[Farrah] Parang bumalik siya sa dati. Umikot na naman ang araw niya sa University at bahay. Hindi siya makahanap ng tiyempo para umalis dahil bantay-sarado siya ng kuya Jack niya. Ito mismo ang naghahatid-sundo sa kanya. May palagay pa nga siya na hindi ito umuuwi para hintayin siya sa labas ng pinapasukan na unibersidad. Tahimik na sumakay siya sa kotse nito ng pagbuksan siya nito ng pinto. Nang tanungin siya nito kung kamusta na ang araw niya ay isang maikling ‘okay lang’ ang sagot niya. Hindi na ito muling nagtanong sa kanya. Napansin siguro marahil nito na wala siya sa mood makipag usap rito. Katulad noon ay marami na naman itong ipinagbawal sa kanya. Bawal sumama sa mga kaibigan niya at makipagkita kahit kanino. Pati ang paglabas sa bahay ng hindi ito kasama ay bawal. Noong una ay

