[Farrah]
"Farrah, sumama ka na sa amin. Gusto mo ba ipaalam kita sa mommy mo? Saglit lang naman tayo sa bahay nila Emily."
"Alam mo ang kulit mo. Hindi nga ako pwede, di'ba. Next time nalang." Aniya.
Umingos si Rika. "Ilang next pa ang sasabihin mo sa amin? Hello, sixteen na kaya tayo."
"Pasensya na kayo, ha. Hindi talaga ako pwedeng sumama sa inyo, eh. Baka magalit si kuya Jack." Sinukbit na niya ang bag niya. Mamaya ay darating na ang kuya Jestoni niya para sunduin siya. Salit-salitan sa pagsundo sa kanya ang kuya Jestoni at kuya Justin niya. Sinusundo din naman siya ng mommy at daddy niya pero bihira. Well, ang kuya Jack niya ay hindi pa siya nagawang sunduin- at hindi na rin siya umaasa pa.
.
.
.
KANINA pa siya naghihintay dito sa labas ng gate ng kanyang pinapasukang school. Ang kuya Jestoni niya dapat ang magsusundo sa kanya ngayon pero nagkaro'n ng major problem sa isa sa mga Dawson Companies. Nagkataon kasi na lahat ng kanilang driver ngayon ay may mga sakit at ang kuya Justin naman niya ay nasa Cebu, kaya naman ang kuya Jack nalang daw niya ang susundo sa kanya.
"Sigurado ka, Farrah? Ihatid ka na lang kaya namin."
"Naku wag na, Sally. Parating na rin naman si kuya Jack, eh." Tanggi niya sa alok nito. "Mauna kayo, di'ba makikipagkita pa kayo sa mga boyfriends ninyo?"
Agad na nagliwanag ang mukha ni Sally. Sina Emily at Rika ay nauna na dahil makikipagkita rin ito sa mga nobyo katulad ni Sally. Kaibigan niya ang mga ito. Minsan ay nagpupunta naman ito sa bahay nila. Pero kapag nalalaman ng mga ito na nasa bahay si kuya Jack ay hindi na tumutuloy ang mga ito. Halos lahat naman kasi ay takot sa kuya Jack niya.
Nakangiting kumaway pa si Sally sa kanya bago siya tuluyang iniwan. Tumingin siya sa suot na relo. Mag iisang oras na pero wala pa rin ang kuya niya.
Napabuga siya ng hangin.
May balak pa kaya itong sunduin siya? O baka hindi ito dumating dahil wala naman itong pakialam sa kanya? Sabay... bakit pa ba siya aasa na darating ito. Sigurado na hindi nito gugustuhin na pumasok siya sa kotse nito. Tila nandidiri ito sa tuwing didikit siya rito, o hahawakan ang anumang gamit nito.
Masakit sa dibdib- oo. Pero kailangan n'yang magtiis.
"Farrah!" Nakangiting lumapit sa kanya si Archie, isa ito sa kuya ng ka-schoolmate niya. Sa tingin niya ay mas matanda ito ng apat o limang taon sa kanya. "Wala pa rin ang sundo mo?" Tanong nito.
"Ah, oo. Kanina ko pa nga tinatawagan si kuya Jack pero hindi niya sinasagot ang tawag ko." Patuloy lang sa pag-ring ang cellphone ng kuya niya pero walang sumasagot- o baka ayaw lang talagang sagutin.
Sinubukan niya muling tawagan ang numero ng kapatid. Nang sumagot ito nakaramdam siya ng tuwa.
"Hello, kuya-" Kumunot ang noo niya ng marinig ang ingay sa kabilang linya.
"Oh my god, Jack! Ohhh, harder please!" Tinig ito ng isang babae na tila nasasaktan na ewan.
"Hello, kuya?"
"Ahhh, ahhh, you're so big, Jack! I'm c*****g- oohhh, oohhh, ang laki ang alaga mo-"
Mabilis na pinatay niya ang tawag at nandidiring tumingin sa kanyang hawak na cellphone habang ang kanyang pisngi ay namumula.
Kung tama ang hinala niya ay nakikipag-anuhan ang kuya Jack niya- eww! Kadiri naman!
"Farrah, hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Archie kaya agad siyang tumango.
"A-Ayos lang ako." Tabingi ang ngiting sagot niya. Nandidiri siya sa mga senaryong bigla na lamang lumitaw sa isip niya.
'Eww talaga!' Pakli ng utak niya. Hindi naman siya gano'n ka-inosente para hindi malaman na ungol 'yon ng dalawang nagtatalik.
Kasalanan ito ni Sally, eh. Pinanood ba naman siya ng porno sa banyo. Akala niya ay ano ang ipapakita nito. Iyon pala ay pòrn videos.
"Mukhang hindi ka pa yata masusundo ng kuya mo. Gusto mo ihatid na kita?"
Tumingala siya at napansin ang madilim na langit. Mukhang uulan pa yata.
"Tara na, Farrah. Ikaw din, kapag umulan ng malakas ay mababasa ka pa rito sa labas. Mukhang napakalakas pa naman ang parating na ulan dahil napakadilim ng langit."
Tama si Archie. Siguradong mababasa siya ng ulan dito sa labas.
Dapat pala ay sumabay na lang siya kay Sally kanina. Hindi rin pala siya masusundo ng kuya Jack niya- o baka sinadya nito na huwag siyang sunduin?
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib. 'Masanay ka nalang, Farrah!' Pakli ng isip niya.
"Sige, Archie, sabay na ako sa'yo. Pasensya ka na sa abala, ha. Akala ko kasi ay masusundo ako ni kuya Jack kaya hindi ako sumabay kila Sally kanina." Pumasok siya sa kotse nito ng pagbuksan siya nito ng pinto.
Alam niya na magagalit ang kuya Jack niya sa pakikipag-usap ng matagal sa isang lalaki. Lalo na kapag nalaman nitong sumakay pa siya sa kotse nito. Pero paano naman siya makakauwi? Ayaw naman n'yang tawagan ang mommy at daddy niya ngayon dahil ayaw n'yang pag-alalahanin ang mga ito. Nasa brazil ito para mag-enjoy at mag-honeymoon daw 'kuno. Saka baka magalit na naman ang daddy niya sa kuya Jack niya katulad noon.
"Ang swerte ko naman at napadaan ako dito ngayon." Todo ngiti na wika ni Archie matapos pausarin ang kotse.
Sobrang lakas ng ulan kaya halos hindi makita ang daan. Kumunot ang noo niya ng mapansin na huminto ang kotse. Malayo pa ito sa kanila. Wala rin bahay sa paligid.
Nilingon niya si Archie. "May sira?" Tukoy niya sa kotse.
Tumango si Archie. "Oo yata. Titingnan ko, pwede ba na payungan mo ako?" Pakiusap nito. "Ang lakas kasi ng ulan, eh ayaw ko naman na magkasakit."
Tumango na lamang siya at tinanggap ang payong na inabot nito sa kanya. Nauna siyang lumabas dahil siya ang may dala ng payong, pero ng pagkalabas niya ay napansin niya na iba ang lugar na pinaghintuan nila-hindi ito ang daan papunta sa kanila, kundi ang lugar na ito ay liblib, ngayon lamang niya napansin dahil sa sobrang lakas ng ulan at busy din siya sa pagtingin sa kanyang cellphone kanina.
Nagsimula siyang makaramdam ng kaba sa dibdib. Nang pumihit siya paharap para kunin sana ang cellphone niya ay bumangga siya kay Archie.
"Saan ka pupunta, Farrah?" May kakaibang ngiti na tanong ni Archie, hindi nito alintana ang pagbuhos ng malakas na ulan sa katawan.
"M-May kukunin lang ako-"
"Ito ba?"
Nanlaki ang mata niya ng makita ang cellphone niya na hawak nito. Binato nito ang cellphone niya sa malayo. Dala ng takot at mabilis siyang tumakbo palayo rito habang sumisigaw at humihingi ng tulong.
"Tulong!!!"
Subalit wala siyang nakita maski isang bahay man lang, o tao na maaaring tumulong sa kanya.
Malakas siyang napatili ng may humablot sa kanyang buhok- si Archie, na ngayon ay mayro'n ng mala-demonyong ngiti sa labi.
"A-Araayy..." Daing niya ng sipain nito ng malakas ang binti niya at apakan ang kanyang dalawang paa ng tig-limang beses.
"Tingnan ko nalang kung makatakbo ka pa." Tumatawang wika pa nito. Kung noon ay parang anghel ang awra nito sa paningin niya, ngayon ay hindi na. Ang tingin na niya rito ay isang napakasamang demonyo.
""Tulungan ninyo ako! Tulong!!! K-Kuya!!!!"
"Walang makakarinig sa'yo rito, Farrah, dahil tayong dalawa lang ang nasa lugar na ito." Panay ang daing niya sa sakit ng hilahin siya nito gamit ang mahaba n'yang buhok. "Wag kang mag-alala dahil matapos kitang pagsawaan ay hindi naman kita papatayin." Padaskol siya nitong itinulak sa damuhan. "Itatali kita sa isa sa mga punong narito at saka kita babalik-balikan. Alam mo ba na matagal na akong naglalaway sa'yo? Kaya nga pabalik-balik ako sa eskwelahan ninyo."
Pinandigan siya ng balahibo sa sinabi nito. N-Naglalaway daw? N-Nakakadiri!
"I-Isusumbong kita sa mga kuya ko..." Aniya na nagtatapang-tapangan pa.
Humalakhak ito na parang may nakakatawa sa sinabi niya. "Magsusumbong? Paano, Farrah? Sa tingin mo ba ay malalaman nilang narito ka ngayon?" Inayos niya ang mahaba niyang palda na nalihis. "Kahit malaman pa nilang narito ka ngayon ay huli na dahil sigudong nagalaw na kita."
"M-Maawa ka, Archie. M-Masama ang gagawin mo." Naghahalo ang tubig-ulan at luha niya. Maisip palang niya ang gagawin nito ay kinikilabutan na siya.
Takot na takot siya. Gusto n'yang tumakbo palayo, pero hindi niya magawang tumayo dahil sa sakit ng binti at paa niya. Basang-basa na siya ng ulan, bakas na ang suot n'yang bra, at ang hubog ng kanyang katawan kaya si Archie ay tila asong naglalaway.
Gumapang ang kilabot sa katawan niya ng maghubad si Archie ng kasuotan sa kanyang harapan. Agad na pumikit siya, pilit na inuusod niya ang katawan palayo habang nagdarasal na sana ay dumating ang mga kuya niya at iligtas siya.
"Waahhh!!! Bitiwan mo ako!!!" Malakas na pinagsasampal niya si Archie ng dumagaan ito sa kanya at nagsimulang halikan siya sa leeg.
Isang suntok sa sikmura ang nagpatahimik sa kanya, hindi lamang iyon, sinuntok din siya nito ng malakas sa ulo dahilan ng kanyang pagkahilo.
Dito na siya mamamatay. Iyon ang pumasok sa isip niya. Kung sana ay hindi nalang siya sumama rito ay hindi mangyayari ito.
Bago tuluyang mawalan ng malay ay malalakas ba mura ang kanyang narinig.
Mura ng kuya Jestoni niya. "Hayòòooop ka!!!"