Chapter 26 Tiningnan ni Adrianna ang sarili sa salamin pagkatapos nyang magbihis. The gown is beautiful. As expected from Noah's mother. "Wag ka ng iiyak ha? Baka masira ang make-up mo." Sabi ng baklang make up artist. Bakla ba talaga ito? Umiyak kasi sya kanina ng makita si Rain, Helium at Carmella. Dala-dala nito ang regalo galing sa dati nyang boss. Nagkadramahan pa kanina ng mag-away sina Rain at Greig. Pinagbantaan pa nito ang mga buhay nina Helium at Carmella kapag nagsumbong daw ang ito sa CO ni Rain. Mukhang gaya din ito ni Noah, baliw na baliw kay Rain. "Oo na. Hindi na." Sagot nya sa bakla. Napatingin sya sa pinto ng bumukas iyon. Iniluwa doon si Helium. Ito kasi ang maghahatid sa kanya sa altar. Wala naman kasi syang kamag-anak. "You're perfect. Damn, what a lucky groom."

