dahil sa kakaibang takot na lumukob sa katawan niya. Tila natuod ang kanyang buong katawan at hindi magawang gumalaw. Saka lamang siya natauhan ng biglang hinila siya sa braso ng kuya Jack niya na nasa labas na pala ng sasakyan. Walang salitang ipinatong na naman siya nito sa balikat. Noong na

