[Farrah]
Walang patid ang luha niya habang nakayakap sa kanyang kuya Justin. Nang malaman nito ang nangyari sa kanya ay agad na umuwi ito gamit ang chopper ng pamilya Dawson. Ang mommy at daddy nila ay parating na rin.
Nawalan siya ng malay kahapon dahil sa natamo n'yang suntok sa ulo, at dahil na rin sa takot. Mabuti na lang at dumating ang kuya Jestoni niya bago pa magawa ni Archie ang masama nitong balak sa kanya.
"Shhh, you're safe now, baby." Masuyong hinaplos ng kuya Justin niya ang kanyang buhok habang patuloy ito sa pagpapatahan sa kanya.
Hanggang ngayon ay nangingilabot pa rin siya sa tuwing maaalala ang paghawak sa kanya ni Archie. Akala talaga niya ay mabuti itong tao pero hindi pala.
Napahiwalay siya sa kanyang kuya Justin ng makarinig ng malakas na kalabog.
"Tang ina mo! Kasalanan mo 'to, eh!" Nag aapoy sa galit ang mata na wika ng kuya Jestoni niya. "Napaka-gagò mo! Inuna mo ang kagagùha mo kesa ang sunduin si Farrah! Paano kung hindi ako dumating?"
Halatang galit na galit ito base sa pagtataas - baba ng dibdib nito. Ngayon lang niya nakitang ganito katindi ang galit ng kuya Jestoni niya, at nagawa pa ngang suntukin ang kakambal. Samantalang masama ang tingin ni kuya Justin kay kuya Jack. Maging ito ay halatang galit din.
Iniwas niya ang tingin ng makita ang pagtingin sa kanya ng kulay abong mata ng kuya Jack niya. Masama ang loob niya rito— o mas tamang sabihin na galit siya.
Muling dumaloy ang luha niya sa pisngi. Hindi niya mapigilan ang maiyak, hindi lamang dahil sa ginawa ni Archie, kundi dahil na rin sa ginawa ng kuya Jack niya.
Iyak ng iyak ang mommy niya ng makauwi ito. Ang daddy naman niya ay galit na galit sa ginawa sa kanya ni Archie. Sisiguraduhin daw ng mga ito na magdudusa si Archie at mabubulok sa kulungan habang buhay.
Narito sila ngayon ni manang Olga sa hagdan. Inaalalayan siya nitong bumaba dahil masakit ang paa at binti niya.
"What have you done?! Hindi ka ba nag iisip, ha?! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na may tamang proseso sa lahat!!!"
Natigilan siya ng marinig ang galit na boses ng daddy niya. Hindi palasigaw ang daddy niya. Ito nga ang may pinaka-mahabang pasensya rito sa loob ng kanilang bahay. Ngayong naririnig niya ang pagsigaw nito, isa lang ang ibig sabihin nito— galit na galit ito.
'Pero bakit kaya?' Ani ng utak niya.
Nang makababa siya ay dahan-dahan siyang sumilip sa living room. Nakita niya ang kuya Jack niya na dumudugo ang kamao. At base sa mukha nito ay parang handa itong pumatay ng tao!
Sinenyasan niya si manang Olga na tulungan siyang magpunta ng kusina. Nag aalala siya sa kamay ng kuya Jack niya. Sigurado na masakit ito.
Hindi kaya galit ang daddy niya dahil nanakit ang kuya Jack niya?
Halatang nagulat si kuya Jack ng makita siya sa kusina. Napansin niya ang mantsa ng dugo sa suot nitong leather jacket. Magulo ang blonde nitong buhok, habang ang dugo sa kamay ay patuloy sa pagtulo. Gusto sana n'yang gamutin ang kamay nito pero wag na lang. Ayaw pa naman nito na humahawak siya rito. Baka mamaya ay sa kanya pa tumama ang mala-bakal na kamao nito.
Saka naalala niya noong katorse anyos siya. Napahawak lang siya rito ng hindi sinasadya, pero ang kapalit noon ay itinulak siya nito sa swimming pool. Grabe ang trauma niya noong oras na iyon. Hindi niya nagawang lumabas ng kwarto at lumapit dito dahil sa ginawa nito. Sa isip niya noon ay baka anumang sandali ay ulitin nitong saktan siya.
Alam n'yang imposible — pero habang nasa harapan niya ito ay umaasa siya na hihingi ito ng tawad sa ginawa. Kahit hindi bukal sa loob ay tatanggapin niya.
Pero sadyang para rito ay isa lang talaga siyang hangin. Hindi na siya nito tinapunan ng tingin hanggang sa lumabas ito. Pinahid niya ang luha sa pisngi. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.
'Kailan kaya babait si kuya Jack sa akin?' Tanong niya sa isip.
KINABUKASAN ay nawindang na lang siya ng may dumating na mga pulis at hinanap ang kuya Jack niya. Nakita ng dalawang mata niya kung paano ito posasan ng mga pulis at dalhin sa police station. Ang daddy at dalawang kuya niya ay walang pagkagulat sa mukha na para bang inaasahan na nito ang mangyayari. Samantalang si mommy ay iyak ng iyak.
Lumipas ang isang buwan ay walang balita sa kuya Jack niya. Nang magtanong siya sa daddy at mga kapatid niya ay umiiwas ang mga ito ng sagot. Basta ang alam niya ay nakakulong pa rin ang kuya Jack niya. Iyon kasi ang narinig niya sa mommy niya habang kausap ang daddy niya dalawang buwan na simula ng dakpin sa mismong bahay nila ang kuya niya.
Noong una ay naninibago siya ng mawala ang kuya Jack niya. Hindi siya sanay na walang nagagalit, nag-uutos, o nangingialam sa mga ginagawa niya. Simula kasi noon ay wala na itong ginawa kundi manghimasok sa buhay niya at mga desisyon. Kaya nakakapanibago nang mawala ito.