Nasa loob na nga kami ni Clint ng aking silid. Pino proseso pa ng utak ko lahat, sa lahat ng nangyari isa lang ang tumatak sa isip ko, si papa.. Kawawa naman si papa ko, sya ang nagdala ng lahat ng sakit, hirap, kawalan at pangungulila. Sobrang tatag niya bilang isang ama, siya ang buhay na patunay ng isang matibay na haligi ng tahanan. Para sa nangyari kay mama, nalulungkot ako dahil ako ang dahilan kung bakit nalulungkot si papa ngayon. Siguro nangulit ako dati kaya may nangyari na hindi inaasahan, wala naman kasi akong mapiga na ala-ala sa aking utak. " Baby, halika na dito kinuhaan kita ng pamalit na damit. " Kaya lumapit ako sa aking kasintahan at niyakap ito. " I love you Clint, thank you sa lahat " Nakatulala lang ang lalaki, kaya dala ng kapilyahan ko lumapit ako dito sabay

