6.

1295 Words
[Farrah] Marahan n'yang hinilot ang sintido at pumikit. Pagdilat niya ay mahina siyang natawa, katulad kanina ay wala naman nakatayong lalaki sa sulok kung saan niya nakita ang kapatid. Hinila siya ni Sally, si Emily naman ay inabutan siya ng panibagong shot ng alak. "Mabuti pa at iinom mo na lang 'yan, Farrah. Hindi ka pa nga nakakarami tapos kung ano-ano na ang nakikita mo." "Rika was right. Bakit hindi na lang natin sulitin ang gabing 'to, wag mo ng isipin ang nakita mo, malay mo si kuya Jestoni ang nakita mo. Baka sinundan ka niya at nari'yan lang siya sa paligid. Imposible naman kasi na makita mo siya, di'ba nga ay nakakulong ang kuya Jack mo." Tumango-tango siya. Tama si Sally, imposible talaga na ang kuya Jack niya ang nakita niya. Limang taon na ang nakalipas ng makulong ang kuya Jack. Muntikan na itong makapatay kaya naman humarap ito sa patong-patong na kaso. Oo, galit siya rito. Sinisi niya ito kung bakit muntik na siyang magahasa noon. Kung sinundo sana siya nito ng maaga ay hindi siya muntik mapahamak sa kamay ni Archie. Tapos nakakatampo pa dahil bago ito nakulong ay wala siyang natanggap na 'sorry' mula rito. Sumama agad ito sa pulis ng hindi man lang siya kinausap. Napatunayan niya na hindi talaga siya nito mahal o itinuturing na kapatid ng araw na 'yon. Pero may parte pa rin sa puso niya na nalulungkot dahil sa pagkakakulong nito, lalo na ang magulang nila. Nagsimula ng umikot ang paligid niya dala ng alak na kanyang nainom. "Si Mike!" Agad na tumayo si Rika at sinalubong ang boyfriend niya. "Kanina ka pa namin hinihintay, tingnan mo si Farrah, nalasing na dahil sa ang tagal mo." "Pasensya na, nasiraan ang kotse ko." Lumapit sa kanya si Mike at hinalikan siya sa mabilis sa labi. "Bakit naman pinainom niyo ng marami si Farrah? Alam niyo naman na hindi umiinom 'to." Umingos si Sally. "Ano ang gusto mong gawin namin dito sa bar? Magkwentuhan lang, gano'n? Kaya nga kami narito para mag inom at mag-celebrate, e." "Ihatid mo na lang kaya si Farrah, Mike? Para makilala ka na rin ng parents niya- aray naman, Rika!" Reklamo ni Emily ng makatikim ng batok rito. "Gagà ka ba? Pangungunahan mo pa si Farrah. Baka mamaya ay magalit sa atin 'yan. Ako na lang ang maghahatid sa kanya." Wala na siyang maintindihan sa pinag uusapan ng mga ito, hindi lamang ang paningin o paligid niya ang umiikot, maging ang sikmura niya rin. "W-W-Wait..." Mabilis na tinakbo niya ang daan patungo sa restroom, ilang beses pa siyang muntik matumba dahil sa labis na hilo. Pagpasok sa isang cubicle ay agad na umupo siya sa gilid ng bowl at saka sumuka ng sumuka. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang paghaplos ng isang mainit na kamay sa kanyang likuran. "M-Mike, I-I'm okay- achhkk." Muli siyang nasuka. Dapat pala ay hindi na lamang siya uminom. Tuwing ilalabas niya ang kanyang ininom ay siya namang sakit ng kanyang lalamunan at tiyan, tila nilalabas niya lahat ng kinain niya simula kaninang umaga. "Tsk. Painom-inom tapos hindi naman kaya." Malagom, at lalaking-lalaki ang boses ng nasa likuran niya, naghatid ito ng kakaibang kilabot sa katawan niya ang malamig na boses nito. Dahan-dahan siyang humarap. Nakita niya ang kuya Jestoni niya. Kaya ba naging malamig ang boses nito dahil galit ito sa ginawa niyang pagpapakalasing? "Fvck!" Mura nito. "Kuya Jestoni, wag ka ng magalit-hik." Tila bata na lambing niya sa pagitan ng pagsinok habang nakayakap rito. Lumayo siya dito at saka ito tinitigan sa mukha. Unti-unti ang paglaki ng kanyang mata ng matitigan ito ng mabuti. "K-Kuya J-Jack?!" Aniya sabay singhap ng malakas. Kaya pala malamig ang boses nito at walang lambing ang boses dahil hindi ito ang kuya Jestoni niya- kundi ang kakambal nito. Kung hindi niya napansin ang hikaw nito sa isang tenga ay hindi niya malalaman. Mahina n'yang kinurot ang tagiliran niya para tiyakin na totoo ang kanyang nakikita at hindi dala lamang ng kalasingan. Nang makaramdam siya ng sakit ay napatunayan n'yang hindi siya namamalikmata. Itinulak niya ito palayo sa kanya- pero hinawakan nito ang dalawang kamay niya, mabilis na hinubad nito ang suot na leather jacket saka isinuot sa kanya, at parang sako ng bigas na binuhat siya. "Damn you, Farrah! Kailan ka pa natutong magsuot ng ganyan?! Kanina ka pa pinagpipiyestahan ng mga kalalakihan dito dahil sa suot mo!" Tama nga siya... ang kuya Jack niya talaga ito. Sa pananalita pa lang nito ngayon sa kanya ay napatunayan n'yang tama siya, dahil kahit kailan ay hindi nagalit ang kuya Jestoni niya sa kanya. Hindi na lamang siya nagsalita at hinayaan ito na buhatin siya. Bukod sa sobra siyang nahihilo ay parang nawalan siya ng lakas ng isuka niya ang laman ng sikmura niya. . . . . "OUCH! ANG SAKIT NG ULO KO!" Sinubsob niya ang mukha sa unan habang nakahawak sa ulo niya na sobrang sakit. Ito yata ang tinatawag na hangover. Pilit na bumangon siya at naligo, pagkatapos ay bumaba siya dahil oras na ng almusal. Gusto n'yang kumain at humigop ng mainit na sabaw. Pakiramdam niya kasi ay nanunuyo ang lalamunan niya at walang laman ang sikmura niya. Naabutan niya ang mommy niya na tumutulong na maghanda ng umagahan nila. Agad na namilog ang mata niya ng makita na mayro'ng bulalo sa nakahain. Talagang alam talaga ng mommy niya ang mga gusto niya. "Kumain ka na, baby. I cooked bulalo for you dahil alam kong masakit ang ulo mo dahil sa hangover." "Thank you po, mommy!" Aniya sabay yakap at halik sa pisngi nito. Ang daddy naman niya ay ngingiti-ngiti lang habang nakatingin sa kanila, gano'n din ang kuya Justin niya, maliban sa kuya Jestoni niya na walang pakialam at malamig lang na nakatingin sa kanya. Agad na humigod siya ng sabaw pagkaupo niya. Halos magkandapaso-paso ang dila niya ng mapansin ang kuya Jestoni niya- este ng mapansin na hindi ang kuya Jestoni niya ang nasa harapan niya ngayon kundi ang kuya Jack niya. "K-Kuya J-Jack?" Mahinang anas niya. Tumaas ang sulok ng labi nito ng makita ang pagputla ng mukha niya. "N-Nakabalik ka na?" Lahat sila ay tumingin sa mommy niya ng magsalita ito. "Dahil bumalik na si Jack ay magkakaro'n tayo ng 'Welcoming Party' para sa kanya. We have to celebrate dahil kumpleto ng muli ang pamilya natin." Nabitiwan niya ang hawak na maliit na soup bowl kaya natapon ang laman nitong sabaw sa damit niya. Mabuti na lang at hindi na ito gano'n kainit kaya hindi siya masyadong nasaktan. Agad na lumapit ang mommy niya sa kanya na nag-aalala. "Ayos lang po ako, mommy." Wala sa sariling sambit niya, hindi lang talaga siya makapaniwala na tuluyan ng bumalik ang kuya Jack niya. Ibig sabihin ay totoong ito ang nakita niya kagabi sa bar at hindi ibang tao! . . . . . . PAGDATING sa kwarto niya ay nakangiwing pumasok siya ng bathroom at naligo ulit. Lumabas siya ng nakatapis lamang ng tuwalya. Muntik na siyang mapatili sa gulat ng makita na nakasandal sa pintuan ng kwarto niya ang kuya Jack niya habang nakapamulsa. Nakaramdam siya ng inis rito. Hindi dapat ito pumapasok sa kwarto niya ng hindi nagpapaalam. Ito nga dati ay nagagalit kapag pumapasok siya sa kwarto nito, e. "Kuya, sa susunod kumatok ka muna bago pumasok sa kwarto ko." Malumanay n'yang sabi. "Bakit pa?" Huminga siya ng malalim. Talagang nagtanong pa ito. Hindi ba obvious? "Dalaga na ako at hindi na bata-" "So what?" Putol nito sa kanya. "Para sa akin ay ikaw pa rin si Farrah na uhuging iyakin at ampon sa bahay na ito." Pakiramdam niya ay mas lalong kumirot ang ulo niya sa sinabi nito. Limang taon silang hindi nagkita at nagkausap, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD