Chapter 6 Isang linggo na ang lumipas ng umalis si Noah patungong Scotland para bisitahin ang mga magulang nito. Nag-away pa sila bago ito umalis dahil ayaw nyang sumama rito at hanggang ngayon ay hindi ito nagpaparamdam sa kanya. Namimiss na nya ito. Nagulat sya ng biglang may humila sa buhok nya. It's Carmella, the brazilian b***h. Pinandilatalan nya ito. "What the f**k?" "Focus SP 214. Kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka naman nakikinig sa akin." She sighed. "Sorry. Pwede bang bukas nalang tayo mag-usap? Wala ako sa mood ngayon e." Tumango ito at tumayo. Bilis naman. "We still have a month to finish this. And oh, this is our last mission here in the Philippines." So ito na ang kinakatakutan nya. Ang mahiwalay kay Noah! Tumikhim sya at nag-iwas ng mga mata para itago ang e

