[Farrah]
Sa isang restaurant sila nagkita ni Mike. Hindi niya magawang tumingin dito ng diretso dahil nahihiya siya at naaawa rito.
Sa pagkakatanda niya ay isang beses lang itong sinuntok ng kuya Jack niya, pero bakit ang dami naman yata nitong pasa sa mukha?
"I'm sorry, Farrah. Dapat ay nakinig ako sa'yo at naghintay na lang." Bumuntong-hininga si Mike bago kinuha ang kamay niya marahan na pinisil. "Dahil sa akin ay nalaman tuloy ng kuya Jack mo ang tungkol sa atin. Ayos ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan?" Nag aalalang tanong pa nito.
Agad na umiling siya. "Ayos lang ako, hindi naman ako sinaktan ni kuya. Ako nga ang dapat humingi ng pasensya sa'yo, Mike. Hindi ko alam na napaparamdam ko na pala sa'yo na hindi kita mahal." Natigilan siya sa pagsasalita ng makita ang pamumutla ng mukha ni Mike.
"F-Farrah, I think I need to go-" Mabilis na tumayo si Mike at iniwan siya.
Sinundan na lang niya ng tingin ang nobyo na halos magkandarapa pa hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.
"So, inutusan mo ang kaibigan mo na sunduin ka sa bahay para makipagkita sa lalaking 'yon."
Nabigla na lang siya ng pagtingin niya sa kinauupuan ni Mike kanina ay kuya Jack na niya ang nakaupo rito ngayon. Prente pa itong nakasandal sa upuan habang magka-ekis ang dalawang braso sa dibdib at matiim ang titig sa kanya.
"Same tactic, huh." Wika pa nito. "Dati ay ikaw ang nagtatakip sa mga kaibigan mo, ngayon ikaw naman ang pinagtatakpan nila. Tsk."
Ngayon ay alam na niya kung bakit nagmamadaling umalis si Mike at iniwan siya. Nakaramdam siya ng kaunting sama ng loob sa nobyo. Ni hindi man lang nagawa nitong harapin ang kuya niya.
Napangiwi siya.
Sabagay, hindi niya ito masisisi. Six' two ang height ng kuya Jack niya, samantalang si Mike ay nasa five' six lang, bukod pa dito ay payat si Mike at ang kuya naman niya ay malaki ang katawan. Kahit sino talaga ay matatakot sa kuya Jack niya.
"Nakipaghiwalay ka na ba sa kanya, Farrah?" Kaswal na tanong nito.
Kumuyom ang kamao niya. Ang dating ng pagtatanong nito sa kanya ay parang sigurado ito na susunod siya rito.
Sumagap muna siya ng hangin at pinatigas ang mukha. "Ako makikipaghiwalay kay Mike? No, kuya, ayoko nga."
Nag isang linya ang kilay nito. Halatang hindi nagustuhan ang narinig mula sa kanya.
"Hindi porke sinabi mo ay susunod na ako sa'yo, kuya Jack-" Napaigtad siya sa gulat ng ihampas nito ang kamao sa mesa.
"Susunod ka sa ayaw at sa gusto mo dahil..." Saglit na lumambot ang ekspresyon ng mukha nito, pero muli din bumalik sa pagiging matigas. "dahil anak ako ng taong umampon sa'yo. Wag mo sanang kalimutan kung ano ka at sino ka lang, Farrah."
Kinagat niya ang loob ng bibig para pigilin ang pag iyak. Paninindigan niya ang pagiging matapang simula ngayon.
Halatang nagulat ito dahil hindi siya umiyak sa harapan nito ngayon, hindi katulad dati na agad siyang iiyak sa tuwing nababanggit nito ang pagiging ampon niya.
Tumayo siya at matapang na sinalubong ang tingin ng kuya Jack niya. "Oo, ampon lang ako. Alam ko naman 'yon. Sa katunayan ay hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yon dahil palagi mo kasing pinapamukha sa akin." Kinuha niya ang sling bag niya at naghanda ng umalis. "Kung ayaw mo sa aking bilang kapatid, eh di wag! Ayoko na rin na maging kuya ka at maging mabait na baby sister na nagsusunod-sunuran sa utos mo! Simula ngayon ay wag ka ng mangingialam sa buhay ko dahil katulad ng sinabi mo ay hindi mo naman ako kapatid!"
Bago tuluyang tumalikod ay inirapan niya ito. Pagkarating niya sa labas ng restaurant ay impit siyang napatili sa sobrang tuwa.
"Yes! Nagawa ko!" Aniya.
Hindi niya akalain na magagawa niyang sumagot rito ng hindi umiiyak at nauutal. Natawa siya ng maalala ang gulat na ekspresyon ng mukha nito.
Akmang sasakay na siya ng taxi pabalik sa bahay nila Sally ng may humila sa braso niya.
"Kuya Jack- ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Pilit niyang hinila ang braso pero nasaktan lang ang braso niya. "Ano ba, kuya!!!"
Saka lamang siya nito binitawan matapos siyang padarag na ipasok sa loob ng kotse nito. Mabilis na tumabi ito sa kanya at sumenyas sa driver na pausarin agad ang sasakyan.
Inis na inis siyang tumingin sa kuya Jack niya na prenteng nakaupo na ngayon sa kanyang tabi.
"Kuya, hindi ako uuwi. Manong, sa bahay po tayo nila Sally-"
"Sa condo ko tayo." Putol ng kuya niya sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Anong sa condo mo? Ayoko nga, kuya!"
"You are coming with me to one of my friend's wedding, Farrah. Hindi ka uuwi o pupunta sa bahay ng kaibigan mo dahil sigurado ako na makikipagkita ka lang sa lampa mong boyfriend."
"Hindi lampa si Mike!" Angil niya rito.
Tumaas ang sulok ng labi ng kuya Jack niya. "Really? Kaya pala isang suntok ko lang ay tulog na siya."
Pinamulahan siya ng mukha. "Ang yabang mo naman, kuya. Malaki ka lang talaga!" Aniya na matalim na nakatingin rito ngayon.
Mas lalo siyang nainis sa kuya niya ng tumawa ito habang nakahawak sa baba.
"Well, tama ka, Farrah... malaki nga ako." May nakakalokong ngiti na tumingin ito sa kanya na para bang may ibang iniisip. "Kaya dapat ay humanap ka ng katulad ko."
Hindi niya mapigilan ang mapangiwi sa sinabi nito. "Di ba'le na lang, kuya. Walang maganda sa ugali mo kaya bakit ako hahanap ng katulad mo. Mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga kaysa ang pumatol sa ka-ugali mo, no."
Nalukot ang mukha ni Jack sa narinig, pero agad ding napangisi. "Iyon ay kung mapunta ka pa sa iba." Makahulugang saad nito.