Chapter 22 Nakahinga ng maluwag si Adrianna ng sa wakas ay maubos ni Fire ang sopas na binili nila para rito. Sinuklay nya at ipinusod ang buhok nito. Pinunasan din nya ang katawan nito at binihisan ng jogger pants at t-shirt. Isinuot din nya rito ang kanyang sneakers kahit na mas malaki ang kanyang paa rito. Ang importante ay malinis na ito at nakabihis na ng panibagong damit. Mukha kasing ilang linggo na nitong suot ang damit nito kanina. Sinulyapan nya si Fire na nakahiga sa kama. Sinadya nyang lagyan ng pampatulog sopas kanina dahil base sa mukha nito, parang hindi ito natulog ng ilang araw. Nangingitim ang ilalim ng mga mata, lumalim din iyon. Naawa sya rito. Sigurado syang may ginawa ang mga ito kay Fire dahil palagi itong tulala at hindi nagsasalita. Pinagpatuloy nya ang pag-empa

