[Farrah]
"THANK you, kuya!" Masayang yumakap siya sa kuya Jestoni niya ng i-abot nito sa kanya ang regalo para sa ika-sixteenth birthday niya.
Isa itong magazine na mayro'ng autograph ng isang sikat na Hollywood star na iniidolo niya. Halos maiyak siya sa sobrang tuwa.
Hindi nagpapatalo naman na lumapit sa kanya ang kuya Justin niya at inabot ang isang kahon ng regalo. Sa ngisi palang nito ay may hinala na siya na hindi lamang basta simpleng regalo ang laman nito.
"Buksan mo na, baby. Nang makita mo kung gaano kalupit ang kuya mo pagdating sa pagreregalo." Mayabang na saad nito.
Isang tili ang kumawala sa labi niya ng makitang isang 'brief' ang laman ng kahon. "Kuya naman, eh!" Nagsisimula na naman itong asarin siya.
"Why? Dapat nga ay matuwa ka dahil 'brief' 'yan ng idol mo—"
"Yùck! Ayoko nito, no! Hindi naman 'to sa kanya. Sigurado ako na 'brief' mo 'to, eh!" Maging ang mommy at daddy niya at natawa sa kanyang sinabi.
Kahit kailan talaga ay mahilig man-trip itong kuya Justin niya.
Kada-taon ay palaging engrande ang birthday niya. Pero ngayong taon ay simpleng selebrasyon lang ang hiniling niya sa magulang— hindi dahil ito ang gusto niya, kundi ito ang gusto ng kuya Jack niya.
Iniwas niya ang mata sa kuya Jack niya ng makitang nakatingin sa kanya ang kulay abong mata nito sa kanya. Sa nakalipas na mga taon ay gano'n pa rin ang tingin nito sa kanya— malamig at walang emosyon.
"Happy birthday again, baby girl." Nakangiting yumakap sa kanya ang mommy niya at gano'n din ang daddy niya.
"Where do you want to go? Korea? Japan? Hawaii? Brazil?" Tanong naman ng daddy niya.
Lahat ng mga 'yon ay gusto n'yang puntahan. Saglit siyang sumulyap sa kuya Jack niya. Sinabi niya sa magulang ang gusto nitong marinig, hindi ang gusto n'yang sabihin.
"Dad, ayokong umalis ng bansa. Sa susunod na kapag nasa tamang edad na ako." Aniya na nilakapan ng ngiti ang labi.
"Baby, hindi ka ba nababagot? Aba'y sa bahay at eskwelahan lang umiikot ang buhay mo. Why don't you invite your friends and go somewhere else? Like shoppings." Giit ng ina.
Kagat ang labi na nagyuko siya ng ulo. Pinipigilan n'yang sabihin sa mommy niya ang totoong saloobin niya.
Nanigas ang katawan niya ng maramdaman ang pagyakap sa kanya ng malaking katawan na kilalang-kilala niya ang amoy.
"Happy birthday, baby." Bulong nito sa tenga niya. Pero imbis matuwa sa pagbati nito ay nanindig ang balahibo niya dahil parang pagbabanta iyon sa pandinig niya.
Masaya siya at sobrang nagpapasalamat dahil mahal siya ng mga taong umampon sa kanya. Pero sa tuwing nasa paligid ang kuya Jack niya ay nababalot ng takot ang pagkatao niya.
Sabagay, ano ba ang bago? Wala naman.
Simula pagkabata ay magaspang na ang trato nito sa kanya. Kailanman ay hindi siya nito itinuring na kapatid. Wala itong pagpapahalaga sa kanya o katiting na pagmamahal. Bantay-sarado nito ang kanyang kilos o galaw.
Marami siyang bawal gawin kapag hindi kasama ang magulang o mga kuya niya. Katulad ng lumabas ng bansa, lumabas ng Villa ng lagpas sa kalahating oras, bawal magpunta ng malls, restaurants, bawal makipag-usap ng matagal sa kahit na sinong kakilala— especially kapag lalaki, at bawal na rin ang mga birthday party. Hindi alam ng parents nila ang mga pinagbabawal ng kuya Jack niya.
Ayaw niya kasi na maulit ang nangyari noon. Nang dahil sa pagsusumbong niya ay nasuntok ito ng kanilang daddy. Kaya simula noon ay walang angal na sinusunod nalang niya ang lahat ng utos o bilin nito.
Pagkapasok niya sa kwarto ay agad siyang naligo bago humiga sa kama sa kama niya. Tuwang-tuwa na niyakap niya ang magazine na niregalo sa kanya ng kuya Jestoni.
Crush na crush niya talaga si Finn, isang Hollywood actor.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto pero hindi siya lumingon sa pag-aakalang ang mommy niya ito.
"I love you, Finn—" Nagulat siya ng mawala mula sa pagkakayakap niya ang magazine na regalo ng kuya Jestoni niya.
"K-Kuya J-Jack—"
"I love you?" Madilim ang mukha na tumingin ito sa kanya. "Tangina, sixteen ka pa lang pero naglalandi ka na? May pa-I-love-you ka pang nalalaman." Nanlaki ang mata niya ng ibagsak nito ang magazine sa sahig at apak-apakan. "From now on ay bawal ka na ng mga ganito. Mas mabuti pa na mag-aral ka nalang ng mabuti ng sa gano'n ay magkaro'n naman ng silbi ang pagpapaaral sa'yo nila mommy at daddy."
Hindi pa nakuntento ang kuya niya, sa mismong harapan niya ay pinagpupunit nito ang magazine. Wala siyang nagawa kundi ang magyuko ng ulo at pigilin ang pag iyak. Ayaw n'yang umiyak dahil mas lalo lamang itong magagalit, at sasabihin na nag-iinarte lang siya para kampihan na naman ng kuya Jestoni o kuya Justin niya.
Nang makaalis ito ay saka niya dinampot ang magazine na ngayon ay nagkalat na ang punit na piraso sa paligid.
Mabilis n'yang pinahid ang luha sa pisngi ng tumulo ito. Siyam na taon na pero hindi pa rin siya masanay-sanay sa ugali ng kuya Jack niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito tanggap bilang kapatid. Mabuti na lamang ay mahal na mahal siya ng kanilang mommy at daddy, at syempre pa ng kanyang dalawang kuya na sina Jestoni at Justin, kundi ay malulunod talaga siya sa lungkot.
.
.
.
.
Pilit na pinasigla niya ang awra sa harapan ng kanilang magulang habang kumakain sila. Talagang masama ang loob niya dahil sa ginawa ng kuya Jack niya sa magazine ng idol niya.
"Farrah, is that true?" Untag ng mommy niya ng may panunukso na ngiti habang nakatingin sa kanya.
"P-Po?" Aniya sa utal na tinig. Nakikita niya kasi na nakatingin sa kanya ang kuya Jack niya kanina pa, kaya naman hindi siya mapakali sa kinauupuan niya.
Natawa ang daddy niya habang napapailing pa ang ulo, katulad ng mommy niya ay mayro'n itong panunukso na ngiti. "Lumilipad ang isip ni Farrah, malamang nga ay tama ang sinabi nitong si Justin. Mayro'n ng crush itong anak mo sa kanyang pinapasukang paaralan."
Namula ang pisngi niya, at agad din na umiling. "Naku, mommy, daddy, wala po akong crush sa school. Si Finn lang po ang crush ko." Pagsasabi niya ng totoo.
"Farrah, baby, walang kaso sa amin ng daddy mo kung magkagusto ka kahit kanino. Normal lang sa isang teenagers ang magkagusto o may magustuhan, basta huwag mo lang kalilimutan ang bilin namin palagi sa'yo na dapat ay pag-aaral pa rin ang mauuna, hmm?"
Nakangiting tumango siya sa mommy niya. "Yes po, mommy, daddy." Aniya sa dalawa.
"Ihanda niyo na ang mga sarili ninyo, mom, dad, sa ganda ba naman nitong baby girl natin 'sigurado ako na maraming aakyat para manligaw dito. Parang dati lang ay iyakin at uhugin pa itong si Farrah, ngayon ay nagdadalaga na. Ang bilis ng panahon."
Nakangusong tiningnan niya ng masama ang kuya Justin niya. "Anong uhugin, kuya? Iyakin ako, oo, pero iyong 'uhugin? Hindi kaya!" Natawa lamang ito katulad ng kanilang magulang. Kung narito lang sana ang kuya Jestoni niya ay may kakampi sana siya, nagmamadali itong umalis dahil nagkaro'n ito ng emergency meeting.
Dinampot niya ang baso para uminom ng juice. Sumakit ang ilong niya ng maglabasan ang juice sa kanyang ilong— paano kasi ng mapatingin uli siya sa kanyang kuya Jack ay napakadilim ng mukha nito.
'May nagawa ba akong mali?' Takot na tanong niya sa sarili. Ngayon palang ay natatakot na siya para sa kanyang sarili. Kailangan n'yang bilisan sa pagkain at magkulong sa kwarto. Kailangan niya itong maunahan na tumayo dahil tiyak na makakatikim na naman siya ng hindi magandang salita dito sa oras na maabutan siya nito. Sigurado siya sa bagay na 'yon. Dahil sa tuwing ganito ang klase ng tingin nito ngayon ay tiyak siya sa isang bagay...
Galit ito kahit walang malinaw na dahilan.
Bigla ang pagtambol ng dibdib niya ng sabay pa silang tumayo ng kuya Jack niya. Mukhang katulad niya ay nagmamadali ito.
"Akyat na po ako sa kwarto ko, bye!" Mabilis na tumakbo siya pa-akyat sa kanyang kwarto. Alam niya na nagtataka ang magulang at kapatid sa inasal niya. Pero kailangan niya kasing mauna sa kwarto niya— nahigit niya ang hininga ng may malakas na kamay ang pumigil sa payat n'yang braso.
Napapikit siya at bumuga ng hangin bago humarap sa kuya Jack niya. "Totoo ba ang sinabi nila mom, and dad? Huwag mong subukan na magsinungaling sa akin, Farrah. Kilala mo ako, malalaman ko ang totoo kahit magsinungaling ka pa sa akin." Mabagsik na wika nito, katulad kanina ay madilim ang mukha nito, halatang galit.
"K-Kuya naman, bakit naman ako magsisinungaling—"
"Siguraduhin mo lang, Farrah. Ayaw ko lang na masayang ang ginawang pag-ampon sa'yo ng magulang ko. So instead of flirting, you should study hard, so that you can be useful one day in the management of this family's businesses." Maanghang na wika nito bago siya iniwan.
Pagpasok sa kwarto ay pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama.
Dati ay hindi niya maintindihan kung bakit palaging nakabantay o nakamasid ang kuya Jack niya sa kanya— pero ngayon ay sigurado na siya sa isang bagay, iyon ay para bantayan ang bawat pagkakamaling magagawa niya. Sa tuwing nagkakamali kasi siya o may nagawa siyang hindi nito nagustuhan ay palagi itong galit o may nasasabi sa kanya.
"Hay naku, Farrah, masanay ka na lang sa kanya." Wika niya habang nakatingin sa kisame ng kwarto niya.
Saka malabo na mayro'ng magkagusto sa kanya sa eskwelahan niya. Bukod kasi sa takot ang mga ka-schoolmate niya sa mga kuya niya, hindi rin naman siya palaayos. Oo, ang sabi ng marami ay maganda siya, pero pagdating sa pagporma o mga suot ay napapailing ang sinuman na makakita sa kanya.
Sobrang haba kasi ang palda niya. Palagi pa nga siyang natutukso na tinalo pa niya sa pahabaan ng palda ang matandang dalagang guro sa paaralan nila. Ang blouse na suot niya ay palagi din maluwag para takpan ang malaki n'yang dibdib. Sixteen palang kasi siya pero namumutok na ang dibdib niya sa laki.
"Hays... kailan kaya babait sa akin si kuya Jack?" Natanong na lang niya sa sarili.