Chapter 2

1288 Words
Chapter 2 Isang mapang-akit na ngiti ang gumuhit sa mga labi Adrianna habang malagkit na tinititigan ang pangit at matabang Tsinoy na nakaupong mag-isa sa sulok ng bar. Target spotted. Isa ito sa mga myembro ng isang criminal syndicate. Pagkatapos itong imbestigahan ng kasamahan niyang agent, kinailangang i-verify ng kanilang intel ang mga report nito. After all the process, they finally ordered her to kill this man.  Ngumiti sa kanya ang matabang Tsinoy at kinawayan pa siya. Mukhang type siya nito. Tumayo si Adrianna para lapitan. She smirked. Easy.. Huminga siya ng malalim at matamis na nginitian ito. Kakawayan niya sana ang Tsinoy nang biglang may humawak sa kanyang braso. Gulat na napalingon si Adrianna. Gusto niyang sapakin ang mapangahas na taong nanira sa kanyang diskarte!  "You. What are you doing here?" Bumaba ang mga mata nito sa kanyang suot. Napansin niya ang pag galaw ng mga panga nito. Nakagat ni Adrianna ang ibabang labi. Si Noah! Oh s**t! Bakit ngayon pa! "Uhh, ikaw anong ginagawa mo dito?" Naloko na! Balik-tanong niya sa doktor. "I'm with my friends. Now, answer me. What are you doing here?" Seryosong tanong nito sa kanya. Galit ba ito? Pero bakit? "Ah ganun ba? Sige balik ka na doon sa mga kaibigan mo." Pasimple niyang tinanggal ang kamay nito na nakahawak sa kanyang braso. Napatingin siya sa suot nito. Gwapo! Namiss niya ang gwapo nitong mukha dahil isang linggo na niya itong hindi nabibisita sa ospital. Medyo naging abala kasi siya sa panibago niyang misyon. Heto na sana, tsansa na sana niyang mapatay ang isa sa mga sindikato pero nandito naman ang kanyang Noah. Paano na niya maisasagawa ang kanyang misyon? Nalukot ang noo nito at sinamaan siya ng tingin. "Pinagtatabuyan mo 'ko?" "Diba sabi mo kasama mo ang mga kaibigan mo? Baka hinahanap ka na ng mga yun." Pagdadahilan niya. Sinulyapan niya ang matabang Tsinoy. Nakatingin ito sa kanila. Mukhang hindi niya matatapos ang misyon ito ngayon. Sayang! "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nandito?" Matalim na ang mga tingin nito sa kanya. "Umiinom. Nag-eenjoy. Hindi ba pwede? Stress ako kaya nandito ako." She pouted. Nagulat siya nang hawakan nito ulit ang kanyang braso at kinaladkad siya patungo sa elevator. Napatingin siya sa target at napamura sa isipan nang makita niya ang isang magandang babae na lumapit rito. Bwesit! Naunahan pa ako! "Noah ano ba! Saan mo ba ako dadalhin?" Napatitig si Adrianna sa gwapong mukha ng doktor. She pouted again. Malas! "Join us." She sighed. "Maa-out of place lang ako doon. Ayaw ko." Kung hindi lang ako nagugwapohan sayo, sinutok na sana kita. Nakakaestorbo ka sa akin alam mo ba yun? Pangalawang beses na akong naunahan ng ibang agent dahil sayo ha. Namimihasa ka na. Okay lang sana kung agent iyon ng organisasyon namin pero hindi eh! Hay naku ang gwapo mo talaga! Pakiss nga! Nang bumukas ang elevator ay kinaladkad ulit siya nito at pumasok sila sa isang VIP room. Bongga! May sariling music ang silid. May malaking pabilog na couch at maliit na round glass table sa gitna. Apat na nagugwapohang lalake at apat din na naggagandahang babae ang naroon. Napasimangot si Adrianna nang makita ang haliparot na babae na ang pangalan ay Sam. Kapag hahalikan mo ulit ang gilid ng labi ng Noah ko, tatadyakan ko yang pagmumukha mo. "This is Adrianna. A friend." Pakilala nito sa kanya. Friend daw. Special friend kamo. Bwesit. Friend pa rin yun. Friend-zoned. Matamis na nginitian niya mga kaibigan nito lalo na ang lalakeng may malagkit na tingin sa kanya. Lumapit siya sa lalaki at naupo sa tabi nito pero bigla nalang siyang itinayo ni Noah at naupo ito sa pagitan nila. Napasimangot ulit si Adrianna. Inabutan siya ng lalake ng isang baso ng alak pero ininom naman iyon ni Noah. Natahimik nalang si Adrianna.  Hindi na alam ni Adrianna kung ilang oras siyang nakaupo roon habang umiinom ng juice. Oo, juice. Umorder siya ng alak pero pinalitan naman ni Noah ng juice. Ang mga basong para sa kanya ay iniinom nito. Para itong bodyguard. Bantay sarado siya at hindi niya maintindihan kung bakit. Pero syempre patatawarin niya ito dahil ito ang kanyang pinakamamahal na Noah. Bumuntong-hininga si Adrianna. Napapanis na ang laway niya. Hindi kasi siya makarelate sa mga pinag-uusapan ng mga ito. College days huh. So, magkakilala na sila nitong halipot na 'to nung college pa. "Are you okay?" Tanong ni Noah sa kanya.  Walang ganang tiningnan niya ang katabi. "Gusto ko ng umuwi." Sagot niya rito pagkatapos ay tumayo. Agad na napatingin sa kanya ang lahat. "We'll go ahead first. May meeting pa ako bukas." Tumayo si Noah at hinawakan ang kanyang kamay. Her heart thumped. Friend daw oh. Wala sa loob na napangiti si Adrianna. Kinikilig ang pempem niya! "Sige bro. Ingat kayo." Sabi ng lalaking malagkit ang tingin sa kanya kanina. "Next time ulit." Sabi naman ng isang babae. Tumango lang si Noah at hinila na suya paalis doon. Habang naglalakad sila palabas ng bar ay mas humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Hanggang sa marating nila ang kotse nito ay hindi pa rin siya nito binibitawan. "Bitawan mo na ako." Sa simpleng paghawak nito sa kanyang kamay kanina ay agad na nagwala na ang kanyang puso. Iba talaga ang epekto ni Noah sa kanya. "Ayy!" Nagulat si Adrianna nang bigla nitong yakapin ang kanyang beywang at isinandal siya sa kotse. Pakiramdam ni Adrianna ay may nagkakarerahan na loob ng kanyang puso dahil sa ginawa nito. Matiim na tinitigan siya ni Noah at wala sa sariling nakagat niya ang ibabang labi. Jusmio, hahalikan na ba niya ako? Bakit ang tagal? "That dress is a work of evil."  Nanlaki ang kanyang mga mata nang lumapat ang labi nito sa kanyang mga labi. Lagi niya itong ninanakawan ng halik noon kaya ito ang unang beses na ito ang humalik sa kanya. Napapikit siya at nimamnam ang halik. Awtomatikong yumakap ang kanyang mga braso sa leeg nito at tinugon ang halik. Ipinasok nito ang dila at nakipag-espadahan ang kanyang dili rito. Napadaing siya nang bumaba ang dalawang kamay nito sa kanyang pang-upo at bahagya iyong pinisil. She tilted her head when he started kissing her earlobe and neck. "Noah — baka may makakita sa 'tin." Anas niya. Tumigil ito sa ginagawa at tumitig sa kanya. Lust. Iyon ang nakikita niya sa mga mata nito. Noah... He gave her quick kiss on the lips bago  nito binuksan ang pinto ng kotse at isinakay siya doon. Dinala siya ni Noah sa pent house nito. Iyon ang pangalawang beses nakapunta siya roon. "Do you want to take a shower?" Tanong nito habang paakyat sila sa hagdanan. Tumango siya. Teka, gagawin na ba namin yun? Kinakabahan siya at dumoble pa iyon nang papasukin siya nito sa sarili nitong kwarto! Napalunok siya nang maamoy ang kwarto nito. Ang bango lang gaya ng Noah niya. "Uhh, saan ang banyo?" Itinuro naman kaagad sa kanya ni Noah ang banyo. Halos madaliin ni Adrianna ang pagligo dahil excited na siya sa susunod na mangyayari. Sa wakas, maaangkin na niya ito. Baliktad! Maaangkin ka niya! Excited ka pa talaga! Malandi ka! Itinapis niya ang tuwalya at lumabas ng banyo. Napaawang ang kanyang labi nang makitang tulog na tulog na si Noah at mahinang naghihilik pa. Napasandal siya sa pader at napabuntong-hininga. Bwesit! Nagmadali na nga ako diba? Bakit hindi mo 'ko hinintay! Paasa! Noong una, siya ang nakatulog dahil sa kalasingan. Ngayon, ito naman ang nakatulog. Hindi sa kalasingan, dahil siguro sa pagod. She sighed loudly and went to Noah's closet. Kumuha siya ng manipis na tshirt roon at boxer shorts. Pagkatapos niyang magbihis ay bumalik siya sa banyo para labhan ang kanyang  underwear. Haysss.. Nakapanghihina.. Itutulog ko nalang 'to. May bukas pa naman..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD