bc

The Doctor's Obsession

book_age18+
27.4K
FOLLOW
129.1K
READ
spy/agent
possessive
kickass heroine
doctor
drama
comedy
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

"Love is the most powerful emotion and that makes it the most dangerous."

For someone who had a painful past, Dr. Noah O'Sullivan decided not to fall in love again until he met the beautiful, irresistible and mysterious Adrianna de Cordova.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Napamura si Adrianna dahil sa sobrang hapdi ng kanyang braso. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya at saka kung hindi lang sana tumawag ang gwapong doctor, hindi sana siya madadaplisan ng bala ng baril. Mabuti nalang at matagumpay na natapos niya ang kanyang misyon kaya napagdesisyonan niyang bisitahin ito sa ospital na pinagtatrabahuan nito at para na rin isisi rito ang nangyari sa kanya. Pagdating ni Adrianna sa ospital ay taas-noong pumasok siya doon hawak-hawak ang dumudugong braso. Dumiretso siya sa elevator at napansin niyang lahat yata napapalingon sa kanya. Sino bang hindi? Punit-punit lang naman ang duguan niyang damit! Malamang mapapalingon talaga sa kanya ang mga naroon! Alam din niyang magulo ang nakapusod niyang buhok at dumudugo din ang gilid ng kanyang labi. Well, she's still beautiful so wala siyang pakialam sa mga sasabihin ng ibang tao lalo na ang mga nurses ng ospital ni Noah. Yes, hindi lang basta-basta doctor si Noah sa ospital na ito. He is the owner of this hospital! Pagdating niya sa tapat ng pinto ng opisina nito ay sisipain na sana niya iyon nang bigla iyong bumukas. Iniluwa roon ang isang napakagandang babae na nakasuot ng puting dress na hapit na hapit sa katawan at nakalugay naman ang mahabang tuwid nitong buhok. Wala sa sariling napatingin si Adrianna sa marumi at duguang damit. "Adrianna?" Agad na nag-angat siya ng tingin sa nagmamay-ari ng boses. "Hi!" Pilit na nginitian niya ito. "I think you need to be treated immediately. Baka mainfect ang sugat mo." Napatingin si Adrianna sa magandang babae. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. She's nice... "Sam, let's have lunch next time. I promise, i'll make make it up to you." Sabi naman ni Noah rito. "Sure. No problem. I'll go ahead." Humalik ang babae sa gilid ng labi ni Noah na ikinainit ng kanyang ulo. She thought she was nice pero heto haliparot naman pala. Pwede namang sa pisngi diba? Bakit sa gilid pa talaga ng labi? Gusto tuloy niyang barilin ang ulo nito dahil sa inis. Sinundan ng kanyang mga mata ang haliparot na babae hanggang sa tuluyan na itong mawala sa kanyang mga paningin. Binaliganan niya gwapong doctor. Nababasa niya ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa duguan niyang braso at dahil nabadtrip siya sa nakita kanina, nawalan na siya ng ganang magpagamot rito. Tinalikuran niya ito ang naglakad papunta sa hagdanan. Napapitlag at napangiwi si Adrianna nang bigla nitong hawakan ang sugatan niyang braso. "Aray! Ano ba!" Pinanlisakan niya ito ng mga mata at malakas na kumuwala sa pagkakahawak nito. "Where are you going? Magpapagamot ka diba? Then, why are you leaving?" Kunot-noong tanong nito. "You're a heart doctor. You are -" Hindi naituloy ni Adrianna ang sasabihin dahil bigla nalang siya nitong binuhat at ipinasok sa opisina nito. Ibinaba siya nito sa couch at kumuha ito ng benda at panlinis sa kanyang mga sugat. "So, care to tell me what happened to you and why you looked like mess?" Tanong nito habang nililinis ang sugat niya sa braso. "Napaaway lang sa tabi-tabi." Pagsisinungaling niya. "You're a woman. Act like one." Natawa siya ng mahina sa sinabi nito. Kung alam mo lang kung ano ang trabaho ko. "Yes doc. Hindi na po mauulit." Napabuntong-hininga ito. "You always say that pero heto paulit-ulit mo namang ginagawa. Bakit ba palagi kang napapaaway?" Hindi niya pinansin ang sinabi nito. May gusto kasi siyang itanong rito. "So, type mo ang babaeng gaya niya?" Pag-iiba niya sa topiko. "Who? What are you talking about?" "Yung babae kanina. Ganoon ba ang mga type mo?" "Yes." Tipid nitong sagot. Napamura si Adrianna sa isipan. Ito ang gusto niya kay Noah. He's honest kahit nakakasakit na. Walang-hiya talaga. Ang sarap lang halikan! "So, hindi mo talaga ako type?" Pangungulit niya sa doktor. Hindi ito sumagot at pinagpatuloy lang ang paglilinis sa kanyang sugat at hanggang sa matapos ito ay nanatili pa rin itong tahimik. Nilagyan nito ng band aid ang maliit na sugat sa gilid ng kanyang labi. Nang tingnan niya ang sarili sa salamin ng banyo ay nakaramdam siya ng awa sa sarili. He's right. She looked like a mess. Nakakahiya sa doktor. Ngayon lang siya nakaramdam ng hiya dahil sa naiinsecure siya sa babaeng haliparot. Inilugay niya ang itim na buhok at sinuklay iyon gamit ang kamay. Huminga siya ng malalim bago lumabas ng banyo. Sinalubong agad siya ni Noah at iniabot sa kanya ang isang puting t-shirt at jogger pants na kulay navy blue. "Use this." Ibinalik niya ang mga iyon. "No. Uuwi na ako." "Magpapalit ka ng damit o ako ang magpapalit sayo?" Pananakot nito sa kanya. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at muling kinuha ang mga damit nito bago pumasok ulit sa banyo. Pagkatapos niyang magbihis ay naupo siya sa couch at tiningnan ang gwapong doctor habang binabasa ang charts ng mga pasyente nito. Gwapo mo talaga. Hot pa. Pahalik nga! "It's almost lunch. You hungry?" "Oo." Mabilis niyang sagot. "I'll order lunch." Inabot nito ang telepono at nagpadeliver ng lunch. Napangiti siya. Medyo masungit ang pag-uugali nito pero nag-aalala naman ito sa kanya. Wag kang masyadong mabait sa akin at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na buntisin kita — ay mali, magpabuntis sayo pala dapat. They met more than a year ago. Pabalik-balik din kasi ang misyon niya sa Pilipinas at dahil makulit siya, palagi niya din itong binibisita at sa tuwing nagkakasugat siya ay dito siya nagpapagamot. Noon ay panay ang reklamo nito sa kanya, well hanggang ngayon din naman pero minsan nalang. He will always say "I'm a cardiologist, Adrianna. Not a nurse." Malapit na sila sa isa't-isa pero mas naging malapit pa sila nang imbitahan niya ito sa kasal nina Ali at Evander. Medyo naglevel-up kasi sila. She got drunk that night and kissed him in front of her friends pero hindi niya makakalimutang tinugon nito ang kanyang mga halik, for the first time! Dinala rin siya ni Noah sa bahay nito (for the first time ulit!) pero agad siyang nakatulog sa sobrang kalasingan kaya naman walang nangyari sa kanilang dalawa. She was more than willing to give him her virginity. Siguro hindi pa iyon ang tamang panahon. May tamang panahon para sa kalandian.. Now, her mission in the Philippines is almost finished at hindi niya alam kung hanggang kailan siyang mananatili sa bansang ito. She will miss him but she will definitely come back for him. Bigla niyang naalala ang pagtawag nito sa kanya kanina kaya naman tinanong niya ito. "Bakit mo ako tinawagan kanina? Hindi ako naniniwalang nangungumusta ka lang. Tatlong araw pa lang tayong hindi nagkita pero namiss mo na ako agad?" Nakangising tanong niya. "Hindi kita namiss. Huwag kang assuming." Napatawa siya. Ang cute lang nito. "Ikaw ang bahala pero yun ang iisipin ko." Hindi ito sumagot at pinagpatuloy lang ang ginagawa hanggang sa dumating ang inorder nila. They ate in silence. Pagkatapos nilang kumain at inabot nito ang isang stab ng tabletas. "Para saan naman 'to?" Tanong niya. "Pain reliever. I know that hurts." Ininguso nito ang kanyang braso. He's right. Kanina pa niya iyon iniinda. Sanay naman kasi siya sa ganito so she doesn't mind. "S— salamat." Tumango ito at iniligpit ang pinagkainan nila. Kailangan na niyang umuwi para makagawa na siya ng report. "Doc, uwi na ako. Doon nalang ako magpapahinga sa apartment ko." "Sige pero inumin mo muna yang gamot." Agad naman niya itong sinunod. Hinatid siya nito hanggang sa parking lot. Hindi pa rin mawala ang ngiti niya sa mga labi dahil sa mga nurses na inggit na inggit sa kanya. Suot ba naman niya ang tshirt at jogger pants ni Noah. Sige lang, mainggit kayo! Gusto ko yan! "Adrianna. What the hell is this?" Hindi makapaniwalang tanong nito sa kanya habang nakatitig sa kanyang bagong kotse. Nagkibit balikat lang siya. "That's my new car. I bought that yesterday." "What the f**k — saan ka ba galing at ganito kadumi ang sasakyan mo at mukhang hindi na 'to aabot sa apartment mo?!" Maputik kasi ang lugar na pinuntahan niya kaya naligo rin sa putik ang kanyang sasakyan. May mga parte ring nayupi dahil ilang beses niyang binangga ang sasakyan ng kanyang target. "Wala akong oras para linisin yan. Okay naman ang makina." Binuksan ni Adrianna ang pinto pero bigla iyong nahulog at naglikha ng ingay. Napanganga siya. "s**t! Don't give up on me baby, stay with me!" Natatarantang binuhat ni Adrianna ang pinto pero pinigil siya ni Noah. His expression was blank. "You're crazy. Ihahatid na kita sa apartment mo. I'll get rid of this f*****g car later." Hinila siya nito patungo sa basement parking. "No! My baby! Bitawan mo 'ko, Noah! Huwag na huwag kang magkakamaling itapon ang kotse ko kung ayaw mo basagin ko ang —" Saglit natigilan si Adrianna nang makita ang kotse nito. "K- kung ayaw mong basagin ko 'to." Itinuro niya ang salamin ng Bugatti Chiron nito. He smirked. "I don't care. I will still throw your car later. Get in." Sapilitang ipinasok siya nito sa kotse. Bubuksan sana niya iyon pero nakaautomatic pala yun. Pinandilatan niya ang doktor. Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga nang tumigil ito sa tapat ng kanyang apartment. Napansin niyang pinagtitinginan sila ng mga tao roon. Syempre alam niya kung bakit. May magarang kotse sa iskwater area! Magtataka talaga ang mga tao roon kung bakit naligaw ang ganito kagarang kotse sa lugar na yun! "Please tell me that you don't live here." "I live here. Nandito na nga tayo diba? Yun yung apartment ko oh." Itinuro niya ang lumang apartment ng gawa sa kahoy na malala pa sa kanyang kotse. Marahas na napabuga ito ng hangin. "Buksan mo na 'to. Inaantok ako. Pagod ako. Umalis ka na agad ha? Baka pagdiskitahan 'tong kotse mo. Sige ka." Bumaba ito at pinagbuksan siya ng pinto. Lihim na napangiti si Adrianna. Gentleman talaga. Pahalik nga! Kinilig tuloy siya. Hinintay niyang makaalis ito bago siya pumasok sa loob ng kanyang apartment. Alright! Time to report. Damn! I want to retire!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
361.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

NINONG II

read
656.2K
bc

Carrying The Billionaire's Son (Tagalog-R18)

read
491.1K
bc

The Professor's Wife

read
468.7K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
558.8K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook