Chapter 3

1354 Words
Chapter 3 "Are you sure about this? Bakit ba ganito pa ang outfit ko?" Reklamo nya kay Carmella habang kinukulot ang buhok nya. "Victorian style ang ball kaya tumahimik kana. Ang daldal mo." Inirapan nya ito. Maypagka-weird ang pagtatagalog nito. Nakakabadtrip pakinggan. Her face is expressionless as ever. Carmella Oliveira known as Intel 100. A brazilian b***h. Ito ang partner nya ngayon sa misyon nya. She's beautiful pero may pagka abnoy lang. "Hanggang ngayon wala pa ring pagbabago sa pagtatagalog mo." "Shut up. I'll burn your hair." Nagbabanta na ito and all pero blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha. Tumahimik nalang sya at hinintay itong matapos. "Five targets. Make sure to shoot them in the head." She rolled her eyes. "Of course!" Pagkatapos syang pagandahin ni Carmella ay pumunta na sila sa venue ng ball. Naka-outfit din ito pero bilang waitress. Magaling din ito. Pinasok ba naman nito ang venue kaninang tanghali para itago ang mga baril na gagamitin nya doon. "We're here. Goodluck SP 214." She nodded. "You too Intel 100." Naglakad sya papasok ng hotel na may ngiti na nakaplaster sa labi nya. Ngitian din sya ng mga security guards habang tsinicheck ang invitation letter nya. Nang makapasok sya ay inilibot nya ang paningin para hanapin ang limang targets. Wait for me my hot doctor. Magpapabuntis na ako sayo pagkatapos nito. Huminga sya ng maluwag at pumunta sa sulok dahil nakita nya ang isang target nya na umiinom ng mag-isa. Uunahin na nya ito. "Hi. Alone?" She smiled seductively and licked her lower lip. Ngumiti sa kanya ang kalbohing lalake. "Yes. How about you join me beautiful?" Hinagod sya nito ng mainit na tingin mula ulo hanggang paa. Kadiri! "Sure." Inilapit nya ang katawan rito ng bigyan sya nito ng inumin. Kunyari ininom nya iyon. Hindi pa sya tanga para totohaning inumin iyon. Baka may drugs pa yun edi patay sya. Double dead pa kapag pumalpak sila. Tipid na ngumiti lang sya ng halikan sya nito sa pisngi. Hinayaan nya itong akbayan sya. Mas lumapad ang pagkakangiti nya ng makitang naubos na nito ang laman ng wine glass. Kinuha nya iyon at hinalikan ang kalbo sa pisngi. "I'll get you a drink." She winked and called a waitress. It's Carmella. Ngumiti sya rito ng inabot nito ang baso ng wine. Agad itong umalis at ibinigay naman nya sa kalbo ang baso. Agad naman nitong ininom iyon. Bobo mo kalbo. Hindi man lang nakipagcheers. Ilang minuto din syang nakipagharutan rito at sa tuwing nag-aattempt itong halikan sya sa labi, umiiwas sya. Sumandal ito sa pader at napapikit. Nakahinga sya ng maluwag ng sa wakas imiepekto na ang pampatulog na nilagay ni Carmella. "What's wrong?" Tanong nya. "I'm getting drunk honey. How about we go—" "Do you need to go to comfort room? I'll come with you." Nakangiting tanong nya rito. "Sure." Pinaakbay nya ito sa kanya. Nang pumasok sila sa sinasabi nyang comfort room at agad na binigay ni Carmella sa kanya ang baril na may silencer. Itinutok nya iyon noo ng kalbong nakasandal sa pader. "Nice meeting you." Ngumiti sya rito at binarili ito sa ulo. Balewalang lumabas sya ng pribadong kwarto at naglakad pabalik sa bulwagan ng masalubong nya ang isang target. Nice. "Uhm hi!" Kumaway sya rito at "Hey." Ngumiti ito sa kanya at lumapit. "Will you help me with something?" Nang-aakit nyang tanong. "Sure. What is it." "This way." Sumunod ito sa kanya hanggang sa makapasok sya sa pribadong silid. Nang isarado nito ang pinto ay malakas na tinulak niya ito sa sahig. Natumba ito at nagulat sa ginawa nya. "Nice meeting you." She winked and shoot his head. Two down. Three to go. Bumalik sya sa bulwagan para hanapin ang tatlo. Napamura sya ng makitang may partner na mga babae ang dalawa at ang isa naman ay may mga kausap. Sumandal sya pader na malapit sa lalakeng may mga kausap. Pasimpleng uminom sya ng tubig sa baso at tinitigan ang may edad na lalake. C'mon, tingin kana dito. Napabuntong-hininga sya ng hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. Napatingin sya sa pagkain sa di kalayuan. Nagugutom na sya, kumakalam ang tyan nya. Makakain na nga muna. Naglakad sya patungo sa mga mesa kung saan ang mga pagkain ng biglang may humawak sa braso nya. Napapikit sya. Noah? Dahan-dahang nilingon nya iyon at nakahinga sya ng maluwag ng makitang ang target nya iyon. Iyong lalakeng may mga kausap kanina. "Hi!" Ngumiti ito ng malapad. "Hi!" Gumanti din sya ng ngiti rito. Bakit ang eeasy to get nyo? Tanong nya sa isip. "I saw you staring at me a while ago. You're beautiful. What's your name?" Hindi pa rin nito binibitawan ang braso nya. "How about you? What's your name?" Tiningnan nya ito mula ulo hanggang paa at napakagat labi saka tumitig sa mga mata nito. Humigpit ang pagkakahawak nito sa braso nya. "God woman, you're so beautiful." Hinaplos nito ang pisngi nya at ngumiti ng nakakaloko. "Thank you." She winked at him. "Are you seducing me woman?" Inilapit nito ang mukha sa kanya at iniyakap nito ang dalawang braso sa naliit nyang beywang. Binasa nya ang mga labi habang nakatingin sa labi nito. "Maybe? Were you seduced?" Halos pabulong nyang sagot. "Yes." Akmang hahalikan sya nito sa labi ng umiwas sya. "People are looking." Humiwalay sya rito at hinila ito. Nagpahila naman ang manyak. Nang ipasok nya ito sa pribadong silid ay malakas na napamura ito. "s**t, s**t, s**t!" Itinutok nya ang baril sa likod na ulo nito. "Nice to meet you." Nang nilingon sya nito ay kinalabit nya ang gantilyo at bumagsak ang ito sa sahig. She smiled. "That's the third one." Inilock nya ang silid bago lumabas. Tinanguan sya ni Carmella bago sya bumalik sa bulwagan. Tiningnan nya ang isang target. May kasama pa rin itong babae at ang isa naman ay palabas na. Teka! Palabas na? s**t! Mabilis na naglakad sya para sundan ang mga ito. "The target is moving Intel 100. Lalabas yata. Ikaw na muna dito." Mahinang sabi nya. "Roger that." Napamura ulit sya sa isip ng makitang may tatlong body guards na nakasunod sa mga ito. "Where is your car key?" Tanong nya kay Carmella. "I left it in the car. Don't worry, hindi nakalock ang sasakayan." Napangiti sya. Mabilis na naglakad patungo sa elevator. Sasarado sana iyon. "Wait!" Sigaw nya. Matamis na ngumiti sya sa isang bodyguard nito ng pigilan nito ang pagsarado ng elevator. "Thank you." "What floor?" Tanong nito sa kanya. "Basement din. Thank you." Nauna itong lumabas sa kanya kaya naman binagalan nya ang paglalakad para masundan ang mga ito. Palinga-linga sya sa basement.  Napangiti sya ng makitang nasa sulok ito nakapark kaya naman ay pinunit nya ang mahabang gown saka ito sinundan. Walang nakapansin sa kanya kaya naman binaril nya ng tranquilizer ang babae at dalawang bodyguards na nasa huli. Bago paman makapaglabas ng baril ang tatlong bodyguards ay naunahan na nya ito. Binaril nya ang tatlo ng tranquilizers. Nilapitan nya ang target na nakaupo sa sahig at parang tutang takot na takot. "Hi there." She smiled at him. "No! Parang awa mo na, wag!" She rolled her eyes. "Ang ingay mo." Binaril nya ito sa ulo at tumalsik ang dugo nito sa damit nya. "Intel 100, I'm done here. What's the status there?" Tanong nya rito. "We're done. I'm going down." "Nice" Tinungo nya ang sasakyan nila at isinuot ang jacket nya para itago ang damit na may dugo. Pagdating ni Carmella ay agad na kinuha nito ang laptop at sinimulang i-tamper ang mga CCTV footages. "Good job SP 214." Bati nito sa kanya habang ang mga mata ay nakatutok sa laptop. Bastos din. Nagcocongratulate nga pero hindi naman nakatingin sa kanya. "Same to you. Bilisan mo na yan ng makauwi na tayo." Magpapabuntis pa ako. Nasan kaya ang lalakeng yun? Hindi sumagot si Carmella. Mabilis ang pagtipa nito sa keyboard ng laptop. She stayed silent for more than 5 minutes. Sa wakas ay natapos ito. "San kita ihahatid?" Tanong nito. "Sa O'Sullivan hospital." Ngumiti sya. Napakunot-noo ito. "Dressed like that?" "Yeah. Don't worry. Sanay na sila saken." Tumango ito at napabuntong-hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD