[Farrah]
Hanggang ngayon ay magaspang pa rin ang ugali nito. Hindi na lamang siya nagsalita. Akmang papasok na siya sa bathroom para do'n na lang magbihis ng muli itong magsalita.
"Did you missed me, Farrah?" Seryoso ang boses na tanong nito.
Napangiwi siya habang nakatalikod rito. Hindi siya sinungaling kaya ayaw n'ya sabihing 'oo. Nalungkot siya rito, oo— pero ang ma-miss ito?
Never.
"So, you never miss me, huh."
Nanlaki ang kanyang mata ng maramdaman ang mainit na hininga nito ngayon sa batok niya. Sa kanyang taranta ay mabilis na lumayo siya rito. Napahawak siya sa batok niya, ramdam niya pa rin ang init ng hininga nito, at nakakakilabot ang dating niyon sa kanya.
"H-Hindi naman sa gano'n, kuya Jack." Pagkakaila niya. "S-Syempre na-miss ka naming lahat, lalo na si mommy—"
"Then, why don't you give me a hug?" May mapaglarong ngisi sa labi nito na ibinuka ang dalawang braso. "Come on, Farrah. Patunayan mong na-miss mo talaga ako."
Nawala ang ngiwi sa mukha niya, napalitan iyon ng may pagkailang na ngiti. Oo, kuya niya ito, pero hindi sila gano'n ka-close para magyakapan pa sa muli nilang pagkikita— aba, ang gaspang kaya ng ugali nito sa kanya, kaya bakit naman niya ito—
Nanlaki ang mata niya ng sa isang iglap lamang ay nakakulong na siya sa mahigpit na yakap nito. Sa tangkad at laki ng katawan nito ay nagmistula siyang bata na nakakulong sa bisig nito.
Gusto man niya na kumawala ay hindi na lang niya ginawa, gumanti na lang siya ng yakap rito. Pero ng maramdaman niya ang pag-amoy nito sa kanyang buhok at paghaplos ng kamay nito sa kanyang bewang ay itinulak niya ito. Naiilang siya!
Tumingala ang kuya Jack niya. Gamit ang kamay ay sinuklay nito ang kulay platinum blonde nitong buhok dahilan para maggalawan ang mga muscles nito sa katawan. Sa nakalipas na limang taon ay mas lalong lumapad ang balikat nito, mas lalong naging matipuno ang katawan. Maganda ang kulay abong mga mata, perpekto ang jawline, mapula ang labi, matangos ang ilong, matangkad— basta perpekto ito sa lahat ng pisikal na aspeto, iyon nga lang ay magaspang ang ugali.
"Sa susunod ay piliin mo naman ang isusuot mo. Tsk, 'yong suot mo kagabi ay hindi bagay sa'yo, Farrah."
Kumuyom ang kamay niya ng pasadahan nito ng tingin ang katawan niya, lalo na ang parteng dibdib niya.
Nilalait ba nito ang katawan niya?
"Kababalik mo lang pero... pero ganyan ka agad sa akin—"
"Dapat ba magbago ang pakikitungo ko sa isang ampon na gaya mo?" Agad na putol nito sa kanya.
Tila may nagbara sa lalamunan niya. Sa loob ng limang taon ay ngayon na lamang uli siya nakaramdam ng ganitong sama ng loob.
"K-Kaya ba hindi mo man lang nagawang humingi ng sorry sa akin five years ago, ha? D-Dahil wala ka talagang pagmamahal sa akin? D-Dahil ba hindi mo talaga ako itinuturing na kapatid?"
Tuluyan ng tumulo ang luha niya.
"D-Dahil sa'yo kaya... m-muntik na akong mapahamak, h-hindi ka dumating, kuya Jack, ni hindi ka humingi ng sorry sa akin, tapos ngayon na bumalik ka ay ganito pa ang trato mo sa akin? B-Bakit ba ang sama mo sa akin? A-Ano ba ang nagawa ko sa'yong masama, ha? Sinusunod ko naman ang lahat ng gusto mo. Ano pa ba ang kulang?"
Natigilan ito ng makita ang pag iyak niya, dumaan ang emosyon sa mata nito na hindi niya mapangalanan, pero agad din iyong nawala at napalitan ng blankong emosyon ang mata nito habang nakatingin sa kanya.
"At my upcoming party, dito ka lang at wag kang lalabas." Ma-awtoridad na utos nito.
Mas lalong nadagdagan ang sakit sa dibdib niya dahil sa sinabi nito. Hindi pa siya nasanay, eh palagi naman itong nangyayari. Lahat ng party ng kuya Jack niya ay hindi siya nito pinapalabas ng kwarto, nagdadahilan na lang siya sa magulang na masama ang pakiramdam para hindi na siya pilitin pang lumabas.
"Kung hanggang ngayon ay umaasa ka na matatanggap kita ay nagkakamali ka, Farrah." Namulsa ito sa kanyang harapan at walang emosyon na tumingin ng diretso sa kanyang mata ang kulay abo nitong mga mata. "Hinding-hindi kita matatanggap bilang kapatid ko... ampon ka lang at itatak mo 'yan sa utak mo." Wika nito bago lumabas ng kwarto niya.
Sunod-sunod ang pagpatak ng luha niya. Imbis humingi ng pasensya sa kanya dahil sa nangyari noon ay masakit na salita pa ang natanggap niya mula rito. Kahit ano pa ang gawin niya ay wala na talagang pag asa na matanggap siya nito bilang kapatid.
Katulad ng bilin nito ay hindi siya lumabas sa 'Welcoming Party' nito. Nagkulong siya sa kanyang silid at nagdahilan sa magulang na masama ang kanyang pakiramdam.
Kinuha niya ang cellphone at agad na sinagot ang tawag ni Mike.
"Mike—
"Farrah, kailan mo ba ako ipapakilala sa parents mo? Ayoko ng itago ang relasyon natin, nasa tamang edad tayong dalawa. T-Totoo ba na hindi ka pa sigurado sa akin?"
"Lasing ka ba, Mike?" Aniya ng mahimigan ang boses nito. Malakas ang kutob niya na lasing ito.
"Hindi ako lasing, Farrah, nakainom lang." Sagot nito.
Bumuntong-hininga siya. "Bukas nalang tayo mag-usap kapag hindi ka na lasing, Mike."
"Narito ako sa labas ng bahay niyo—"
"Ano?!!!" Malakas ang boses na sambit niya. Nagmamadaling lumabas siya ng kwarto at bumaba para puntahan ang nobyo sa labas. Mabilis ang kilos niya para hindi mapansin ng magulang niya at mga kapatid ang paglabas niya.
"Mike, naman! Hindi ba nag-usap na tayo tungkol sa bagay na 'to? Humahanap nga lang ako ng tiyempo—"
"Ilang beses mo ng sinabi sa akin 'yan, Farrah!" Lumapit si Mike sa kanya at yumakap. "Nawawala ang kumpiyansa ko na mahal mo talaga ko dahil ang daming bawal sa relasyon nating ito. Bawal kang halikan ng matagal, bawal kang dalawin, bawal lang tawagan anytime. Saan ba ako lulugar, Farrah? Mahal mo ba talaga ako?"
Nakaramdam siya ng konsensya. Ngayon lang niya na-realized na nasasaktan na pala ang boyfriend niya. Binabalewala pala niya ang nararamdaman nito, samantalang ito ang tagal nitong nanligaw at naghintay na sagutin niya.
Hinawakan niya ang mukha ni Mike. "Pasensya ka na, Mike, ha. Pangako, babawi ako sa'yo." Aniya rito.
Nang hahalikan na niya si Mike ay mayro'n humablot sa kanya palayo rito.
"K-Kuya Jack..." Namumutla n'yang sambit. Paano ay napakadilim ng mukha nito, at halatang galit na galit.
"Sinabihan na kitang huwag lalabas, di'ba? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Nag-iigting ang bagang na tanong nito.
"Pare—" Hindi na naituloy ni Mike ang sasabibin ng malakas itong suntukin ni Jack sa mukha.
"Mike!!!" Umiiyak na tawag niya sa nobyo na ngayon ay wala ng malay. Humigpit ang hawak ng kuya niya sa braso niya ng tangkain n'yang lapitan ang nobyo.
"Pumasok ka sa loob, Farrah, kung ayaw mong tuluyan ko ang lalaking 'yan." Banta nito sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa utos nito. Kilala niya ang kuya Jack niya, hindi nito ugali ang magbiro, kapag sinabi nito ay talagang ginagawa.
'I'm sorry, Mike' Piping usal ng utak niya.