Chapter 19 Malapit na nyang maubos ang bote ng vodka at umiikot na ang kanyang paningin. Pagak na napatawa sya. Ohh Noah, nakita mo lang ang maganda mong ex, nakalimutan mo na ako. Hindi na tuloy ako siguradong nababaliw ka talaga sa akin. Tinitigan nya ang bote, mga dalawang lagok nalang iyon. Napailing sya at inubos iyon. "You're very drunk." Sabi nya katabi nya. Nilingon nya ito. "Pwede mo ba akong ihatid? Wala akong pera at wala akong cellphone. Hindi ko matatawagan ang kaibigan ko." Tumango ito saka tumayo. "Ngayon na?" She nodded and smiled. Inalalayan sya nitong tumayo at maglakad hanggang sa nakarating sila sa basement parking. Tumigil sila sa tapat ng itim na lamborghini. Itinulak nya ang lalaki at humiga sa hood ng sasakyan. This is her dream car. "I love your car." Tumaw

