[Jack] Damn! Malakas na napamura si Jack ng lagpasan lang siya ni Farrah. Ni ang tingnan o batiin siya ay hindi nito ginawa. “Good morning, Kuya.” Pinigilan niya Jack ang huwag mapamura at mapasuntok sa mesa ng batiin ni Farrah ang kakambal niyang si Jestoni. Samantalang siya ay hindi man lang nakatanggap ng ngiti— Tàng ina! Hindi niya ‘to matatanggap. “Farrah, good morning.” Bati ni Jack sa dalaga. Akala ng binata ay makakaramdam ito at babatiin siya pabalik pero inikutan lamang siya nito ng mata ng hindi nakikita ng kakambal niya. “Damn it!” Napatingin kay Jack ang lahat, hindi lamang si Jestoni at Farrah kundi maging ang ilang mga tauhan ng mansion. “I-I saw a fly here! Hindi ba kayo marunong maglinis!” Angil niya kunwari para pagtakpan ang sarili. “What?!” Bulyaw niya sa mga kasa

