[Farrah]
Panay ang tawag niya sa number ni Mike pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Sobra siyang nag aalala at nakokonsensya sa nangyari, dahil sa kanya ay nasaktan ito ng kuya Jack niya.
Mabuti na lang at hindi nalaman ng magulang nila ang nangyari, tiyak na magtatampo ang mga ito sa paglilihim niya sa mga ito. Ngayon ay kailangan niyang ihanda ang sarili para sabihin sa mga ito ang tungkol sa boyfriend niya. Hindi na dapat pa niyang patagalin dahil alam na ng kuya Jack niya ang tungkol rito.
Lumingon siya ng marinig ang pagbukas ng pintuan ng kwarto niya. Kagat ang labi na tumalikod siya sa kuya niya na masama ang tingin sa kanya.
"Hindi ba't pinagbawalan kitang mag-boyfriend? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
"Kuya, that was five years ago, hindi na ako bata. Marami ng nagbago ng mawala ka." Humarap siya rito. "Saka hindi na ako bata kaya pwede ko ng gawin kung ano ang gusto ko."
Napatiimbagang ito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. Pero tama naman siya, at dapat ay alam 'yon nito.
"Break up with him." Mariing utos nito.
Umawang ang labi niya sa sinabi nito. "What?" Pagak siyang natawa. "I will never do that, kuya Jack. Mike is my boyfriend and I love him-"
"I don't care, just do what I say. Sa ating dalawa ako ang masusunod, naiintindihan mo ba?" Nangangalit ang ngipin na wika nito.
Sumagap muna siya ng hangin bago buong tapang na tumingin dito. "No, kuya, hindi ko magagawa ang gusto mo. Kung may dapat man na masunod sa ating dalawa ay ako 'yon. I'm big enough to follow your orders, hindi na ako bata para manduhan mo. Kung wala ka ng ibang sasabihin ay mabuti pang lumabas ka ng kwarto ko."
Pilit na pinatapang niya ang ekspresyon ng mukha sa harap nito, kahit ang totoo ay tila bibigay na ang tuhod niya sa sobrang takot dito.
'Relax, Farrah, you did the right thing' Aniya ng isang bahagi ng utak niya.
Nakahinga siya ng maluwag ng makarinig ng katok, pakiramdam niya ay nakatakas na siya mula sa kuya Jack niya.
"Baby, Sally is looking for you. Nasa baba siya." Ani ng mommy niya. "Mukhang seryoso ang usapan niyo, ah." Nakangiting sabi nito saka bumaling sa kuya niya. "Baka naman inaaway mo na naman itong kapatid mo, Jack, ha. Ang tagal mong nawala kaya dapat na maging mabait ka sa kanya."
Napatulala siya saglit ng ngumiti ang kuya niya. Lumitaw ang maputi at pantay nitong ngipin, pero agad din siyang natauhan ng marinig ang sunod nitong sinabi. "I'm here to say sorry, mom, about five years ago."
Wow, huh! Narito daw para humingi ng sorry, e kaya naman ito narito ay para pagalitan at utusan siya.
Nawala ang ngiti sa labi nito at seryosong tumingin sa kanya. "I'm sorry, Farrah, I really am."
.
.
.
.
"ANG tahimik mo yata, Farrah?" Tanong ni Sally sa kanya habang nagmamaneho ito. Nagpunta ito sa bahay nila para ipaalam siya na isasama sa isang birthday party. Pumayag naman ang magulang niya. Sa isang araw pa ang party na pupuntahan nila, pero nagpasya silang magkakaibigan na sa bahay nila Sally muna matutulog. Gusto rin niya na makausap si Mike, at hindi naman niya magagawa 'yon kung nasa bahay siya dahil sigurado na magbabantay na naman ang kuya Jack niya.
Naalala niya ang paghingi ng tawad kanina ng kuya Jack niya. Alam niyang sinabi lamang ito ng kuya niya dahil nari'yan ang mommy niya. Pero bakit parang totoo ang emosyon na nakita niya sa mata nito?
Pinilig niya ang ulo. Imposible ang bagay na iyon.
"By the way, nalaman ko ang nangyari kay Mike. Grabe talaga ng kuya Jack mo, no? Kung hindi ko lang alam na hindi ka niya matanggap na kapatid ay iisipin ko na sobrang protective niya sa'yo. Simula ng elementary days natin ay ganyan na siya."
Umirap siya sa kaibigan. "Protective ka d'yan. Imposibleng mangyari 'yon. Ang sabihin mo ay gano'n niya ka-ayaw sa akin kaya kaunting maling galaw o kilos ko ay napupuna niya."
Naalala niya ang pagtingin nito sa kabuohan niya kanina. Hindi niya mapigilan ang mainis. May palagay talaga siyang nilalait ng kuya Jack niya ang katawan niya, hindi lamang iyon, kung maka-utos ito ay akala mo naman ay kung sino.
"What?!!!" Malakas na bulalas ng mga kaibigan niya ng sabihin niya sa mga ito ang gusto ng kuya niya.
"Alam mo grabe na 'yang kuya Jack mo, Farrah. Sinaktan na nga niya si Mike tapos gusto pa niya na hiwalayan mo 'yong tao. Hindi ba pwede na tanggapin na lang niya ang relasyon niyo ni Mike." Ani Sally.
Napabuga na lang siya ng hangin. "Kaya hindi ko masabi kina mommy at daddy ang tungkol sa amin ni Mike, eh. Sigurado kasi ako na hindi lang si kuya Jack ang magagalit, pati sila kuya Justin at kuya Jestoni ay magagalit din."
Hindi nga siya pinagbabawalan ng magulang niya na pumasok sa relasyon, ang kaso nga lang ay mahigpit naman ang mga kuya niya. Naalala pa niya ang sinabi ng kuya Justin at kuya Jestoni niya ng tumuntong siya ng eighteenth birthday niya.
'No boyfriend until you graduate in college'
"Ano ang gagawin mo? Makikipaghiwalay ka kay Mike?" Tanong ni Rika na agad niyang inilingan.
"Of course not! Hindi na ako batang paslit na takot at sunud-sunuran sa kanya. Gagawin ko ang gusto kong gawin at magdi- desisyon ako para sa sarili ko." Matigas na wika niya.
Nagtawanan ang tatlo na parang may nakakatawa sa sinabi niya.
"Farrah, we know you, hindi mo kayang sumuway sa kuya Jack mo." Basag ni Rika sa kanya. "Naalala mo no'ng thirteenth birthday mo? Hindi ba sinabi mo na rin 'yan sa amin? Ang sabi mo ay hindi ka na natatakot sa kanya, kaya naman pumasok ka sa kwarto ng kuya Jack mo para sirain ang lahat ng mga Anime collection figures niya, pero ang ending ay lumabas ka at tumakbo ng nanginginig pa sa takot dahil hindi mo kaya."
Pinamulahan siya ng mukha at umirap sa mga ito. Tama ang mga ito. Ilang beses na niyang sinabi sa sarili ba hindi na siya matatakot rito, pero hanggang salita lang siya.
"Pwes, iba na ngayon... dahil sigurado na ako sa desisyon ko." Taas-noo pa siyang tumingin sa mga ito. "Hinding-hindi na ako matatakot at susunod kay kuya Jack, kahit na magalit pa siya sa akin!"