5.

1249 Words
[Farrah] 5 years later... NAPABUGA siya ng hangin matapos isuot ang dress na binigay sa kanya ni Sally para suotin. Sa sobrang ikli nito ay kita na ang kuyukot niya, isang maling galaw maging ang panty niya at susungaw na rin. Ngayong araw ay isasama siya ng mga kaibigan bilang pagsi-celebrate nila dahil malapit na silang magtapos ng college. Ayaw sana niyang sumama, ang kaso ay napaisip siya na tama ang mga ito, kailan pa niya i-enjoy ang buhay dalaga niya kundi ngayon na wala pa siyang asawa. Nang bumaba siya ay halatang nagulat ang lahat sa ayos niya. Isang black spaghetti strapless cocktail dress ang suot niya. Ang mahaba niyang buhok na palaging nakatali ay inilugay niya at medyo kinulot ang dulo, nagsuot din siya ng two inches high heels sandals ngayon at hindi rubber shoes. Ang labi niya ay pinahiran niya ng pulang lipstick, kaunting blush on sa pisngi, at eyeliner sa mata. "My god, baby," Mangha na lumapit ang mommy niya sa kanya. "Hindi kita nakilala dahil mas lalo kang gumanda. Dalaga ka na talaga, Farrah anak. Parang kailan lang ay palagi ka pang nagpapa-baby sa amin ng daddy mo." "Tama ang mommy mo." Wika ng daddy niya. "Pero, baby, hindi ba masyado naman yatang maikli ang suot mo?" "Tsk. Tama si daddy, ang ikli masyado ng suot mo." Nakabusangot na segunda ng kuya Justin niya, katulad ng daddy niya ay halata ang pagkadisgusto sa mukha nito. Maging ang kuya Jestoni niya ay gano'n din ang hilatsa ng mukha. Mukhang kailangan n'yang magpalit ng suot. First time n'yang sasama gumimik sa mga kaibigan niya, pero mukhang hindi pa man siya nakakaalis ay mapupurnada pa. "Tumigil nga kayong tatlo!" Namewang ang mommy niya sa tatlong lalaki. "Ngayon lang nagsuot ng pantao ang kapatid niyo, at ikaw naman, Love, hindi ka ba natutuwa na mukha na talagang babae ang anak natin?" Napangiwi siya. Ngayon lang daw nagsuot ng pantao, at ngayon lang daw nagmukhang babae? Hindi niya alam kung ngingiti ba siya o mapapasimangot sa sinabi ng mommy niya, eh. "Mom, ihahatid ko na si Farrah—" "No, Jestoni! Alam ko na ang plano mo. Sigurado ako na hindi ka aalis sa tabi ni Farrah the whole time. Paano mag-eenjoy ang kapatid mo kung may nakabuntot sa kanyang aso?" "Mommy, hindi po aso si kuya." Natatawang wika niya, samantalang ang kuya Jestoni niya ay napapakamot nalang sa ulo. "Oh siya, umalis ka na, Farrah at huwag mo ng pansinin ang mga 'to. Go, have some fun and enjoy the night!" Halos itulak siya ng mommy niya paalis. Pinahatid siya ng mommy niya sa driver nila sa isang exclusive bar kung saan sila magkikita magkakaibigan. Habang sakay ng kotse ay panay ang hila niya pababa sa kanyang suot. Pagkababa niya ay napansin niya na pinagtitinginan siya ng lahat, lalo na ng mga kalalakihan. Nakaramdam siya ng pagkailang, pakiramdam niya kasi ay para siyang hinuhubaran dahil sa tingin ng mga ito. "Farrah!" Kumaway sina Rika, Emily, at Sally sa kanya, katulad niya ay maiikli din ang mga suot nito. "My gosh! Sabi ko na nga ba at bagay sa'yo ang cocktail dress na 'to, eh. Ang ganda mo, Farrah!" Papuri ni Sally sa kanya. Nagtakip siya ng ilong ng sumalubong sa kanya ang matapang na amoy ng usok ng sigarilyo. Halos hindi sila magkarinigan sa sobrang ingay. Mayro'ng mga nagsasayawan at halos magwala sa dance floor at halatang lasing na, mayro'n naghahalikan, naghihimasan, at halos magtalik na sa ibabaw ng mesa. "Jusko ko naman! Dapat pala ay hindi na ako sumama rito!" Pakli ng utak niya. Umupo silang magkaibigan sa four seater na mesa, mayamaya ay dumating ang inorder ni Emily na alak para sa kanila. Inabutan siya ng alak ni Sally na dahan-dahan n'yang ininom, napangiwi pa siya sa sobrang pait nito. Ito ang kauna-unahang tumikim siya ng alak kaya hindi pa siya sanay at nag-aadjust palang siya. "Sinabi mo na ba sa parents mo ang tungkol kay Mike?" Tanong ni Rika matapos inumin ang hawak na tequila. Umiling siya at Bumuntong-hininga. "Hindi pa, eh. Humahanap pa ako ng tiyempo." Sagot niya. "Ano ka ba naman, Farrah. Five months na kayong mag-on ni Mike, hindi ba nangako ka sa kanya na ipapakilala mo na siya sa pamilya mo? Nakakaawa 'yong tao, ang tagal kang niligawan at hinintay, pero mukhang hindi ka pa sure sa kanya." May himig ng pagkainis at sakit sa boses na wika ni Rika. "Guys, tingnan niyo, dali!!!" Excited na hinila siya sa kamay ni Sally, maging si Rika at Emily ay sumunod sa kanila. Napangiwi siya. Akala niya ay kung ano na, mayro'n lang palang nagsasayaw na lalaki sa gitna ng dance floor. Well, gwapo ang lalaki, at ang mga kasama nito. "O-Oh my god, si Miguel!!!" Tili ni Sally, sa sobrang kilig ay nahampas pa siya nito sa braso maging si Emily. Napangiwi pa silang dalawa ni Emily dahil ang sakit ng pagkahampas ni Sally sa kanila. Silang apat na magkaibigan ay fans ni Miguel. Walang babae ang hindi fan ni Miguel, bukod kasi sa angking karisma nito ay talented din ito, magaling sumayaw, magaling kumanta, at napakagaling pagdating sa pag-arte, kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagagawang tapatan ng kahit sino, tapos saksakan pa ito ng gwapo. Kaya binansagan itong 'The Epitome Of Perfection. Akmang lalapit siya kay Miguel kasama ang mga kaibigan niya ng mahagip ng kanyang mata ang isang lalaki na nakaupo kasama nila Miguel sa mesa. Biglang nawala ang kalasingan niya ng makilala ito— ang kuya Jack niya!!! Parang gusto n'yang tumakbo palabas ng bar ng makita ang naniningkit nitong mata habang nakatingin sa kanya. "Namamalikmata ka kang, Farrah. Imposible na makita mo ang kuya Jack mo rito dahil nasa kulungan siya." Kausap niya sa sarili habang nakapikit. Mukhang tama naman siya, dahil pagdilat niya ay wala na ang akala niya ay kuya niya sa kinauupuan nito. Hindi na siya tumuloy para magpunta kay Miguel, bumalik na lang siya sa mesa nila, hindi naman nagtagal ay bumalik din ang mga kaibigan niya. Lumapit sa kanya ang lalaki na nakita n'yang nagsasayaw kanina. "Hi, there beautiful." Bulong pa nito sa tenga niya, kaya napa-atras ang ulo niya. Kilig na kilig ang mga kaibigan niya at itinutulak pa siya palapit sa lalaki. Ang sarap kutusan ng mga kaibigan niya, nakalimutan ba ng mga ito na may nobyo na siya? "I'm Liam." Nilahad nito ang palad sa kanya. "Nice to meet you, Farrah. Ikaw pala ang dahilan kung bakit nababaliw ang kaibigan ko— fvck, Alaric!" Galit na sumulyap ito sa lalaking tinawag nitong Alaric ng batuhin nito si Liam ng baso sa likod, katulad ni Liam ay gwapo ito, no— hindi lang gwapo ang mga nakaupo sa mesa nila Miguel, kundi ubod ng mga gwapo, at kabilang ang nagpakilalang 'Liam' sa kanya. "Shut the fvck up, fvckers. Masyado kang madaldal, baka mamaya ay bala na ang tumama sa'yo ri'yan. Tsk, ang sama ng tingin niya sa'yo, baka matumba ka nalang bigla." Napalunok si Liam at tila bulang naglaho sa harapan niya. "Ano ba ang pinagsasabi ng mga 'to?" Napapailing na bulong niya. Mukhang mga lasing na ang mga lalaking 'yon at kung ano-ano na ang mga pinagsasabi. Muli n'yang ininom ang alak na inabot ni Sally sa kanya. "Yùck naman, Farrah!" Reklamo nila Emily ng maibuga niya ang alak sa mga ito. Sa ikalawang pagkakataon ay nakita niya ang nakatatandang kapatid n'yang si Jack na nakatayo sa isang sulok. "K-Kuya J-Jack?!" Nanlalaki ang matang bulalas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD